Part 12

2269 Words
Di ko masyadong pinansin yung sinabi ni Tracy saken kagabi, masaya naman akong natulog dahil nakapag usap kami ni Laurence. Mas lalo siyang nakakakilig, mas lalo niya akong napapasaya. Di muna ako nag ayos ng itsura at bumaba na ako, alam ko kasi kumakain na sila mama sa baba. Pero pagbaba ko, may naririnig akong boses, nagtatawanan. Di lang basta boses nila mama at papa, meron pang iba. Pag tingin ko....   Si Matteo. Naka uniform na siya at nakikipagtawanan kina mama at papa. "Hahahaha, ay gising na pala siya!!" Biglang sabi ni Matteo pagkakita saken. Tumingin lang din sila mama saken. "Oh, sumabay ka na rito samen" sabi ni mama saken. Anong ginagawa rito ni Matteo? "Ju, ihiin ka pala nung bata ka eh! Haha" asar ni Matteo saken. Nagtatawanan silang tatlo, at ako ang topic nila! "Ma, ano ba yan bakit mo sinabi lahat kay Matteo!!" Sabi ko. "Haha, ang tagal mo kasing magising eh, ikaw tuloy pinagkekwentuhan namen" sabi naman ni papa. "Haha, halika na rito, kumain ka na!" Yaya naman ni Matteo. Inis naman ako sakanilang lahat kaya umakyat uli ako sa kwarto ko at nahiga. Maya maya, pumasok na lang si Matteo sa loob ng kwarto ko. Lumapit siya saken at dumagan sa likod ko. "Aray ko naman!!" Sabi ko. "Haha, bakit ka ba nagiinarte diyan?" Nakadapa ako tapos nakadapa rin siya saken. Nakahawak siya sa balikat ko. Iba naman nararamdaman ko ng mga oras na yun, pero pinilit kong itago yun, palagi kong iniisip everytime na naiinlove ako sakanya, "bestfriend ka lang, bestfriend" "Bumaba ka na, kumain at maligo!" Sabi niya. "Dun ka na, mauna ka na, di na ako papasok. Wala naman klase eh" sabi ko. "Ay, edi di na rin ako papasok" Naupo na kaming dalawa sa kama ngayon. "Baliw ka rin eh no?" "Haha, wala ka naman dun Ju. Wala rin ako makakausap" sabi niya, "Edi papasok na lang ako, nakakainis to" "Haha, wag ka na mainis Ju hehe. Saten saten lang yun hehe" Di ko naman matiis tong lalaking to kaya ngumiti ako para malaman niyang okay na ako. "Ju" bigla niyang sabi. "Oh?" "Nililigawan ko na pala si Maddie, nagsabi na ako sakanya. Pumayag naman siya, syempre lugi pa ba siya? Matteo na to oh" sabi niya. Di ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sinabi niya, pero ngumiti lang uli ako para malaman niyang okay ako. "Kinuha mo muna Virginity bago ka nanligaw, grabe ka!" Asar ko. "Hoy, di na siya virgin nun no. Parehas lang kami, wag ka nga" "Pero kahit na!" "Sus, aminin mo na kasi sakeng may gusto ka kaya nagseselos ka lang" Ayoko talagang nagbibiro siya ng ganito eh, di ko alam nararamdaman ko, parang naiiyak ako na ewan. "Kapal mo tse, maliligo na nga ako!" Sabi ko na lang, tumayo na ako at kinuha yung tuwalya ko saka dumiretso sa banyo. Kinalma ko sarili ko pagpasok ng banyo. Ayokong maging malandi pero kapag andiyan si Matteo, naaaalala ko kung paano ko siya nagustuhan. Pero kapag nandiyan si Laurence, pinapakita niya saken kung ano ang kagusto gusto saken.   May gusto naman ako kay Laurence, crush ko nga siya eh, naiinlove na rin ako sakanya, pero ganun din nararamdaman ko kay Matteo. Naiinis na ako sa sarili ko!!! +++ Natapos na ang foundation week, back to normal na ulit yung mga klase. Wala akong ginawa noon kundi sumama kay Matteo at Laurence, sakanila lang dalawa halos umikot yung buhay ko nung nakaraang linggo. Kung back to normal na rin, back to pambibwisit na rin kay Jerick. Sobrang inis na inis siya saken dahil nakikita niya ako palaging kasama si Laurence at Matteo. Kaya nung nagkataon, kinompronta niya ako, sakto mag isa lang ako nun sa room kaya malakas loob niya "Bakit ba ang landi mo? Alam ko naman may gusto ka sakanilang dalawa, bakit pinagsasabay mo pa sila?!" Sabi niya saken. Medyo mahina boses niya, hindi rinig sa room kaya parang nag uusap lang kami. "Insecure ka rin eh, wala naman akong ginagawa...." "Stop with that, 'wala naman akong ginagawang masama' line mo, nakakabwisit ka!" "Mas nakakabwisit ka, kasi 'wala naman akong ginagawa sayo' yung sasabihin ko!" Sabi ko. "Nakakainis ka talaga Julian, sinasabi ko sayo, may araw ka rin saken!!!" Sabi niya sa isip niya. Ngumiti na lang ako sakanya para mas lalo siyang maasar. Buti na lang dumating na si Matteo, as usual, sobrang gwapo niya pa rin. "Uhm, diyan ako nakaupo" sabi ni Matteo kay Jerick na nakatingin sakanya na parang kakainin na niya ng buhay. "Matteo, kahit ilang taon mo ako alilain, matikman lang kita, please!!" Sabi ni Jerick sa isip niya. "Uhm, Jerick?" Sabi ni Matteo. "Ay, oo titikman kita, este, aalis na ako! Hehe" tayo niya tapos balik sa upuan niya, pasulyap sulyap pa rin siya kay Matteo kahit obvious siya. "Ang lakas ng tama sayo niyan no?" Sabi ko. "Haha, buti nga siya open sa feelings para saken, ikaw nagtatago ka!" Sabi niya. Tinignan ko tuloy kung seryoso itsura niya, di siya nakangiti pero nagtetext lang siya. Nakakainis talaga mga biro niya saken. "Ang kapal mo talaga nakakainis ka na!" Sabi ko. Pero mas naiinis ako kasi di ko pa rin matago feelings ko sakanya, inaasar pa rin niya ako eh. "Haha, umamin ka na kasi Ju," sabi niya pero di pa rin siya nakatingin saken. "Tumigil ka na nga" "Haha, naaasar ka na naman haha, ang cute mo talaga kapag naaasar ka" Paano ko ba lalabanan tong ganito ni Matteo? Talong talo talaga ako. O better, layuan ko na lang kaya siya? "Ju, nangangati yung pisngi ko, kamutin mo please, naglalaro ako Piano Tiles eh!" "He!! Ayoko nga" "Nako, di mo ko love, sige na please. Ang kati, madededs ako rito sa nilalaro ko!!" Nakakainis man, pero kinamot ko yung pisngi niya. "Ayan, ayan, ang sarap!!" Sabi niya. "Ohh, saan pa?" "Okay na Ju hehe, nangangati naman labi ko pero gusto ko sana kiss eh" sabi niya. "Hala, mag isa ka!!" Sabi ko, "Akala mo naman sayo, hahaha assuming ka rin eh!" Bigla niyang sabi. Nainis na talaga ako sakanya kaya di ko na siya kinausap at naglaro na lang ako ng POU sa phone ko. Maya maya, biglang tumawag si Laurence habang naglalaro ako. "Uy" sagot ko. "Labas ka" sabi niya. Sumilip ako, at nandun siya. Nakauniform rin siya at syempre, sobrang gwapo niya! Lumabas ako kaagad. "Bakit ka nandito?" Tanong ko. "Wala lang, namiss kasi kita eh" Iba naman yung sayang hatid ni Laurence saken, yung ngiti ko, ngiting pang langit everytime na kausap ko siya. "Bakit mo kinakamot yung pisngi ni Matteo? Nagseselos ako ah" "Hala, hindi, naglalaro kasi, ayaw paistorbo kaya saken pinakamot" sabi ko. "Oh, ako rin nangangati pisngi ko, dali na pakikamot" sabi niya. Tumawa lang ako pero sinunod ko naman siya. Nakahawak ako sa pisngi niya ng bigla niya ring hawakan yung kamay ko. Tumingin siya saken tapos ngumiti. Fvck, ang gwapo ni Laurence. "Ang lambot talaga ng kamay mo" sabi niya. Maraming nakakakita samen sa hallway na dumadaan na estudyante. Di ko naman maiwasang mabasa mga nasa isip nila. "Oh My Gosh, tama talaga kutob ko! Bi si Laurence!" "Sht, si Laurence ba to? OMG, don't tell me bakla siya!" "Ang gwapo!!!!" "Ang hilig sa bakla neto ni Laurence" Ang daming sinasabi ng mga tao sa paligid, nakaka inis na rin kaya nag focus ako kay Laurence. "Alam mo ba, habang nagtuturo kanina sa room, ikaw lang naiisip ko" sabi niya pa. Kapag talaga ganito si Laurence, di ako makapagsalita. "Malapit na matapos yung Sem, makakasama na kita sa Zambales mag isa" sabi niya pa. "Hehe, akala ko ba kasama sila Maddie at Matteo?" "Dun sila sa bahay nila, dun tayo samen haha" "Ahh ganun ba, hehe" "Excited na ako" sabi niya pa. Di niya binitawan kamay ko. Di niya rin tinanggal pagkakatingin saken. "Uhm, Laurence, ang dami ng nakatingin...." "Wala akong paki Julian, hehe. Gusto ko na malaman nila na nililigawan kita" Di niya pa ako kinakahiya. Sobrang nakakakilig talaga si Laurence. Bigla naman akong may narinig na sinabi sa isip ng isang estudyante na pumukaw ng atensyon ko. "OMG, break na pala si Laurence at Lucas" Hinanap ko kung sino nagsabi nun, at may nakita akong babae sa di kalayuan na mukhang pinipicturan kami ni Laurence. "Ayan na prof niyo Julian, hehe pasok ka na. Kita uli tayo later ah? Talagang hinahanap hanap kita eh" sabi niya. "Hehe sure, nandito lang ako" sabi ko naman. Binitawan niya kamay ko. Hinalikan naman niya yung palad niya at dinikit niya sa pisngit ko. Sobrang.akodowkfndlellwlwpwkdk nakakakilig talaga!!!!! Umalis na siya kasi pumasok na sa loob si Maam, at pumasok na rin ako. + Sa kalagitnaan ng klase, nagkaroon kami ng graded recitation. Etong si Jerick ang bida bida pagdating sa ganito. Pero ang sabi ng prof namen, parang quiz show ang dating,  kaya naman nagbida bida na naman si baklang Jerick. "Okay, si Jerick uli, sino ang gustong makalaban si Jerick class?" Sabi ni maam.   "Ju, ikaw dali, pakitaan mo ng kakaiba yang Jerick na yan!" Bulong ni Matteo. "Ehhhhh, wag na, pabida bida pa ako ganun?" "Wag ka na magpabebe dali na, matatalo mo naman yan, yakang yaka mo naman yan!" Sabi ni Matteo. Bago ako makasagot, narinig kong nagsalita si Jerick. "Ah maam, since wala naman pong may gustong mag volunteer, can I pick someone else nalang?" Sabi ni Jerick. "Ohh, good idea!" "Yeah, si Julian po sana" sabi niya sabay ngiti saken na parang nantataray. "Ohh yes, Mr. Valdez?"tawag saken ni maam. "Sige na ju, kaya mo yan, suportahan kita, guguluhin ko si Jerick para makasagot ka" sabi niya pa. "Ewan ko sayo, bahala na!" Sabi ko sabay tayo. "Yes! And we have a match now" sabi ni maam. Nasa kabilang side si Jerick, tapos nasa kabila naman ako. Parang may kuryente sa pagitan nameng dalawa kapag magtitinginan kami. "Simple lang ang rules, race to 3 pts then kung sino mauna, exempted sa next quiz okay?" Sabi ni maam. Nagreact naman lahat ng mga kaklase ko, dapat daw kasi sila na lang. Pero tuloy ang laban. World History yung subject namen ngayon, siguradong mananalo nga si Jerick kasi kaya nga siya yung pinadala sa ibang bansa kasi siya yung magaling sa subject na to. "Paunahan lang sa pagsagot okay, so eto na yung first question" Aba, naka game face on si bakla, mukhang sineseryoso yung laban nameng dalawa. "Who discovered USA?" "Christopher Columbus!" Sagot agad ni Jerick. "That's correct!" Sabi ni maam. Sht, ang bagal ko, alam ko naman si Columbus yun kaso ang bagal ko sumagot! Maya maya, nagtanong na uli si maam. "Which year, Alexander the Great became the King of Macedonia?" "336BC!" Sabi ni Jerick. "That's corect!" Sht naman, napapahiya ako rito eh, tinignan ko si Matteo, full support pa rin saken kaso isang point na lang mananalo na si Jerick. "Hey Julian, andiyan ka pa ba? Paunahan to ha hindi patagalan" sabi ni Jerick saken. Tumawa lang yung mag kaklase ko, akala nila biruan namen yun pero di nila alam, personalan na nangyayari samen. "Last question" sabi ni maam. Kailangan ko naman makasagot kaagad! Kaso teka, ano tong ginagawa ko, kaya kong magbasa ng isip, siguradong kaya ko rin basahin iniisip ni maam para matalo ko si Jerick. Tinignan kong mabuti si maam at nagulat ako ng makita ko rin yung binabasa niya sa papel! Sht! Nakikita ko yung nakikita ni maam!!!! "In which year America got Independence?" Ayan yung nakasulat sa papel ni maam. "Next question, In which year America......" di ko na pinatapos si maam saka ko sinagot yung tanong niya. "1776!!!!" Sigaw ko. Nagulat naman silang lahat kasi di pa tapos yung tanong pero may sagot na ako. "Ano? Hula hula na lang Julian?" Sabi ni Jerick. "That's correct!!" Sabi ni maam. Nagulat lalo si Jerick, pero nagbalik sa pagtataray yung itsura niya. "Well, lucky guess, Independence na America yung tanong right? Alam ng lahat yan" sabi pa niya, tumawa na lang ako kasi natatakot na si Jerick saken. Eto pala yung level 2 na kapangyarihan, kapag titignan ko yung isang tao, di ko lang basta mababasa nasa isip niya, makikita ko rin yung nakikita niya. Next question na raw sabi ni maam. "Who is the father of Modern Medicine?" "Who is the father of Modern...." "Hippocrates!" Di pa uli tapos yung tanong ng makasagot ako. Nagkatinginan uli lahat saken dahil sa ginawa ko. "Maam, that's cheating!!! Dapat patapusin muna yung tanong!" Sabi ni Jerick. "Well, talasan mo kasi instinct mo, common sense na 'father of modern medicine' itatanong. Kakalecture lang natin niyan eh" sabi ko na lang. Tumawa lang si maam pati mga kaklase ko, natahimik na lang si Jerick sa ginawa ko. "I need to win this one#!!!! Kailangan ako, kailangan mapasaken si Matteo!!" Sabi ni Jerick sa isip niya. Di ko naman pala alam na si Matteo pala ang prize. Last question na raw sabi ni maam kaya tinignan ko uli siya sa mga mata. "Who is known as the man of blood and iron?" Ayan yung next na tanong na nabasa ni maam. Alam na alam ko naman yung sagot kaya hinintay ko lang magsalita si maam. "Who is known as the man of blood and..,,," "Bismarck!!" Bigla kong sabi. Sumagot din si Jerick pero nauna talaga ako. "Waaaaa. Ang daya mo!!!!" Sigaw saken ni Jerick. "Shhhhhh, settle down Jerick!" Sabi ni maam. "No! Ang daya niya!" Sabi ni Jerick habang umiiyak. Natatawa lahat ng kaklase ko sakanya. Bigla naman siya nag walk out sa klase na mas lalong tinawanan ng klase. "Good Job Mr. Valdez" sabi ni maam. "Thank you Maam" sabi ko sabay upo. "Ang galing mo Ju!!!!" "Haha, chamba lang na alam ko mga tanong" sabi ko. "Ang galing mo nga eh haha, at natalo mo pa si Jerick!" "Ayun lang naman yung gusto ko eh" sabi ko. "Haha, edi nakuha mo!" Sabi ni Matteo. Nagpatuloy yung ganung mala quiz show sa klase. ++ Paglabas ko ng school, saka ko naalala. Di ko pala nakita maghapon si Greco. Medyo nacurious kasi ako sa sinabi ni Tracy saken about sakanya. Sakto naman, nakita ko si Tracy na nasa labas ng school, kumakain ng footlong. Kaya nilapitan ko siya para kausapin. "Uy Tracy, ano yung sinasabi mo saken about kay Greco nung isang linggo?" Sabi ko. "Ha?" Para siyang ewan kung mag react. Kaya inulit ko yung tanong ko. "No, I mean, do I know you?" Sabi ni Tracy. "Huh? Naka drugs ka ba?" Tanong ko. "How dare you! Lalapit ka saken tapos sasabihin mong naka drugs ako?!!!" "Huy, teka Tracy...." "At kilala mo pa ako, sino ka? Stalker ka ba?!!" "Ano ba, ako to, si Julian"sabi ko. "Julian? Wala akong kilalang Julian. Tse!! Diyan ka na!!" Bigla na lang siyang umalis at naiwan akong nakatulala sa nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD