
“You may now kiss the bride.” The priest announced.
Dahan-dahang inangat ni Gavin ang belong nakatakip sa kanyang mukha at kasabay noon ang walang patid na pagtulo ng kanyang luha.
Gavin looked at her with a huge smile. Sinuklian naman niya ito ng matamis na ngiti. Bumaba ang mukha nito at marahang inilapat ang malambot nitong labi sa kanya. Halos kapusin siya ng hininga nang tuluyang maghiwalay ang kanilang mga labi. Everyone was applauding and congratulating them. Maluha-luhang lumapit ang parents niya sa kanya tyaka siya siniil ng yakap.
“You’re no longer my Princess Ayana. You’re a wedded woman now,” her mom said.
“I’m still your princess, Mom. Nothing will change.” Naluluha niya ring sabi at yumakap pabalik dito.
“Take care of my daughter, Gavin,” her dad.
“I will, Dad.” Gavin slightly hug her then smile. “I will never hurt her.”
“I’m so happy for you.” Gavin’s Mom said.
“Thanks, Mom.” Ani Gavin tyaka hinalikan ang ina sa pisngi.
“Kapag pinaluha ka nitong anak ko, sabihin mo sakin at ako mismo ang bubugbog dito,” biro ng Mommy nito. They chuckled.
“So, when can you give us grandchild?” Namula ang pisngi niya sa biro ng Daddy ni Gavin.
“Not so fast, Dad. Kakakasal lang namin,” natatawang ani Gavin. Inakbayan siya nito at marahang hinalikan sa noo.
“I’m just kidding,” Gavin’s dad laughed. “But by this year, dapat dinadala na niya ang mga apo namin.”
Maging ang ibang nakakarinig ay nakitawa na rin.
“Mark my words, dad. Ilang dosena ba ang gusto niyo?” Kinurot niya ito sa tagiliran na lalo nitong ikinatawa.
“Two dozens are enough.” Natatawang sagot ng Mommy niya.
“Anong tingin niyo sa`kin, baboy?”
Matapos ang biruang iyon, lumapit na rin ang iba nilang mga kamag-anak para sa picture-taking. Hindi niya na mapigilan ang kanyang mga luha dahil sa sayang nakikita niya sa mga taong naroroon.
After the wedding, they headed to the hotel. Ito ang pagtutuluyan nila bago sila mag-flight papuntang ibang bansa dahil doon gaganapin ang honeymoon nilang dalawa.
Nang tuluyan na silang makapasok sa kanilang kwarto, marahas tinanggal ni Gavin ang mga kamay niyang nakayakap sa braso nito. Nawalan siya ng balanse kaya napaupo siya sa sahig.
She groaned as pain sipped through her butt up to her lower spine. Hindi man lang siya nito linapitan para tulungan bagkus ay dere-deretso ito sa side table at kumuha ng tissue para punasan ang labi nito. She swallowed before she stands up.
“Asshole,” bulong niya sa sarili.
She went inside the bathroom to fix herself. Pinagmasdan niya ang kanyang sarili sa harap ng salamin.
Kinasal silang dalawa dahil sa kagustuhan ng mga magulang nila at hindi dahil mahal nila ang isa’t isa. Ngayong ganap na silang mag-asawa, ang kompanyang pagmamay-ari ng pamilya niya at kompanya ng pamilya ni Gavin ay magiging isa. There were big opportunies when the two companies will unite.
Gustuhin mang tumutol ni Gavin sa kasal nilang dalawa pero wala itong magagawa dahil dito naka-atang ang responsibilidad ng kompanya bilang tagapag-mana. Hindi rin naman maiitanggi na kilala ang kompanya ng pamilya ni Ayana kaya’t isang dagok iyon sa kompanya nila Gavin kung tatanggihan nila ang pag-iisa ng dalawang kompanya.
Kaya iyon silang dalawa, nagpapanggap na tanggap ang kapalarang binigay sa kanila. Nagpapanggap na mahal nila ang isa’t isa pero ang totoo ay puro kasinungalingan langang lahat ng iyon. Her eyes burning with hot tears and a low sound of sobs escaped from her lips.
She’s Ayana Mae Buenavista, and she didn’t intend to fall in love with Gavin de la Vega.
*****

