Few minutes after, she was rolling herself above the bed. Binalot niya rin ang kanyang sarili sa comforter. Hindi siya mapakali. Nagtatalo ang puso’t isipan niya. Gusto niyang puntahan si Gavin para alagaan pero may parte sa kanya na pinipigilan siya. Gusto na niyang mag-move on pero laging ito parin naman ang laman ng isip niya.
Palakad-lakad siya sa harap ng kanyang kama. Hindi niya alam kung sino ang susundin niya. Her husband has a sick and she wants to take care of him but Gavin don’t want her to do it. Lagi siya nitong pinagtatabuyan at sawang-sawa na siya sa pagtataboy nito— pero may sakit ang asawa niya. Hindi niya maaatim na mahimbing siyang natutulog habang inaapoy ito sa lagnat. She doesn’t know what to do anymore.
Hindi niya namalayang nasa harapan na siya ng kwarto nito at tamang-tama kararating lang ni Manang na may dalang soup.
“Ako na po ang magdadala niyan.”
Tiningnan siya nito nang nag-aalinlangan. “Sigurado ka ba? Baka saktan ka na naman niya?” She said worriedly.
“May lagnat siya. Hindi na po siguro siya makakapanakit,” she smiled.
“Pero—”
“Ngayon lang `to, Manang. Hindi ko na ulit siya papansin pagkatapos nito,” inagaw niya na dito ang soup na may kasamang gamot.
Wala na itong nagawa kundi ibigay ng tuluyan sa kanya. Umalis na rin ito. She took a deep breath before she entered to his room. Dahan-dahan siyang lumapit sa kama nito. Nakatalikod ito sa kanya.
“I said, I’m okay, Manang,” nanghihinang anito.
Linapag niya ang tray sa mini table. “You’re not,” he startled when he recognized that it wasn’t Manang. Agad nagsalubong ang mga kilay nito.
“What are you doing here?” masungit nitong tanong. She didn’t even give a gaze to him. She continued blowing the soup to ease the hotness. Naasar naman ito sa hindi niya pagsagot kaya umupo ito sa kama.
“Are you deaf? I said what are you doing here?”
“Blowing the soup?” Inosente niyang sagot. Napahilot ito sa sintido.
“H`wag kang gumawa ng dahilan na mas ikagagalit ko, Ayana,” seryosong pagbabanta nito. Katulad kanina ay hindi siya sumagot dahil lalo lamang itong magagalit kapag sinabayan pa niya ang galit nito. She put the soup and she arrowed the spoon to his mouth.
“Eat this,” she said as if she’s talking to 10 year-old kid. His eyes were now fierce and furious. He’s really mad now. Nakaramdam siya ng kaba pero hindi niya ito pinahalata.
“Gusto mo talagang dagdagan ko ang mga pasa mo no?” He clenched his jaw.
“It’s not hot anymore,” inaro niya ulit ang soup dito. But all of a sudden, the soup was now pouring on her legs. Her lips slightly parted. Tinabig ni Gavin ang hawak niyang soup kaya natapon ito sa hita niya. Ramdam na ramdam niya ang hapdi.
“Serves you right, b***h,” he said while smirking. Nagbabadyang pumatak ang mga luha niya pero pinigilan niya ito. “Sinabi na sayong h`wag mo kong gagalitin dahil hindi lang `yan ang makukuha mo.” Hindi niya na nagawa pang umimik. Nakatayo lang siya sa harap nito na parang tuod. “Don’t assume that I’m going to do what I did to you earlier. Hinding-hindi ko na ididikit ang balat ko sa nakakasuka mong katawan,” puno ng pandidiri ang pananalita nito.
Million of knives were stabbing in her chest. Her heart skips a beat and different pain was covering her body. Mas masakit pa ang mga naririnig niya.
“Bakit mo ginawa `yon? Bakit mo ko dinala sa kwarto mo at hilutin ang mga pasa ko kung nasusuka ka sa katawan ko?” Gumaralgal ang kanyang boses. A little tear was now escaping from her eyes. Nanuot ang sakit sa dibdib niya.
“Ano ba sa akala mo? Ginawa ko yon dahil nag-aalala ako sayo?” Tumawa ito ng sarkastiko. “Masyadong makitid ang utak mo.”
She bit her lower lips and swallowed deeply. Pilit niyang iniiwasang pumatak ang kanyang mga luha.
“Ginawa ko `yon dahil darating na ang parents mo. And I don’t want them to see you— full of bruises. I’m just playing safe.”
Lumabas ang mahihinang hikbi sa kanyang labi. His last words hit her. Masyado talagang masakit ang katotohanan. Her tears were flowing down consistently. Nanginginig niyang pinulot ang bowl at tray.
“Thank you,” her shoulder and hands were shuddering. “Thank you for the pain,” pagkatapos niyang sabihin iyon ay tuluyan na siyang umalis.
She cleaned herself. She was looking her reflection in the mirror. Doon niya linabas ang mga luhang kanina pang nais makawala.Walang patid ang pag-agos nito. She wailed while remembering how fool she was for two years. Her chest was throbbing. The pain doesn’t transient. It continued left wounds inside her.
‘Wala ba akong karapatang sumaya?’
For once, she wants to be happy. It so harrowing and she can’t endure it anymore. Her cheeks were now damp because of her tears. Inayos niya ang kanyang mukha tyaka tumingin ng deretso sa salamin.
Continuation:
She smiled. Iyon lang naman ang tangi niyang magagawa, ang ngumiti. She took a deep breath and sat above her bed. Marahan niyang hinawakan ang kanyang hita. Napapikit siya ng maramdaman niya ang hapdi. Hindi naman nalapnos iyon pero mamula-mula. She lay down on her bed and she bitterly smiled when she remembered how fool she was to fall in love with that jerk.
*FLASHBACK*
It was a summer break when Ayana decided to went to Palawan. Gusto kasi niyang magliwaliw bago niya kaharapin ang totoong mundo. Bilang nag-iisang anak ng magulang niya, magiging responsibilidad niya ang kompanyang pagmamay-ari ng mga ito. Syempre, gusto niya munang maranasan na walang isiping problema bago siya tuluyang sumabak sa totoong gera ng buhay. Her family business was well-known all over the Asia. International models pa ang advertiser ng kanilang produkto.
Sa kanyang paglalakad sa tabi ng dagat, linasap niya ang sariwang hangin habang pinagmamasdan ang kulay kahel na araw. Papalubog na ito at napakagandang pagmasdan ang takip-silim na iyon. She got her phone to take a selfie with a sunset when in a blink of an eye, her phone was already sunk in the water. Nanlaki ang mata niya ng makita niya kung paano tangayin ng alon ang kanyang telepono. Akma siyang lulusong sa tubig ng marinig niya ang boses ng taong may kagagawan niyon.
“I’m sorry, Miss. I didn’t mean to do that.” He apolegitically said.
Without knowing, she already bit her lower lip and seductively stare at him. Napakagwapong nilalang ang nasa harapan niya ngayon. Matapos ang ilong nito, maputi at matikas ang pangangatawan. Naka-suot ito ng trunks at hindi niya napigilan ang sarili na sulyapan ang mga pandesal nito sa tiyan. Tumatama ang repleksyon ng araw sa mukha nito.
“It’s… its okay.” She stuttered.
“I’ll buy you a new one. Tell me your name and your room number so, I could bring it to you tomorrow morning.” Mahinahon ang boses nito at nakakahalina iyon sa kanyang mga tenga.
Tatanggi pa sana siya ng pinaningkitan na siya nito ng mata para ipabatid na wala na siyang magagawa. Kinuha niya ang phone nito at doon nag-tipa ng impormasyong hinihingi nito sa kanya. Nang matapos siya ay isang matamis na ngiti ang pinukaw niya rito. She almost drooled when she saw his dazzling smile. Her knees were ready to wobble because of his smile.
He offered his hand. “I’m Gavin, by the way.”
“A… Ayana,” she was stuttering. Ilang saglit pa ay umalis na ito pero dito pa rin nakatuon ang kanyang paningin. Napabuntong hininga siya ng hindi niya na ito maaninagan.
Kinaumagahan ay maaga siyang nagising para mag-ayos. Gusto niya kasing presentable siya kapag humarap siya sa lalaki. Hindi pa man nakakapaglagay ng lipstick ay may nag-doorbell na sa kanyang unit. Bakas ang kasiyahan sa kaniyang mukha dahil mukhang alam niya na kung sino iyon. Nag-iisa lamang siyang pumunta sa Palawan kaya wala siyang ibang inaasahang bisita kundi ang lalaking nakabanggaan niya kahapon.
Whne she opened the door. Gavin’s handsome face was the first thing she saw. It likes he’s brightening and a scrumptious smile crept on his lips. Inabot nito ang paper bag na dala.
“That’s the exchange for your phone. I’m sorry again.”
“No problem.” Kinuha niya ang inabot nitong paper bag. Nang makapasok siya sa loob ng kanyang unit ay nag-lulundag siya sa ibabaw ng kanyang kama habang yakap-yakap niya ang paper bag na inabot nito.
How she wish, gavin and her will strand in that island forever. But she knows, everything has an end. Kinabukasan din noon ay kailangan niya ng bumalik sa Manila.
*END OF FLASHBACK*
Mapait siyang ngumiti. Nang muling magtagpo ang landas nilang dalawa ay noong pinagkasunod sila ng kanilang mga magulang. Nabulag siya sa unang impresiyon niya rito kaya pumayag siyang magpakasal sa lalaki. Noong hindi pa sila ikinakasal ay mabait ang pinapakita sa kaniya ng lalaki. Napaniwala siya nito na payag din itong maikasakal sa kanya. Ngunit nagkamali siya. Pagkatapos nang kasal na iyon ay doon lumabas ang totoo nitong ugali.
****