Agad namang sumunod ang mga ito at umaktong parang wala ring nangyari. Sunod-sunod siyang napabuntong hininga at marahang pinikit ang mga mata. She’s pretty sure her officemates will interrogate her later. Baka nga batukan pa siya ng mga ito at kung ano-ano na namang sabihin sa kanya. Hello! Inaway lang naman niya ang pinapantasya ng mga ito.
Hindi niya inalintana ang matatalim na tinging binibigay sa kanya ni Gavin. Paniguradong galit na galit ito sa kanya. That was the first time that she talked back at him kapag pinapahiya siya nito sa officemates niya. Masarap pala sa pakiramdam na nailalabas niya ang gusto niyang sabihin dito. Sumosobra na kasi ito kaya hindi niya na napigilan pa ang sarili niya.
Even though, Gavin was her husband yet he has no right to talk with her like that. His words were below the belt.
“Good morning, everyone!” Someone’s shouted gladly as he entered inside their department. “You’re also here?” Tukoy nito kay Gavin.
Nag-angat siya ng tingin para tingnan kung sino ang maingay na ‘yon. She grimaced when she already saw who it is. It’s Asher. Masigla na ulit ito hindi katulad kanina na ubod sa sungit.
“What are you doing here?” Gavin inquired grimly.
Rinig niya ang impit na tili ng mga kasama niya habang nakatingin sa nakangiting si Asher. Napasimangot na naman siya.
‘Sino ba talaga ang gusto ng mga ito sa mag-pinsan?’
“I’m here to visit my employees.” Smile furrowed on Asher’s lips. “What are you doing here?” Balik tanong niya dito.
“I’m here to observe.” Malamig na sagot ni Gavin.
“Okay.” Simple nitong sagot. She bowed her head when Asher looked around. H’wag naman sanang umiral ang kapilyuhan nito ngayon.
“Once again, good morning everyone.” Tumigil ang tingin nito sa tapat niya. “And of course, good morning, Mrs. de la Vega.” A mischievous smile curved on Asher’s lips while he’s looking at her.
Sabay namilog ang magkabila niyang mata at gulat na tumingin dito. She’s speechless. Her heart beat thumped and she can’t even flick her eyes because she was flabbergasted. Nanlalamig ang mga kamay niya at hindi niya maipaling ang kanyang ulo.
‘Ano na naman bang kalokohan ito?Is it the right time to tell them she’s the wife of Gavin?’
She glanced at her husband. He’s also looking at her with grim eyes. Nakangising nakatingin sa kanya si Asher at nagpipigil ng tawa dahil sa naging reaksyon niya.
“Bakit po Mrs. de la Vega ang tinawag niyo kay Ayana?” Pabirong tanong ni Mica. “Kasal na po ba kayong dalawa?”
Kita niya kung paano mag-igting ang mga panga ni Gavin at kung paano naging matalim ang tinging binaling nito sa kanya.
Asher laughed to the extent there’s a little tears escaping to his eyes. “Hindi pa, pero sinasanay ko na ang sarili kong tawagin siya gamit ang apelyido ko para kapag kasal na kami, sanay na ako.” She puffed a breath. Mabilis nag-init ang magkabilang niyang pisngi. Hindi niya alam kung saan niya ibabaling ang kanyang tingin. Nagsimulang mang-asar ang mga officemates niya at sinakyan naman ni Asher ang biro ng mga ito.
MADILIM ang mukha ni Gavin habang nakapako ang matatalim niyang tingin sa kanyang asawa. Nakakuyom ang mga kamao niya habang pinagmamasdan niya ito kung paano kiligin sa pinsan niya. He wanted to strangle Asher with his bare hands. He wanted to choke the bastard to death. Ang lakas pa ng loob nitong akbayan siya. Who is he to flirt with his wife infront of him? Hindi man lang ito rumespeto.
“Invited kami Sir Asher, huh.”
Lalo pang kumulo ang dugo niyang nananalatay sa kanyang ugat ng sumakay sa biro ng walanghiya niyang pinsan ang mga empleyado niya.
‘Damn! I’m still exist for pete’s sake!’
“Of course, hindi ko kayo kakalimutan. Sasabihin ko na lang sa inyo ang date ng kasal namin kapag nakuha ko na ang matamis niyang oo.” Muling sabi ni Asher na parang siguradong-siguradong ikakasal sila ni Ayana.
Hindi makatingin si Ayana sa kanya na mas lalo niyang ikinagalit. Iyan ba ang hindi lumalandi? E, lantaran pa nga itong nakikipaglandian sa harapan niya!
“I think we should get to know each other first before we get married.”
Naghiyawan ang mga empleyado niya dahil sa sagot ni Ayana. Hindi man lang inalintana ng mga ito ang presensya niya. Mapalad ang ngiting naka-ukit sa labi ni Asher. Para siyang tuod doon at walang planong magsalita.
****