INUTUSAN siya ni Gavin na mag-file ng leave. Sabi nito ay may pupuntahan daw silang mag-asawa. Hindi na siya kumontra dito. Nag-file nga siya ng leave gaya ng utos nito. Nasa kalagitnaan silang lahat sa pagtatrabaho nang mag-anunsiyo na magkakaroon daw ng assembly ang lahat ng department sa Hall ng kompanya. May mahalaga raw sasabihin ang CEO. Kahit na ayos na ang samahan nila ni Gavin ay ganoon pa rin ang turingan nilang dalawa sa loob ng kompanya. Marahil ay hindi pa gusto ng asawa niya na malaman ng lahat na mayroon silang relasyon. “Ayana, bilisan mo d’yan. Baka pag-initan ka na naman ni Mr. de la Vega,” Ani Stacey. Sumunod siya sa mga ito. Pagkarating nila roon ay nandoon na nga lahat ng empleyado. Tanging ang Ceo na lamang ang hinihintay. Nakita niya rin si Asher sa may stage

