Di pa rin ako sanay na nakakabasa ng isip. Ang nakakainis, ang dami kong nalalaman sa mga taong di ko naman kilala.
Habang nakatulala ako't naglalakad, bigla akong hinawakan ni Matteo sa balikat ko at sinandal sa pader.
Papasok na kasi kaming dalawa sa school, asusual, sabay na naman kaming dalawa.
"Ju, ano bang problema mo? Simula nung sinama kita sa Pampanga nung Biyernes, palagi ka ng nakatulala, isang linggo na nakalipas, ganyan ka pa rin, ano bang problema mo? May nangyari ba dun na di ko alam???"
Di masyadong nag sink in sinabi saken ni Matteo, kasi nakatingin lang ako sa mga mata niya, ang gwapo niya kasi talaga, kaso bestfriend lang talaga tinginan nameng dalawa.
"Wala nga, may naiisip lang ako" sabi ko
"About ba yan sa librong walang laman pero pinaglalaban mong may laman??"
"Walang laman, niloloko lang kita nun haha" sabi ko, pero may nakasulat talaga, di ko pa siya nabubuksan simula nung nakuha ko yun.
"Nag aalala na ako sayo Julian ah!"
"Bakit naman Julian tawag mo saken? Nakakapanibago ah haha"
"Ewan ko sayo, di ka na nagsheshare saken!" Sabi niya tapos naglakad na uli kami.
Tinignan ko siya at di ko talaga mabasa yung nasa isip niya! Nakakainis talaga, halos lahat nababasa ko iniisip maliban sakanya.
Habang, naglalakad, napansin ko sa malayong papalapit si Laurence samen ni Matteo.
"Naks Ju, crush mo oh!" Asar ni matteo.
"Sus, nagseselos ka naman?" Asar ko rin.
"Hahaha, hindi kaya, mas pogi naman ako diyan no! Mas yummy pa, tsaka alam ko naman na crush mo rin ako kaya okay lang hahaha"
"Kapal talaga ng mukha mo! Tse" sabi ko.
"Tse ka rin!" Sabi ko.
Nakangiti na si Laurence samen nung malapit na siya samen.
"Hi Julian, hi pre" bati niya samen.
Tinignan ko rin si Laurence pero sht, di ko rin mabasa yung nasa isip niya! Nakakainis ng sobra. Bakit sakanila pa yung di ko nababasa, kung saan ako mas interesado!
"Hi pre!" Bati ni Matteo.
"Wala bang hi diyan Julian?" Sabi ni Laurence.
Dun ko lang napagtanto na nakatingin pala ako sa kanya.
"Ayyy sorry, hello" sabi ko.
"Hehe, bakit ka pala umalis nun? Akala ko naman dun ka matutulog" sabi niya
Pero si Matteo yung sumagot.
"Ahhh, ewan ko diyan kay Juju, biglang nagyayang umuwi, nakakainis nga eh!" Sabi niya.
"Ah ganun ba? May party ako sa sabado sa bahay, gusto mo bang sumama?" Tanong niya.
Pero si Matteo uli sumagot.
"May gagawin kasi yan, maglalaba pa yan tapos gagawa pa ng assignment, busy na tao yan"
"Ahhh, I see. Hmm, sige next time nalang Julian hehe, sige bye!" Sabi niya.
"Sige pre!" Singit ni Matteo.
Umalis na si Laurence tapos naglakad na uli kami papunta sa room.
"Ikaw ba si Julian? Ikaw ba kinakausap? Bakit sagot ka ng sagot????" Sabi ko sakanya.
"Nako, feeling ko kasi nilalandi ka ni Laurence!" Sabi niya.
Ewan ko pero natuwa ako sa sinabi niya.
"Talaga? Paano mo naman nalaman??" Nakangiti kong sabi.
"Bakit parang kinikilig ka? Niloloko lang kita na crush mo yun, yun pala crush mo talaga? Seryoso ju????" Medyo pasigaw niyang sabi.
"Eh ano naman kung crush ko talaga?!"
"Hindi pwede!!! Malandi yun, baka isa ka lang sa mga lalandiin nun, tsaka straight yun! Mamaya gamitin lang niya yang virgin mong katawan tapos iiwan ka na rin!"
"Aba grabe siya oh. Keme neto, okay lang na gamitin niya ako basta siya!" Medyo pilyo kong sabi.
"Hay nako!! Bahala ka nga diyan!" Sabi niya tapos nagmamadali siyang maglakad. Hindi na niya ako hinintay hanggang sa makarating kami sa room.
Natapos yung klase na di ako pinapansin ni Matteo, ang weird talaga ng lalaking to. Pero at the same time natutuwa ako kasi concern siya saken.
"Julian!" Boses yun ni Laurence, paglingon ko siya nga!
"Uy" bati ko naman.
"Hmmm, bakit di mo kasama si Matteo?"
"Ewan ko dun, baliw yun eh hehe"
"Haha, kayo ba?" Sabi niya.
Nagulat ako sa diretso niyang tanong.
"Ha?"
"I mean, uso naman yan ngayon diba, same s*x relationship hehe, kayo ba?" Tanong niya uli.
Sht!!!! Gusto ko mabasa nasa isip niya kaso di ko talaga mabasa!!!!
"Ahhh, hindi kami. Talagang tropa lang!"
"Ahh mabuti naman hehe, so may gagawin ka talaga sa sabado? Sige na, konti lang naman invited dun eh."
Nakakainis, medyo mapilit ka ah pero gusto ko yan. Ang hirap magtago ng kilig.
"Hehe, nakakahiya kasi eh"
Sht!! Ang pabebe ko dun!
"Hindi yan, promise akong bahala sayo hehe" sabi niya.
Ngumiti lang siya saken. Argh, ano ba to! Bakit ganito, kinikilig ako, kung nilalandi mo ko sige lang, willing ako!!
"Hehe sige na nga, pero di ako iinom ha?" Sabi ko.
"Sure, okay ng nandun ka hehe. See you? Sunduin nalang kita sainyo?" Sabi niya pa.
"Alam mo ba samen???"
"Hindi pa nga eh, hatid na lang kita mamayang gabi para alam ko na? Hehe"
Iba rin moves netong si Laurence, pero kung mababasa niya lang nasa isip ko, siguradong matuturn off siya saken, sobrang kinikilig ako eh
"Hehe sige sige!" Sabi ko na lang.
"Good, see you sa parking lot ah?" Sabi niya sabay alis. Di na niya ako hinintay na makasagot. Pero ako, sobrang kinikilig!
Lalabas na sana ako para kumain mag isa, ng lumapit saken si Maddie.
Crush na crush talaga to ni Matteo, nakakainis nga eh, sobrang ganda kasi talaga. Mestisa, makinis, matangos ilong at mapula mga labi. At sobrang bait pa!
"Julian! Julian right?" Tawag niya saken.
"Ahh, hello. Uhm, Maddi diba?" Sabi ko, kunwari lang na di ko alam.
"Yes! Hehe, nakita mo ba si Matteo? Kanina ko pa hinahanap kaso di ko makita" sabi niya.
"Ahh hindi eh, kanina ko pa di kasama"
"Talaga? Sabi niya kasi saken kapag di ko daw siya makita, sayo ko lang daw tanungin" sabi niya.
Sinabi niya yun???
"Ahhh, hindi talaga eh, sorry hehe, may sasabihin ka ba?" Sabi ko.
Medyo kinikilig siya, kaya tinry kong mabasa kung anong nasa isip niya.
"Pakisabi naman na gusto ko siya"
"Hehe, wala, ako na lang magsasabi" sabi niya.
Sht. Gusto niya rin si Matteo!
"Ahhh, hmmm. May tatanong lang ako sayo, okay lang?" Sabi ko.
"Ahhhh sige, ano yun???"
"Single ka ba??" Sabi ko.
Mukhang nagulat siya sa tanong ko kaya binasa ko nasa isip niya.
"Sht, bakit bigla naman siyang nagtanong ng ganun, alam kong close sila ni Matteo, so baka si Matteo nagpapatanong!"
"Ahhh, oo hehe bakit??" Sabi niya.
"Ahh wala lang hehe natanong lang" sabi ko.
"Don't tell me, etong Julian na to pa may gusto saken!"
Ay medyo nainis ako sa sinabi niya sa isip niya. Ang hirap pala kapag nababasa mo iniisip ng tao, mas okay na rin pala minsan na di mo alam.
"Sige Maddie, una na ako!" Sabi ko na lang.
"Hehe sige Julian!" Sabi niya pa.
Nakakainis lang kapag di ko kasama si Matteo, feeling ko kasi may kulang, walang nang aasar saken.
Di niya pa rin ako pinapansin nung last subject namen, kaya di ko rin siya pinansin.
Nakatunganga lang ako sa labas ng room at napansin kong dumaan si Ken at Culver. At naalala ko na naman yung nangyari sa Pampanga. Naalala ko yung sinabi nilang dalawa na "regalo ni Matteo!"
Kaya napatingin ako kay Matteo ng masama! Kailangan ko malaman tinutukoy nila!
Kaya pagkatapos ng klase, lumapit ako sa kanya at hinila ko siya palabas.
"Kung gusto mo hawakan kamay ko, sabihin mo. Hindi yung gagawa ka ng eksena diyan" sabi niya saken.
"Hoy ikaw, kaya mo ba ako sinama sa Pampanga para ibenta kina Ken at Culver?" Medyo inis kong sabi.
"Ohhh ano naman yang pinagsasasabi mo?"
"Sabi nila saken! Parang gusto pa nila akong galawin nung gabing yun, kaya nga niyaya kitang umuwi nun mamaya kung ano pa nangyari saken dun!!!" Sabi ko.
"Ha? Anong sinasabi mo??? Bakit di ko alam yan?!!"
Ay sht, di pala niya alam yun. Ayokong sabihin kasi ang alam ko, iba magalit tong si Matteo, na kahit ako hindi ko kayang pigilan.
"Hmmm. Wala, bakit di mo ko pinapansin ....."
"Sagutin mo, anong ginawa sayo nung dalawang yun?!" Hala shocks, galit na siya!
"Wala, pabayaan mo na yun"
"Hindi Julian! Umuwi kana, di na ako sasabay!" Sabi niya tapos umalis na siya kaagad ng di ako hinihintay.
Galit si Matteo, at alam kong galit talaga siya. Yung totoong galit! Pangalawang beses ko pa lang siyang nakitang ganun.
"Julian" tawag saken ni Laurence.
"Uy, bakit?"
"Hmm, tara na, hatid na kita pauwi" sabi niya.
Pumunta na kami sa parking lot kung saan naka park yung sasakyan niya.
"Hindi ba nakakahiya?" Sabi ko sakanya.
"Ano ka ba, hindi yan hehe. Tara!" Sabi niya.
Sumakay na ako ng sasakyan niya at hinatid na ako hanggang samen.
Pagkarating sa tapat ng bahay....
"Sorry maliit lang bahay namen ha? Hehe, ayan. Diyan kami nakatira" sabi ko.
Maliit lang bahay namen, pero may sarili akong kwarto sa taas. Wala kasi akong kapatid, simula nung nakunan si mama, ayaw na niya ulit mag anak.
"So, dito na ako?" Sabi ko.
"Hindi mo ba ako papapasukin??" Sabi niya.
"Ahhh, eh, wag na, magulo bahay tsaka gabi na ohh, baka hanapin ka sainyo" sabi ko.
"Hindi yan, tsaka para ipagpaalam na rin kita sa magulang mo sa sabado diba???"
Sht, ano bang nangyayari. Parang ang laking pagbabago ng buhay ko simula nung pumunta ako ng Pampanga.
"Ahh, eh. Sige, pero baka walang pagkain ah?"
"Ayos lang, tubig lang pwede na" sabi niya sabay ngiti. Nakakainis, ang cute ni Laurence.
Bumaba na kami ng sasakyan at pumasok sa bahay.
"Julian, kasama mo ba si Matteo, nagluto ako ng dinner...." di natuloy ni mama sinasabi niya ng makita niyang may kasama akong iba.
Lumapit muna ako kay mama at nagmano.
"Ang gwapo neto ahhhh!" Sabi ni mama sa isip niya.
"Ah, ma, si Laurence pala." Sabi ko.
Lumapit lang si mama sakanya at tinignan ng mabuti.
"Nanliligaw ka ba sa anak ko?" Biglang sabi ni mama.
"MAMA!!!!" napasigaw tuloy ako.
Tinignan ko si Laurence, nakangiti lang siya pero di sumagot.
"Bakit mo naman sinisigawan nanay mo anak??" Sht, nandito na rin pala si papa kaya nagmano ako kaagad.
"Ah, si mama kasi pa,"
"Tignan mo may bisita anak mong lalaki, at hindi si Matteo!" Sabi ni mama.
Napatingin din si papa kay Laurence ng masama.
"Nililigawan mo ba anak ko?!!" Sabi naman ni pa.
"PAPA!!!" isa pa tong si papa nakakainis.
"Hehe, hindi po, makikiinom lang po sana ng tubig" sabi naman ni Laurence.
"Hindi, dito ka na magdinner, sana kumakain ka ng gulay!" Sabi naman ni papa.
"Pa, kailangan na niyang umuwi"
"Hindi, dito siya kakain"sabi naman ni papa tapos naupo siya sa sala at nanuod ng TV.
Sumenyas naman si Laurence saken ng okay lang kaya medyo gumaan loob ko.
++++
"So, ilang taon ka na?" Tanong ni papa kay Laurence.
Di ako makasingit sa usapan kasi feel na feel ni papa pag interrogate kay Laurence. Nasanay kasi siyang si Matteo yung kasama ko.
"19 po" sabi niya.
"Oh, 18 lang yang Julian ko ah!"
"Hehe, oo nga po"
"Nasaan mga magulang mo?"
"Nasa abroad po pareho"
"Pa, personal na masyado" sabi ko.
"Aba, kung liligawan ka neto dapat alam namen yan!" Sabi ni papa.
"Pa! Di nga ako nililigawan!" Sabi ko naman.
Sinubukan kong basahin nasa isip ni papa.
"Parang walang bahid naman sa katawan ng pagkabinabae tong si Laurence. Parehas sila ni Matteo pero di dapat pakampante"
"Hehe okay lang Julian, nandito po kasi ako para ipaalam po si Julian sa sabado. May handaan po kasi sa bahay" sabi ni Laurence.
"Sino may birthday?"
"Ahm, wala po handaan lang. Hehe"
"Hmmm. Anong oras mo iuuwi anak ko?" Sabi ni papa.
"Pa naman, nakakahiya na talaga!" Sabi ko sakanya.
Pero sumagot pa rin si Laurence. "Mga 12 po, ihahatid ko siya pauwi" sabi niya.
"Hmmm. Walang inom inom ha?" Sabi ni papa.
"Opo, so pwede po?" Sabi ni Laurence.
"Pa suspense muna para kunwari nakakatakot akong tatay"
Ewan ko pero natawa ako sa sinabi ni papa sa isip niya.
"Sige sige, pumapayag ako!" Sabi na lang ni papa.
Kung ano ano pa pinagkwentuhan nila, inenjoy ko na lang kinakain ko.
++++
"Ang kulit din ng tatay mo no?" Sabi ni Laurence paglabas namen ng bahay.
"Nako, palaging ganun yun!" Sabi ko.
"So.... paano ba yan, pumayag si papa mo, kaya susunduin kita sa sabado ah?"
"Hehe ano pa ba magagawa ko?"
"Oh, akin na phone mo, lagay ko number ko. Text text tayo!"
Yung crush ko yung nanghingi ng number ko!!!!
"Ayan, sige Julian. Salamat sa masarap na pagkain, hehe first time ko yun"
"First time mong ano?"
"Kumain ng gulay"
"Ha? Talaga????"
"Oo, palagi ko kasing pinapaluto ng karne yung katulong namen hehe, masarap naman pala hehe. Salamat sayo!" Sabi niya.
Grabe, rich kid pala talaga tong si Laurence.
"Ahhhh, walang anuman hehe"
"Looking forward pa ako sa mga 1st na mangyayari saken kasama ka hehe. Goodnight!!!"
HolyshtNaoqpdkdlsllal!!!! Parang mamamatay na ako sa kilig nung sumakay siya sa sasakyan niya.
Medyo nailang ako ng may nakita akong babae na naglilinis ng kalsada na nakatingin saken.
Pero bakit gabi siya nagwawalis, diba malas yun???
Napatingin lang din ako sa babaeng nagwawalis.
Di siya nagpatalo, nakatitig pa rin siya saken.
"Bakit po?" Ako na yung kumausap.
"Wala, nakatitig ka saken eh!"
"Ay, di po, kayo po nakatitig kanina bago ako tumitig!"
"Pero tumitig lang ako nung nakita kong tumitig ka saken, kaya magkatitigan tayo ngayon!" Sabi niya.
Aba ang gulo. Di ko na lang pinansin, bakit ko ba kinakausap yung babaeng yun. Kaya tumalikod na ako at pumasok sa bahay, pero may sinabi yung babae na napalingon ako.
"Ano po uli yun?" Sabi ko.
"Di ka ba kako nagtataka?" Sabi niya.
"Saan naman po?"
"Na hindi mo nababasa yung iniisip nung lalaki kanina" sabi niya.
Nagulat ako sa sinabi niya. Tapos bigla siyang ngumiti. Sht!! Para siya yung mtanda noon sa Pampanga.
Dahan dahan akong lumapit sakanya.
"Paano mo po nalaman?" Sabi ko.
"Alam ko, binabantayan ka namen."
"Namen po?"
"Basta, marami kaming nagbabantay sayo"
Shete naman, nakakatakot naman yung sinabi nung babae.
"Ah, eh sige po, papasok na po ako" sabi ko.
"Pero di mo pa binubuksan yung libro diba? Bakit?" Sabi niya.
Sht, alam niya rin yung about sa libro.
"Sino po ba talaga kayo???"
"Tawagin mo nalang kaming 'taga bigay'"
Taga bigay? Ang korny naman nun!
"Alam kong korny, pero ganun talaga" sabi nung babae.
Pati pala siya nakakabasa ng isip, medyo di na ako nagulat dun
"Basahin mo yung libro, nandun yung mga tanong mong di mo masagot" sabi nung babae.
Tapos tumalikod na siya at umalis palayo, sobrang weird talaga ng nangyayari saken pero gusto ko malaman kung bakit di ko mabasa iniisip ni Laurence, o kahit ni Matteo.
Pag akyat ko sa kwarto ko, kinuha ko kaagad yung libro at binasa yung unang page.
"Mababasa mo lahat ng iniisip ng mga tao maliban sa mga taong may malaking parte ng kinabukasan mo"
Si Laurence? Si Matteo? Paano?
Pero nilipat ko na sa kabilang page.
"Welcome Julian! Isa ka sa mga napiling may mababait na puso na nabigyan ng kakaibang regalo mula sa amin.
Sa una lang siya weird, pero habang tumatagal, makakasanayan mo yan."
Nakakainis, ano ba tong binabasa ko. Parang nananaginip pa rin ako.
"May mga piling tao kang di mo mababasa ang iniisip, at dahil ito sa:
1. May malaking part sila sa future mo na di mo dapat malaman. Maliban na lang kapag nagkaroon ka ng 10pts. (Malalalaman ang puntos sa mga susunod na pahina)
2. Maaaring sila ay nabigyan din ng mga 'taga bigay' ng ibang regalo na sensitibo at di dapat malaman.
3. Kung nais mo ng bumalik sa dati mong buhay na -di ka nakakabasa ng iniisip ng ibang tao-, maaaring makipag ugnayan sa mga 'taga bigay' na malapit sainyo.
4. Hindi dapat malaman ng sino ang regalong meron ka, automatic na mawawala lahat ng alaala mo simula ng natanggap mo ang regalo.
5. Patuloy pang madadagdagan ang rules na ito sa paglipas ng araw na ginagamit mo ang iyong regalo"
Medyo clear na saken lahat pero kung iispin, bakit kaya ako pa nabigyan ng ganitong pagkakataon.
Nilipat ko na sa kabilang page.
"PUNTOS
Ang puntos ay makukuha mo sa tuwing gagawa ka ng mabuti gamit ang iyong regalo.
Kada mabuting gawain, katumbas nito ay isang puntos.
Kada puntos ay may kaukulang regalo na pwedeng iconvert sa panibagong regalo.
Pwedeng palawakain ang iyong regalo gamit ang mga puntos na ito. Maaari kang:
1. Makabasa ng iniisip ng mga tao.
2. Makabasa ng iniisip ng ibang lahi at naka convert na siya sa tagalog or english.
3. Makapagsalita sa isip ng ibang tao.
4. Makapasok sa isip ng ibang tao.
5. Mabasa ang iniisip ng mga taong hindi mo kayang basahin ang isip.
Note: Maaari pa tong madagdagan sa paglipas ng panahon na ginagamit mo ang regalo mo."
Sht!!! So ganun pala! Parang gusto ko na lang igive up tong regalong to kasi minsan ang sakit sa ulo makarinig ng sinasabi ng ibang to.
Ang dami pang nakasulat sa libro pero di ko na muna binasa lahat. Medyo pagod na rin kasi ako sa nangyari maghapon.
Di rin nag message si Matteo ngayon, galit siguro talaga yung mokong. Kaya di ko na rin kinulit.
Nahiga na ako at natulog.