MAAGA siyang umuwi ngayon. Hindi natuloy ang paglabas nila ngayon ni Asher dahil may pupuntahan daw itong importante kaya sa kabilang araw na lamang daw. Kabababa niya lamang galing sa kanyang kwarto ng maabutan niya si Manang na naghahanda na para sa kanilang hapunan. Tinulungan niya ito. “Maaga ba ang labas ngayon ni Gavin?” Tanong nito. “Hindi ko po alam.” She drawls. Bakit kailangan pa nitong ipaalala ang lalaking ‘yon sa kanya? “Kamusta na ba kayo ng asawa mo? Lumalala ba ang away niyo?” Nag-aalala nitong tanong. She let out a sigh. “Ang gulo niya. Hindi ko na siya maintindihan.” “Anong ibig mong sabihin?” “He’s acting strange nowadays. I’m trying to move on pero parang humahadlang siya sa kung anong gusto kong gawin. Gusto niya akong palayuin sa pinsan niyang si Asher.” She puf

