Part 2

2158 Words
Bago kami naging magkaibigan ni Matteo, nagsimula kami as magkaaway. First day sa school nun, dapat quiet muna ako at saka na ako mag bibida bida kapag tumagal. Naniniwala kasi ako sa "first impression, lasts" Sa Mendiola ako pumasok, Business Ad course ko. Para 4years lang at maka graduate at makapag abroad. Gusto ko kasing yumaman ng todo tsaka gusto nila mama at papa sa ibang bansa manirahan. Pagpasok ko ng classroom, una kong napansin yung isa kong kaklase kasi gwapo siya. As in gwapo! Well, sa paningin ko kasi gwapo siya. Kaya nung magpapakilala na kami sa harap, talagang inabangan ko na siya para malaman ko yung pangalan niya. Nung siya na yung tumayo, nakinig akong mabuti. "Good Morning...." sht, ang hot pa ng boses niya! "I'm Matteo Acosta, 17 years old." Umupo na siya kaagad at wala ng sinabi pa. Nakatitig lang ako sakanya. Nasa 4th row siya sa bungad tapos ako naman nasa 3rd row sa may bandang gitna. Maya maya, napalihis yung tingin niya saken na siya naman kinataranta ko! Buti na lang ako na yung susunod na magpapaliwanag. "Uhm. Hello, Good Morning, I'm Julian James Valdez, 16 years old." Paupo na sana ako ng may itanong pa yung teacher namen. "Hobbies? Favorites?" Tanong saken. "Ahm, I love surfing the net, and just sitting inside our house watching TV. Uhm" "Movies? Books???" Bakit ako lang tinanong ng ganito ng teacher namen. Nakakainis naman. "I love ROM COM and Sci Fi movies hmmm. Books, Hunger Games, Percy Jackson, I am number four, Divergent, Fifty Shades of Grey" Bigla silang tumawa sa FSOG, bakit ko pa kasi sinabi yun eh. Umupo na lang ako, buti naman di na nagtanong yung teacher ko. +++++ "Oy pre!" Bati saken ng lalaki sa likod. Sht, si Matteo Acosta to! "Oy" sabi ko na lang. "Anong next klase mo? Classmate ba kita?" Tanong niya. Nilabas ko schedule ko, magkaklase nga kami sa lahat. "Uy, ako pala si Matteo" pakilala niya. "Julian" sabi ko. Sht talaga, bakit siya nagpakilala saken. "Sorry ha, ikaw lang kasi yung trip ko kasama, ikaw lang kasi mahilig magbasa ng libro sa mga nagpakilala kanina" sabi niya. "Ohh, book lover ka rin?" Tanong ko. "Yeap, hehe, nabasa ko na rin lahat ng nabanggit mo, hehe, Harry Potter, ayaw mo???" Tanong niya. "Harry Potter makes you gay hahahahah" expression ko kasi yun, nabanggit kasi yun sa Friends with Benefits. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong tinulak, di naman ako natumba pero mukhang nagalit siya sa sinabi ko. Lumipas yung mga araw na di niya ako pinapansin. Nagalit ata sa mga sinabi ko sakanya about Harry Potter. Lumipas din yung mga araw na magkakakilala na kaming lahat na magkakaklase, may mga nakakasama naman ako palagi, pero si Matteo tahimik lang sa room. Kaya one time, sinubukan ko siyang kausapin pero iniwasan niya ako. Seryoso ba siya na galit siya about kay Harry Potter?! Kaya nung lumabas siya ng room, hinabol ko siya. Sakto naman na nakabangga ako ng lalaki, mukhang siga at maton. Nakakainis, uso pa pala sa college tong ganito. "Hoy, tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Sabi niya. "Ahhh eh sorry" "Aba sumasagot ka pa ah!!" Tinulak niya ako, at dun ako natumba. "Hoyy!!!!!" Sigaw yun ni Matteo, sabay sapak sa lalaking tumumba saken. Dali dali naman niya akong tinayo at tumakbo palayo. "Hehe, salamat!" Sabi ko paglayo. "Gay pa rin ba???" Maangas niyang sabi. "Seryoso, nagalit ka dahil sinabihan kita nun??" "Oo, nakakainis kaya. Akala ko magiging magkaibigan tayo kasi book lover ka rin!" "Oy, nasabi ko yun kasi linya yun sa Friends with Benefits. Sorry, napanuod ko rin lahat ng movies nun kaya wag ka mag alala" sabi ko. "Hehe, ayos lang. Sorry din sa reaksyon ko, ganun talaga kapag fan hehe" Ayan, nakita ko na naman yung ngiti niya na nagpapagwapo sakanya. "Kumain ka na pre?" Sabi niya. "Maglulunch pa lang" sabi ko. "Tara kain tayo hehe" yaya niya. Sino bang di makakatanggi. Ang first crush ko sa first day ng klase ko. Syempre oo kaagad!!! ++++ Natapos yung sem na kami na ni Matteo magkasama, at sa tinagal tagal nun, napapalitan na ng pagka inlove yung nararamdaman ko sakanya. "Uy Ju, magkaklase pa rin tayo next sem! Hehe, buti na lang sabay tayo nag enroll!" Sabi niya. "Oo nga eh!" "Nako, babyahe na naman ako neto pauwi. Pwede patambay muna ako sainyo?" Sabi ko. "Andun si mama at papa eh" "Okay lang yan hehe, nahihiya ka ba?" Kung paano niya ako tignan sa mga mata, parang iba, may iba. Ewan ko, feeling ko assumera lang ako pero ewan ko. "Hindi naman..." "Sige na, patingin na rin ng mga libro mo hehe" "Kasi...." "Yehey, hehe sige na ahhh!" Wala na akong nagawa kaya dumiretso na kami sa bahay. Isang sakay lang kasi ng jeep yung bahay namen. Tinext ko naman kaagad si mama at papa na may kasama ako kaya nagluto rin sila ng pagkain. Pagdating sa bahay, parang ewan na naghihintay sila mama at papa sa labas ng pinto. Paglapit ko sakanila, nagmano ako tapos pinakilala ko si Matteo. Pagpasok sa loob, amoy spaghetti. Masarap pa naman spaghetti ni mama, may atay ng manok na nilalagay. Sa lamesa kami kumaing lahat. "Anong pangalan mo uli?" Tanong ni papa. "Matteo po" ang badboy ng datingan ni Matteo sa boses niya. "Ahh, taga saan ka?" "Cavite po" "Uwian ka???" "Opo, hehe kaya nga po sabi ko dito muna ako kina Julian, kasi nga po traffic pa" "Ahhh okay okay." Salamat naman, natahimik din si papa. "Nanliligaw ka ba sa anak ko?" Biglang sabi ni papa. "PAPA!!!!"sigaw ko sakanya. Narinig ko naman tumawa si mama, tapos ngumiti lang naman si Matteo. "Hindi po, magkaibigan lang po kami hehe" sabi ni Matteo. Sht, di naman kasi alam ni Matteo na bakla ako. Nakakahiya tuloy! "Aba, kung liligawan mo to dapat dito sa bahay ah, ayokong lumalayo kayo!" "Papa naman!!" Sabi ko, Sinenyasan ko siya na tumigil na, buti naman nakaramdam si papa kaya tumigil na siya. Ang awkward talaga ng moment na yun pero tumatawa lang si Matteo. Pagkatapos ng dinner namen, hinatid ko na si Matteo sa sakayan niya. "Haha, siguro maka Harry Potter ka no? Harry Potter makes you gay right? Hahhahahahahah" asar niya saken Nahihiya na tuloy ako sakanya kaya natahimik na lang ako. "Uyy Harry Potter hahahah!" Asar niya, buti na lang nasa may sakayan na kami. "Sige, sumakay ka na diyan!" Sabi ko sakanya. "Haha, ikaw pala ang legit na ano ah. Hmmm. Ikaw ahhh!" "Oo na bakla na!!! Masaya ka na ba???" Medyo nainis na ako sakanya. Pero mukhang nag alala siya kaya inakbayan niya ako. "Haha, binibiro lang naman kita. Okay lang naman saken na bakla ka, atleast nga di ka yung tipong pabigay eh, haha" "Bahala ka, sumakay ka na!!" "Friends pa rin tayo? Wala naman saken na bakla ka eh, cool ka kaya kasama. Okay lang naman ehhh." Sabi niya. "Sumakay ka na!" "Basta magkaibigan tayo ahhh?!" "Oo na!!" Sabi ko. "Good, walang bawian ah. Hehe" sabi niya tapos sumakay na siya ng sasakyan. Ayun na yung araw na nalaman niya na bakla ako at simula nun, mas lalo kaming naging close. Di niya ako tinratong parang iba, basta kaibigan niya ako at kaibigan ko siya. +++++ Kasalukuyan..... Pagdating ko sa school, mabilis na lumapit saken si Ken at Culver tapos lumuhod at humingi ng patawad. "Julian sorry! Lasing lang ako nun!" Sabi ni Ken. "Ako rin Julian, sorry talaga!" Sabi naman ni Culver. Di ko lam kung anong nngyayari, bakit eto bumungad saken pag pasok ko. Sinubukan ko naman basahin nasa isip nila. "Lagot ako neto kay Matteo. Nakakainis, iba kasi kapag lasing ako eh!" Sabi ni Ken sa isip niya. "Bwisit, ang sakit ng panga ko dahil sa sapak ni Matteo. Malakas pala kapit netong si Julian!" Sabi naman ni Culver. "Julian ano na? Sorry na!" Pakiusap uli ni Ken. Maya maya biglang lumapit samen si Matteo na naka school uniform at syempre sobrang hot. "Hangga't di kayo pinapatayo ni Julian, manatili lang kayong nakaluhod!" Sabi naman ni Matteo, sht! Galit parin siya. "Julian naman, nakakahiya, ang dami ng tumitingin" sabi ni Ken. "Tumayo na kayo sige," sabi ko. "Ju, ano ba, papahirapan pa nga natin eh!" Bulong saken ni Matteo. "Hayaan mo na sila, sayang lang oras natin diyan, pasok na tayo" sabi ko sabay lakad palayo. Humabol naman sken si Matteo. "Alam mo ikaw, dapat di ka masyadong mabait eh. Kung may nanyari sayo nun? Edi lagot ako sa tatay mo?!" Panenermon saken ni Matteo. "Nako, may nangyari ba? Wala naman diba?" "Paano kung meron?" "Eh wala nga!" Sabi ko. "Paano nga kung meron? Edi wala na akong bestfriend na virgin?" Bestfriend? Bestfriendzoned. First time niya akong tawagin na bestfriend. "Keme mo, diyan ka na!" Sabi ko. "Teka, di ka pa nga nagpapasalamat!" Lumingon ako sabay ngiti sakanya at sabi ng "salamat" +++++ Pag pasok ng room, pumukaw ng atensyon ko yung bago nameng kaklase na nakaupo sa dulo. Tahimik lang siya na nakatingin sa phone niya. Kinalabit ko si Rose, kaklase ko. "Sino yun?" Tanong ko. "Ewan ko, dito ata yun eh. Late enrollee lang" "Ahh, nandito na ba si Matteo?" "Ay, napansin ko kasama niya si Maddie kanina eh" "Ah ganun ba, sige hintayin ko na lang siya rito"sabi ko nalang. Umupo nako sa pwesto ko pero tinitignan ko pa rin si new classmate. Nakangiti kasi siya habang hawak phone niya. Medyo cutie rin siya talaga. Tinignan ko isa isa mga classmate ko, para malaman kung anong nasa isip nila about sa new classmate namen. "s**t. Ang gwapo ng bago nameng classmate" "Alam ko finofollow ko yan sa twitter eh, nakalimutan ko lang" "Shocks, ang sarap!!!" Di ko naman mapigilan matawa kapag nababasa ko nasa isip nila kaya minsan, pinagtatawanan nila ako, di nila alam, sila pinagtatawanan ko. "Hoy ju, baliw ka na naman diyan!" Sabi ni Matteo, nandito na pala siya. "Wala, may naiisip lang ako!" Napatingin siya sa pwesto ng new classmate namen. "Crush mo yan? Ang liit kaya niyan, di naman ganyan mga type mo ah?" "Crush ka diyan, lahat na lang crush ko. Ewan ko sayo, keme mo!" "Haha, good. Tama ng si Laurence lang crush mo! Hehe, oy Ju, alis tayo sa sabado, samahan mo kong bumili ng damit, may date kami ni Maddie sa sabado" Nakakainis naman, kailangan pang magpasama para sa date nila. Nakakainis. "Aba, may date rin ako sa sabado no!" Sabi ko. Napatingin na lang siya saken na parang nagtataka. "Sino naman?!" "Si Laurence" medyo payabang kong sabi. "Bakit kay Laurence? Ju naman eh, mamaya galawin ka lang nun. Malibog yung hayop na yun" "Oy mapanira ka! Tsaka marami kami" sabi ko. "Don't tell me, sabi niya may handaan sa kanila sa sabado, tapos medyo maraming iimbitahin, tapos susunduin ka niya para sabay kayo? Jusko Ju, lumang luma na yung style niya!" Aw. Medyo totoo nga yung sinabi niya. "Nako ju, sinasabi ko sayo, kapag ikaw nagalaw nun, iiwan ka rin nun! Virgin lang nilalandi nun!" Pahabol pa niya. "Tama na nga!! Mapanira ka, ewan ko sayo!" "Wag ka makipag date dun!! Sinasabi ko sayo ju, tsaka lagot ka sa papa mo, susumbong kita!" "Nagkakilala na sila. Blehh!" "Inuwi mo kaagad? Jusko naman, akala ko ako lang dadalhin mo sainyo?!" "Ano ba yang pinagsasasabi mo? Tigilan mo ko sa paglalandi mo saken ah!" "Hoy ang kapal ng mukha mo, nag aalala lang ako sayo pero bahala ka, kapag nakuha na ni Laurence gusto niya, di mo na mababalik yun!" Buti na lang dumating na yung prof namen, kaya natahimik na si Matteo sa pangungulit. "I believe may late enrollee tayo sa klase, kakapasok lang sa list ko. Nasaan siya?" Sabi ni sir. Nagtinginan kaming lahat kay New Classmate. Tapos tumayo lang siya at inabot yung reg form niya. "Ohhh I see, magpakilala ka na sa klase" utos ni sir. Mukhang di naman siya kinakabahan, humarap siya samen at nagpakilala. "Good Morning, I'm Greco Martinez, 17years old, transferee from FEU." Pakilala niya. Nagbulungan mga kaklase kong babae at ayon sa naiisip nila, crush nila si Greco! Sinubukan ko namang basahin iniisip ni Greco pero di ko rin mabasa. Nakakainis naman, bakit sa mga katulad pa nila yung di ko mabasa basang isip. Nagulat naman ako ng tumingin sa pwesto ko si Greco tapos ngumiti na parang ewan. "Okay thank you Mr. Martinez" sabi ni sir, Pero hanggang sa pag upo, nakatingin saken si Greco na parang magkakilala kami. "Close ba kayo nun ju? Bakit ganun makatingin sayo?" Sabi ni Matteo. "Hindi nga eh, " "Nako, basta yung sinabi ko sayo, virgin getter yang si Laurence,.,." "Tama na nga sa Laurence, Laurence na yan! Makinig ka kay sir para di ka na kumokopya saken" "Wow harsh, kinekeme mo na naman ako ju ah!" Sht, ang cute talaga niya kapag nagsasalita ng bakla. Ang hot niya. Di nalang ako sumagot, pero sumilip uli ako kay Greco tapos nakatingin pa rin siya saken. Medyo weird na nga eh, pero okay lang, cutie naman siya eh. ++++ Sumakay na si Matteo ng bus, tapos ako naglakad na sa sakayan. Ganun kasi kami, hihintayin ko siya makasakay sa bus bago ako umalis. Saktong pagsakay ni Matteo, biglang sumulpot si Greco sa gilid ko, ewan ko kung paano! "Hi Classmate!" Bati niya saken. Ang cute din ng boses niya, nakakainlove. "Hi" bati ko. Tinignan niya lang ako sa mata na parang binabasa niya rin nasa isip ko. "Magkakilala ba tayo?" Tanong ko. "No... hindi, ang weird lang kasi kapag nakikita kita...,. Hmm, nevermind hehe, saan ka umuuwi?" Tanong niya. "Pedro Gil lang" sabi ko. "Ahhh parehas tayo ng way! Hehe, sabay na tayo?" Sabi niya. Sinubukan ko rin basahin nasa isip niya, pero di ko talaga mabasa. Ano naman kaya ang parte niya sa future ko kung sakali? O hindi kaya may regalo rin siya katulad ko kaya ganun na lang siya makatingin? "Hey, ano pala pangalan mo?" Sabi niya. "Julian" sabi ko nalang. "Ah, nice to meet you. Ako si Greco" pakilala niya. "Hehe, alam ko" sabi ko. Ngumiti lang siya at sabay na kaming sumakay ng jeep pauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD