CHAPTER 2 - KABA

1175 Words
"Kumusta ang bisita mo?” tanong ni Greg kay Mang Sixto, ang 67 anyos na katiwala sa resort. Si Greg Antonio Luna, ang nag-iisang tagapagmana ng malaking lupaing ito. More or less ay nasa 100 hectares ang nasasakupan nito lahat. Ang tatlong ektarya ay dinisenyo para sa swimming pool na nagdudugtong sa karagatan. The rest of the land ay para sa mga fruit bearing tree, coconut plantation, veggies, rice land, at lugar para sa iba’t ibang klase ng mga hayop. Mas maraming baka, kabayo at kambing ang kanilang alaga. Isa kasi ang VILLA GEORGINA sa supplier ng mga fresh milk sa Maynila. Meron ding ipinatayong pabahay o tawag nila ay small community para sa mga tauhan ni Greg na siyang nangangalaga ng mga hayop at tanim dito. Libre ang pagpapaaral ni Greg sa mga anak ng tauhan n’ya. Isa iyon sa benepisyong nakukuha ng kanyang mga tauhan. Meron din silang bonus pagdating ng anihan. Tawag nila’y profit sharing. Kung kaya’t lahat ay ganado sa pagtatrabaho sa farm. Alaga silang mabuti ni Greg. Tiba-tiba sila ‘pag maraming order ng mga lettuce at mamahaling gulay ang mga restawran sa Maynila. Lahat ng kita sa gulayan ay ibinibigay ni Greg sa kanyang mga tauhan. Sinusuklian naman nila ng kasipagan at kabaitan ang kanilang amo. Si Greg ang pasaporte nila para tumaas ang demand ng kanilang mga pananim. Maraming koneksyon si Greg sa Maynila lalo na sa mga malalaki at kilalang restawran. Nasa ibang bansa ang mga magulang ni Greg. Bihira lamang silang umuwi dito. At kung makauwi man ay para lamang magbakasyon. Dumidiretso kaagad sila sa lugar na ito imbes na sa mansyon nila sa Maynila. “Alam mo, iho, mas gusto namin ng papa mo na dito sa resort tumuloy. Presko ang hangin at nae-exercise pa kami dito. Nakakapagtanim pa ako dito at ayoko namang malumpo sa kakaupo. Aba! Malalakas pa yata kami ng papa mo,” naalala niyang sabi ng kanyang ina. "At gusto rin namin na makasalamuha ang ating mga tauhan," saad pa nito. Mababait ang kanyang mga magulang. Low profile lamang ang mga ito. Sa totoo lang, ang mama niya ang may idea na iba’t ibang klaseng herbal plants ang itanim sa entrance gate ng Villa Georgina. Para daw ‘pag pumasok ang mga bisita ng resort matatanggal ang pagkahilo nila sa byahe. May punto nga naman ang mama ni Greg. "Ah, sir…" pukaw ni Mang Sixto kay Greg na tila nagulat sa bigla niyang pagsalita. Masyado na namang malalim ang mga iniisip ni Greg. Bigla n’ya tuloy na-miss ang kanyang mga magulang. "Sa family guest room ko po muna siya pinatuloy katabi ng kwarto n’yo. Puno na kasi lahat ng hotel rooms kasi marami pong na-stranded sa kalsada at bukas pa makakadaan." Nagtataka si Mang Sixto dahil ngayon lang siya inutusan ng kanyang amo na tratuhin ng espesyal ang babaeng si Diane.Wala siyang karapatang mag-usisa. Baka isipin pa ng kanyang amo, kalalake niyang tao, eh, tsismoso. Kibit-balikat na lang na umalis si Mang Sixto.   "Madame… Madame..." katok ni Mang Sixto sa pinto ng kwarto ni Diane. "Ah! Mang Sixto, magandang tanghali po. Salamat po pala sa pagtulong n’yo sa akin. Kung hindi dahil sa inyo baka sa kalsada na ako natulog upang magpalipas ng gabi," mahabang sabi ni Diane. "Naku, walang anuman po iyon , Madame. Karangalan po namin ang makatulong sa mga nai-stranded na sasakyan sa kalsada. Gano’n po talaga ‘pag malakas ang ulan, may mga bantay kami sa ibaba upang magbigay ng abiso." "Siya nga po pala, Madame, sa ground floor po ng hotel ay nandoon ang aming restawran. Pwede po kayong kumain doon at kung gusto n’yo naman po, gamitin n’yo lang ang intercom at magpahatid ng pagkain sa loob ng kwarto," tuloy-tuloy na salita ni Mang SIxto. "Mang Sixto, pwede po bang tawagin n’yo lang akong Diane. Medyo naaasiwa po kasi ako ‘pag tinatawag n’yong Madame. Feeling ko, super tanda at kagalang-galang na ako." "At yur serbis, Diane,” mabilis na sagot ni Mang Sixto, sabay saludo ng kamay kay Diane habang nagpipilit mag-Ingles pero halata sa punto nito ang pagka-Filipino. Bigla namang napangiti si Diane dahil sa tinuran ni Mang Sixto.   "Tara na, Mang Sixto, samahan n’yo po ako sa inyong restawran.Tell me more dito sa lugar n’yo," wika ni Diane. "Lahat po kami dito, natural ang pagkain. Organic farming, ika nga. Tinuruan kami ng aming amo kung ano ba ang sinasabing organic farming. Walang nasasayang dito sa aming kapaligiran. Magaling kaming mag-recycle. Kung gusto n’yo po palang bumili ng oyster mushroom, pasalubong n’yo sa inyo, magsabi lang po kayo sa akin." "Pagpasensyahan mo na ako, Diane, kung ako’y madaldal at pino-promote ko lang ang aming farm resort. Ako po talaga ay proud na proud sa aming lugar. Kung hindi naman dahil sa initiative ng aming amo ay hindi naman kami magkakaroon ng ganitong lugar na dinadayo talaga ng mga turista."   "Mang Sixto, mamayang gabi po kaya pwede nang dumaan sa kalsada? putol ni Diane kay Mang Sixto. Parang napahiya naman sa sarili si Mang Sixto dahil parang ang layo-layo ng utak ng kausap niya. Napagod na siya sa kakadaldal pero wala palang nakikinig. "Naku, hindi pa kakayanin. Sa totoo lang talaga, Diane, punong-puno ang lahat ng kwarto ng hotel rooms namin. Lahat stranded customers. Kaya’t kung ako sa ‘yo magpalipas ka muna ng magdamag dito kasi delikado sa kalsada." "Andito na tayo sa restawran, Diane. Iwanan na kita diyan. Mababait ang aming mga service crew. Magsabi ka lang sa kanila kung anong kailangan mo,"ani Mang Sixto. "Salamat, Mang Sixto, ‘wag n’yo po akong alalahanin," sabay ngiti ni Diane. Maaliwalas ang restawran. Cozy atmosphere. Fresh air. Native na native ang design. Galing sa dagat ang simoy ng hangin. Sinigang na manok na may halong papaya at malunggay ang in-order ni Diane at haf cup of rice only. Kailangan niyang kumain ng kanin. Maghapon siyang walang kinain except doon sa burger na baon niya. "Hmmmmm, sarap!” turan ni Diane habang mabilis na hinihigop ang sabaw. Ngayon lang siya nakatikim ng sinigang na manok. Usually kasi sa Maynila, tinolang manok lang at hindi sinigang. Mas masarap pala ang sinigang.   Maganda si Diane. Lahat ng service crew ay nakatingin sa kanya. Sadyang lumitaw ang kanyang natural na kagandahan sa suot-suot niyang white t-shirt at maong shorts na lalong nagpaumbok ng kanyang puwet. Long-legged din siya. Hindi niya pansin ang mga taong nakatingin sa kanya.   Habang naghihintay ng order niyang panghimagas, nag-pm si Diane sa kanyang boss. Extended leave ng two more days ang hiningi niya. Sinabi niyang ‘di pa siya nakakarating kasi stranded siya sa baha. Mabilis naman ang positive response ng kanyang boss lalo na may idea na ito sa problemang kanyang kinakaharap. Hanggang ngayon hinihintay ni Diane na mag-online si Vince sa kanyang messenger pero inactive pa rin. ‘Di kaya block na n’ya ako? Ow! Come on, Diane, sobra naman ‘ata ‘yan para gawin sa ‘yo ni Vince,” kantiyaw ni Diane sa kanyang sarili. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Diane habang umiinom ng milk tea.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD