Chapter 2

901 Words
Mukhang kailangan na naman niyang magpalit ng unan dahil paniguradong basang-basa na naman ito. Hindi na naman bago sa kanya ang umiyak tuwing gabi. Sa loob ng dalawang taong pagsasama nila ni Gavin ay iyon lamang ang tanging kaya niyang gawin. Kung posible lamang na sa bawat pagtulo ng kanyang luha ay katumbas noon ang katiting na pag-aalala ni Gavin sa kanya, nanaisin niyang lumuha kahit maghapon magkaroon lamang siya ng puwang sa buhay nito. But reality always slapped her face that Gavin can’t love her back. DALI-DALI siyang naligo at nag-ayos dahil late na siya sa trabaho. Pumunta na siya sa kusina at hindi niya inaasahan ang taong bubungad sa kanya roon. “Good morning, hija. Umupo ka na nang makakain ka na. Sumabay ka na kay Gavin.” Manang said. “Aalis na po ako,” she said with a half-bitter smile. “Ayana,” Gavin called out her name with full of authority. “Eat.” “Sa kompanya na ako kakain.” “Do I have to repeat myself?” He irritatedly inquired. “Do I have to repeat myself, too?” She rolled her eyes. “You’re not going to eat, then, what? You’re going to blame me again?” He sarcastically snickered. “Ayokong kumain dahil hindi ko kayang sabayan ka dahil mawawalan lang ako ng gana,” she coldly said. Surpise was written on Gavin’s face. Hindi niya inaasahan na masasabi iyon ni Ayana. “You don’t want to eat with me because you will lose your appetite? Ha!” He sarcastically giggled. “While before, you almost beg for my love.You almost kneel down in front of me just to love you back and now, you don’t want to eat with me?!” He smirked. Namuo ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. “Past is already in the past, Gavin and present is now different,” siya naman ngayon ang ngumiti ng sarkastiko. “Hindi na ako ganon katanga para mahalin ka pa.” Naiwang tulala at hindi nakaimik si Gavin. Tuluyan na siyang umalis. She heaved a deep sigh. Nakarating na siya sa office at akala niya ay payapa na ang araw niya pagkatapos ng sagutan nila ng kanyang asawa pero akala niya lang pala iyon. “Alam mo namang mahal kita kahit ganyan ka diba?” Naweirduhan naman siya sa inasta ni Mica. Ano na naman kayang kailangan nito? “Hwag kang magagalit.” Mica said while pouting. “Diretsahin mo na ang sasabihin mo at tigilan mong mag-pout sa harap ko. Hindi mo ikinaganda,” niro niya rito. Hinampas siya nito bilang ganti. “I just want to say that…” Mica looked at her seriously. “I will set you in a date with my boyfriend’s bestfriend. Don’t worry gwapo naman siya, mayama—” “Ano?! Nasisiraan ka na ba? Sinong may sabi sayong pwede mo akong ireto kung kani-kanino?” She annoyingly shouted. Naiinis siya sa sinabi nito. “Eh, kasi naman, ang tagal mo ng nag-eexist sa mundo wala ka paring boyfriend.” “Pwede ba? H’wag mong problemahin ang lovelife ko. Ako na ang bahala roon.” “Wow! Ikaw ang bahala? Kaya pala hanggang ngayon single ka parin!” Mica rolled her eyes. If Mica really knows what’s happening about her lovelife, for sure, she was the person who stayed beside her while dealing with it. Baka nga, awayin pa nito si Gavin kahit sabihing CEO ang lalaking iyon. “Bakit ang atat mo? Hindi pa sa ngayon, okay?” “Ah, basta irereto kita. Kailangan ko nang kumilos hanggang maaga pa at baka tumanda kang dalaga,” tumawa pa ito ng sobrang lakas na mas lalo niyang ikinairita. “Gwapo siya, mayaman, may sense of humor, gentleman at hindi ka magsisisi kapag naging asawa mo siya.” “Tigilan mo ko, Mica. H`wag mo akong idamay sa mga kalokohan mo.” She grimaced. “I’m not joking around, I’m serious here. Whether you like it or not, you’ll gonna do my command.” “H`wag mo nang sayangin ang oras mo sa walang katuturang bagay.” She frowned. “Hindi ko sinasayang ang oras ko at napakahalaga kayang humanap ng asawa.” Mica rolled her eyes. “Look, I’m saving your future here, you should be thankful.” “Should I?” A short laugh escaped from her lips. Mica nodded at her. “Sorry, but I think I shouldn’t. You’re just ruining my future.” “You’re the one who’s ruining your future.” Mica acidly said. “I-schedule ko na ang blind date nyo ha? Don’t worry, hindi ka magsisisi.” Abot hanggang tenga ang ngiti nito sa kanya bago ito umalis. Suddenly, her phone vibrated. She answered the call. Breaktime nila ngayon kaya nakakapagpahinga sila. “Are you free tonight?” Damon asked from the other line. “I want to see you.” “No, I’m busy,” diretso niyang sagot rito. “Tinatanggihan mo ba ko?” She’s pretty sure that Damon’s forehead was already creased. It made her laugh. “Are you fooling me around?” “Easy, you’re too hot.” She chuckled. “I am.” Damon sighed. “Meet me at the Mall, 7:00 PM, tonight.” Napailing na lamang siya ng ibaba na nito ang tawag. Mukhang hindi na nga siya lulusot dito. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD