CHAPTER 1 - DAGUNDONG

1092 Words
Mabilis ang patakbo ni Diane sa kanyang kotse. Uuwi sya ng probinsya. Emergency leave. Dalawang araw lang ang ibinigay sa kanya pinapasukang trabaho sa Maynila. Walong oras na byahe mula Maynila hanggang probinsya. Kung ma-traffic aabutin ng sampung oras. Sana, walang aberyang mangyari sa daan para tuloy-tuloy ang kanyang byahe. Galing sya sa night shift duty kaya't wala pa siyang tulog. Walang puwang ang antok sa kanyang utak. Punong-puno ito ng mga katanungan na ang pag-uwi niya lamang ang kasagutan.   "I want to file an annulment." "Annulment is the only solution to my problem," basa niya sa mga text ni Vince, ang kanyang asawa. Four years of being married, wala pa silang anak dahil na rin siguro sa LDR ang kanilang relasyon. “How come na naging annulment ang solusyon sa problema ng mag-asawa? Hindi ba pwedeng mag-usap muna kung ano ang problema?” mga tanong na naglalaro sa utak ni Diane.             Si Vince ay 27 years old, at ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari ng ekta-ektaryang lupain sa kanilang probinsya. Tatlong magkakapatid na lalaki sina Vince at siya ang panganay. Sila ang pinakamalaking supplier ng bigas sa buong rehiyon. Idagdag pa dito ang pagsusuplay nila ng bigas sa mga mall ng Maynila. Gwapo at matangkad si Vince at the height of 5’8”. Moreno ito at matipuno ang pangangatawan. Naka-focus si Vince sa sales and delivery ng kanilang produkto kung kaya’t sa bawat uwi niya kay Diane sa Maynila ay naisasabay niya rito ang pakikipag-transact sa clients nila.             At si Diane naman ay 26 years old, working as supervisor sa isang malaking BPO Company sa Maynila.Maganda siya, maputi at balingkinitan ang katawan at the height of 5’5’’. Minsan na siyang naging Ms. Campus Celebrity sa kanilang school way back college days. Marami din ang nawindang sa kanya ngunit sadyang kay Vince lang nakatuon ang kanyang pansin.              Tinatawagan nya ang cellphone ni Vince. Gusto niyang makasiguro kung si Vince nga ang kausap niya. Is he joking? Prank? For what reason? To hell with you, kung sino ka man! Pero pudpod na ‘ata ang kanyang mga daliri sa kaka-dial ng kanyang cellphone ngunit walang Vince na sumasagot.            Knowing Vince, hindi ito marunong magbiro sa mga seryosong bagay. At wala sa hinagap ni Diane na magde-demand ito ng annulment.  Ganito kaseryoso, idadaan lang sa simpleng text? Gago ba ako? Ano naman ang rason? Babae ba? May nabuntis ba? May sakit ba? Mamamatay na ba? “Anong problema mo, Vince?” tanong ni Diane sa sarili. “At bakit kasingbilis ng kidlat ang desisyon mong magpa-annull?” “No! Vince, I won’t allow that to happen. Kung kailangan kong mag-resign sa trabaho just to be with you, I will do it. Whatever it is, I’ll be here. I am your wife. Kabiyak ng iyong puso at katawan.” Buo na sa utak ni Diane ang mga sasabihin kay Vince. Kailangan lang niyang malaman ang totoo kung ano ang dahilan ng pakikipaghiwalayan. Walang kalam-alam si Vince na uuwi siya. Pero paano nga kung seryoso si Vince sa kanyang mga text? She still needs to know. Karapatan niya ‘yon bilang kanyang asawa. Lalaban siya anuman ang mangyari.             Ayaw siyang pauwiin ni Vince sa probinsya. Sabi ni Vince, hintayin na lamang niya sa Maynila ang mga pipirmahang annulment documents. ‘Wag daw siyang mag-alala kasi everything will be fair sa mga iiwanang properties. He’s doing it for her own good. Gano’n-gano’n lang? Parang mainit na kanin na ‘pag napaso ka bigla mong iluluwa? Bakit, ano bang ikinapaso mo sa akin?! Pagkatapos ng maiinit na sandali sa kama last month, ngayon annulment na agad!? “f*****g s**t!”             Madilim ang langit papuntang probinsya. Nagbabadya ng malakas na pagbuhos ng ulan. Dumagundong ang malakas na kidlat at kulog.  “Diyos ko! patnubayan N’yo po ako sa aking byahe,” taimtim na dasal ni Diane. Tatlong oras ang ginugol ng ulan. Tila ayaw paawat ang pagbagsak ng sama ng loob mula sa langit. Nakikidalamhati sa nararamdaman ng kanyang saloobin. “Mahal kita, Vince…” sabay tulo ng luha. “Kung maghihiwalay tayo, paano ako? Kaya ko ba? Ikaw ang buhay ko simula noong college pa tayo.”             Itinabi ni Diane ang kanyang sasakyan sa isang safe na lugar. Natakot siya sa lakas ng kulog at kidlat. Sa loob ng sasakyan, ibinuhos niya ang sama ng loob. Isang malakas na hagulhol upang maibsan ang bigat na nararamdaman sa kanyang dibdib. Ilang minuto rin siyang umiyak. Namumugto na ang kanyang mga mata. Dagdagan pa ng puyat. Nanghihina na siya. Burger lang ang binili niyang pagkain sa isang drive- tru. “Ma’am, baka po gusto n’yo munang sumilong. Masyado pa pong malakas ang ulan at marami na rin pong stranded na sasakyan sa unahan. Hindi na po nagpapaderetso ng byahe.”  Kumatok ang isang matanda sa bintana ng kanyang kotse.           Naalimpungatan si Diane. Tatlumpong minuto rin pala siyang nakaidlip sa loob ng sasakyan. Wala ng ulan, kulog at kidlat. Baha naman sa dadadanan ang problema ngayon. “Ma’am, meron pong malapit na resort dito at pwede kayong tumuloy doon. Bukas na po kasi magpapadaan sa kalsada at masyadong malalim ang baha,” anang matanda. “Ah! Sige po, Manong. Maraming salamat po,” wika ni Diane.           Binaybay ni Diane ang direksyon ng sinasabing resort ng matanda. Mini-Baguio ang daan. Sa gilid ng paakyat na kalsada ay natatamnan ng iba’t ibang puno ng mga prutas. Fresh air, at sa mala-bangin na ibaba nito ay dinesenyuhan ng mala-rice terraces na sakahan. Iba’t ibang gulay naman ang mga nakatanim dito. Abalang-abala sa pagtatanim ng mga gulay ang mga tao. Ibinaba niya ang bintana ng kotse upang makalanghap ng sariwang hangin. Natatanaw na niya ang mala-arkong welcome gate ng resort. Pagpasok malapit sa gate ay maaamoy mo na ang iba’t ibang halimuyak ng mga herbal plant, samahan pa ito ng ibat ibang klase ng mga halamang bulaklak. “Perfect paradise!” sambit nya. “Hmmmmmm… kay sarap sa pakiramdam ng amoy ng mga halamang gamot. Nakakawala ng pagod, migraine reliever.” Ngayon lang niya nadiskubre na meron palang ganito kagandang lugar na madadaanan dito. Palibhasa, sa bawat pag-uwi niya sa probinsya tulog lang ang ginagawa niya habang si Vince ang nagda-drive. Ang naturang lugar ay hindi madadaanan sa main road. Ito ay papasok na lugar at tanging mga arrow lamang na nakasulat sa maliit na kwadradong kahoy na nakapako sa katawan ng malalaking puno, ang nagtuturo sa magandang paraisong ito. THIS WAY TO VILLA GEORGINA RESORT. “Heto na ‘ata,” sambit ni Diane. VILLA GEORGINA FARM RESORT ang pangalang naka-engrave sa malaarkong gate.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD