Chapter 5 | The Devil's Proposal

2429 Words
Chapter 5 | The Devil's Proposal Tahimik at tulala lang ako hanggang sa huminto ang van na sinasakyan namin. Napagod lang ako mula sa pag-iyak ko kanina. Alam ko naman kasi na kahit ano pa ang gawin kung pagmamakaawa ay hindi naman sila makikinig sa 'kin. Namaga na lang ang mga mata ko at namaos ang boses ko pero wala pa rin. Tila naging bingi sila sa 'king hinaing at bulag sa takot na bumabalot sa 'kin. Hindi ako umimik nang hilahin ako palabas ng sa tingin ko ay kanang kamay ni Stephen. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Akala mo naman ay magagawa ko pa silang takasan sa lugar na 'to. Alam kong hindi rin basta-basta ang isang 'to dahil narinig kong tinawag siyang 'boss' ng isa sa mga tauhan pa nila. Nang makita ko pa lang ang nagkalat na mga lalaking naka-itim na suit na nagbabantay sa paligid at may mga nakasukbit na baril sa beywang ay masasabi kong mahigpit ang seguridad rito. Sa pag-angat ko naman ng tingin ay bumungad sa 'king harapan ang isang mansyon. Mataas ito na sa tingin ko ay hanggang ika-limang palapag. Bawat bintana ay mayroong tila mga nakadikit at nakaumang na baril na bigla na lamang puputok sa oras na may gawin kang hindi maganda. Bahagyang umawang ang mga labi ko nang dahil sa mga nakikita. This mansion looked like a hell to me. "Good morning po, Sir Ace," magalang na bati ng mga katulong na sumalubong sa lalaking katabi ko nang tuluyan kaming makapasok sa loob. Nakahilera ang mga ito malapit sa pintuan at ang lahat ay nakayuko. Ngayon ko mas napatunayan na tama ang hinala ko. Hindi talaga basta-basta ang isang 'to. So, Ace is his name, huh. Bahagya kong natigilan. His name sounds familiar. Nilingon ko siya at pinakatitigan ng husto. Nakangiti siya sa mga katulong na para bang wala siyang ginawang masama. I gasped when I finally recognized who he is! Isa siya sa mga business partner ni Stephen na kasama nito sa isang interview ng isang article na nabasa ko! Ibig sabihin ay involve rin siya sa kung anumang ilegal na gawain ng lalaking 'yon? "Good morning din sa inyong lahat!" masiglang bati niya sa mga ito na tila ba isang normal lang na araw ngayon. Pagkatapos ay muli niya kong kinaladkad at patuloy lang akong nagpatangay. I'm already tired of begging and fighting. Isa pa ay hawak nila ang buhay ng mga mahal ko kaya kahit gustong-gusto ko na baliin ang buto niya ay hindi ko magawa. If my friends were only here. Saglit akong natigilan. Paniguradong hinahanap na ko nina Mama ngayon! Pero bago pa man namin tuluyang malampasan ang mga katulong ay nag-angat na sila ng tingin at hindi nakalampas sa 'kin ang dumaang awa sa kanilang mga mata. Mapait akong ngumiti. Dahil alam ko na hanggang awa lang ang kaya nilang ibigay sa 'kin. Kahit gustuhin ko man na humingi ng tulong sa kanila ay hindi ko magagawa. Panigurado kasing manganganib din ang kanilang buhay. Dahil alam ko na tulad ko ay hawak din sila sa leeg ni Stephen. Wala silang ibang magagawa kung hindi ang manatili rito at magsilbi. Ang panatilihin ang kanilang katapatan para patuloy na mabuhay. I know that that's how it works when you're working with a bad person, and my conscience won't take it once something bad happened to them just because of me. "What took you so long? Anyway, he informed me that an emergency happened so he went out of the way." Natigil kami sa paglalakad nang salubungin kami ng isang sopistikadang babae na pababa ng hagdan habang nakakunot ang noo. Nakasuot siya ng itim na stiletto at kulay pula na halter dress. Pero teka. Ano raw? Emergency? Kaya pala hindi ko siya nakita kanina pagbaba namin. "I'm sorry. Traffic happened. So, where will I put her?" Humikab si Ace na para bang nababagot. Nalipat naman ang atensyon sa 'kin ng babae at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago humalukipkip. "Take her to the guest room. Who knows this might be her last day to live. If so, then might as well give her the privilege to enjoy her life for the very last time." Ngumisi siya nang nakakaloko. Imbis na matakot ay natawa ko. Enjoy my life? Is she kidding me? The two of them gave me a confused look. "Is there something funny?" nakataas ang kilay na tanong ng babae. Halos maiyak ako sa kakatawa bago dahan-dahang umiling. Hindi ko akalain na magagawa ko pang tumawa sa ganitong klase ng sitwasyon. Siguro kung ibang tao lang ako ay nahimatay na dahil sa takot. "Nothing. I just realize something." "What is it?" nakakunot ang noo na tanong ni Ace. Na magmula ng mangyari sa buhay ko ang trahedyang 'yon ay nakalimutan ko na kung paano ba mag-enjoy. Napailing naman 'yong babaeng kaharap namin. "You know what, you're weird. Seriously, I don't know what he saw on you. Nothing's special in you anyway." She rolled her eyes. Ako naman ang naguluhan nang dahil sa sinabi niya. "What do you mean?" "Shantel." May babala sa boses ni Ace. The girl named Shantel shrugged. "It's not my story to tell." Bumaling naman siya sa katabi ko. "Take her now. I will just instruct one of the maids to bring her food." Dire-diretso na siyang naglakad at tuluyan kaming nilampasan. "What did she mean by that?" usisa ko kay Ace ng kami na lang uli ang natira. Nang dahil sa sinabi ng Shantel na 'yon ay nagkaroon ako ng hinala na may iba pang rason kung bakit ako nandito ngayon. Ace smirked. "Save your questions later. Just like what Shantel said, it is not our story to tell." Muli ay nagpatangay lang ako sa kanya nang kaladkarin niya ko paakyat ng hagdan. Hindi na lang ako umimik dahil mas lalong gumulo ang isip ko. Tumigil kami sa ikatlong palapag at bumungad sa 'min ang isang mahabang pasilyo. Tinahak namin ang daan nito hanggang sa matunton namin ang pinakadulong pinto. He entered the key and opened the door. Pumasok kami sa loob at pinaupo niya ko sa kama na agad ko namang sinunod. Hindi naman nagtagal ay may dumating na katulong dala ang isang tray na mayroong iba't ibang klase ng masasarap na pagkain. Biglang nanuyo ang lalamunan ko at kumalam ang sikmura nang dahil sa nakita. Maaga kong kumain kanina at mahaba rin ang naging biyahe namin, kaya hindi na nakapagtataka na makaramdam ako ng sobrang pagkagutom. Pero kumunot ang noo ko nang mapansin na puro paborito ko ang nakahain; Tinolang manok, nilagang baka, menudo at may dessert pa na graham at salad. "Eat well. Mayamaya lang ay darating na si Anderson." Akmang tatalikuran na ko ni Ace nang mabilis ko siyang napigilan sa braso. Muli akong sinampal ng reyalidad sa maaaring kahinatnan ko sa bahay na 'to. "Please. Don't kill me and my loved ones." A tear shed on my eye. Lord, please, don't make history repeat itself. Wala man akong nagawa para sa mga magulang ko rati, sana naman ay tulungan n'yo akong may magawa para iligtas ang mga mahal ko sa buhay ngayon. Umiling siya at marahas na pinalis ang kamay ko na nakahawak sa braso niya. "It's not my decision to make with." Bagsak ang balikat na napatungo ako hanggang sa maglakad siya palabas ng kuwarto at sinara ang pinto. Narinig ko pa ang pag-lock nito mula sa labas. Muli, sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ay bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Ang buong akala ko ay naubos na ito. Pero hindi pa rin pala. Sobrang nagugutom at napapagod na ko. Kaya kahit ayoko man ay ginalaw ko na rin ang masasarap na pagkain na nakahain sa harap ko. Who knows if this is the last time that I'll gonna eat like this? Ito na ata ang sinasabi nilang pakakainin ka na parang bibitayin ka na. I smiled bitterly. Ni hindi ko man lang nagawang makapagpaalam nang maayos sa pamilya at sa mga kaibigan ko. Talaga bang katapusan ko na sa oras na magkaharap kaming dalawa ni Stephen? Tapos saktong birthday ko pa. How pathetic. Kapag nagkataon ay pareho ang araw ng kapanganakan at kamatayan ko. Kung sana ay humingi na lang ako ng tulong kina Papa noon. I know that they have a lot of connections. The Sarmiento's is one of the powerful clan in the country, anyway. But I don't want to involve them in my mess. Ako ang may kasalanan kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako ngayon. Kaya kailangan na ako mismo ang makagawa ng paraan para malusutan ito. Nang matapos ako sa pagkain ay dahan-dahan akong nahiga sa malambot na kama. Sobrang pagod na ang katawan at isip ko. Mamaya na lang ako mag-iisip ng paraan kung paano ako makakatakas sa lugar na 'to. I closed my eyes and rest my mind for a while. But minutes later, I heard a familiar voice shouting outside. I tried to recall who is the owner of that voice, but I finally fell into a deep slumber. ----- Nagising ako sa ingay ng iba't ibang boses na naririnig ko sa paligid. Kumunot ang noo ko. "What did you do?" I heard a familiar voice asked. "I explained to him everything, but he won't listen. He almost barged in! Thank God we managed to stop him!" sagot ng isa pang pamilyar na boses. "You can't blame him, though. You made a move without them knowing first," sabat ng isang boses babae. Teka, nasaan ba ko? Sino ba ang mga naririnig kong nag-uusap at ano ba ang pinag-uusapan nila? Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at tuluyang nagising ang diwa ko nang makita si Stephen na nakaupo sa silya sa gilid ng kama. Sakto namang nagtama ang aming paningin habang may hawak-hawak siyang baril. That made me get up and remembered everything that happened. Doon ko lang din napagtanto na sina Ace at Shantel pala ang nagmamay-ari ng mga pamilyar na boses na narinig ko. "We'll just go outside," paalam ni Ace at agad namang sumunod si Shantel sa kanya na nakasimangot. Nang tuluyan silang makalabas at maisara ang pinto ay muling natuon ang atensyon ko kay Stephen nang makarinig ako ng pagkasa ng baril. Tumayo siya at dahan-dahang lumapit patungo sa 'kin. Habang ako naman ay napaatras hanggang sa mapasandal ako sa headboard ng kama. Tuluyang nawala ang antok na nararamdaman ko at napalitan 'yon ng takot. "D-Don't come near me." Nanginig ang mga labi ko. He shot me a cold look. "You don't have the right to command me what to do. Especially not when you're in my territory." Muling tumulo ang mga luha ko. Damn! I hate myself for being weak now! "Please! I'm begging you! The evidence I have has been destroyed and I promise to remain silent. Just please, let me live," pakiusap ko pa sa kanya. Please, naman! Kahit anong paghahanda pa ang gawin ko ay ayoko pang mamatay! Napataas ang kilay niya at hindi makapaniwalang tumingin sa 'kin. "Just because the evidence has been destroyed, you think, you can get away with it just like that? Well, sorry to disappoint you, but you thought wrong." "What do you want me to do, then?" umaasa kong tanong sa kanya. Handakong gawin ang kahit na ano, basta mabuhay pa ko. Ni hindi ko pa nagagawa ang mga nakaplano kong gawin! Umupo siya sa gilid ng kama at bahagyang inilapit ang mukha sa 'kin. "Actually, I have a deal to you, Nathalia. It's up to you whether you accept it or not. After all, you have two choices." Somehow, it made me feel relieved and bothered at the same time. "What is it?" Natigilan ako nang may mapagtanto ako. "You know me?" gulat kong tanong sa kanya. He nodded with his emotionless eyes. "Of course. Who else does not know the only daughter of Edwin Sarmiento, one of my biggest competitor in the business world?" I swallowed the lump in my throat. He has a point. "What is your deal about, then?" "Marry me," diretsong sagot niya habang titig na titig sa mga mata ko. Sa isang iglap, ang takot at pangambang nararamdaman ko ay biglang nawala. Napalitan 'yon ng gulat at pagkalito. Did I heard it correctly? Or there was a problem with my ear? He must be kidding me! "W-What?" "Marry me," may diin at pinalidad niyang sabi. Napataas ang kilay ko. "Ano naman ang mapapala mo kapag pinakasalan mo ako?" I don't get it. His offer is so damn confusing! Isa pa ay minsan na kong naitakdang maikasal sa maling tao, at wala kong balak na ulitin 'yon at matuloy sa pagkakataong 'to! He shrugged. "Sa totoo lang, wala." Bigla siyang napaisip. "Well, bukod sa mas lalawak ang impluwensya ko dahil makapangyarihan din naman ang pamilya mo. Pero ikaw mas malaki ang mapapala mo kapag pumayag ka." Nagdududa ko siyang tiningnan. "Ano naman 'yon?" Hindi pa rin ako kumbinsido sa deal na ino-offer niya. Nakikipaglokohan ba siya? Kasi ako, hindi! "Marry me, then you and your love ones will live, but if you don't..." tinutok niya ang ulo ng baril sa tapat ng noo ko. "Then you and them will die." Bigla kong nanlamig at pinagpawisan nang dahil na rin sa lalim ng boses niya at baril na nakatapat sa 'kin. My lips were trembling and my hands were shaking. Muli ay nilukob ako ng takot at pangamba. Nag-ipon ako ng lakas ng loob para tanungin ang tanong na matagal ng naglalaro sa isip ko. "Who are you, really? A druglord? A syndicate? A killer? A-" "I'm a mafia boss." Pagputol niya sa anumang sasabihin ko. Napamulagat ako. "A what?" "A mafia boss," ulit pa niya. "Now that you discovered something about me again, my secret should be remained safe. Unfortunately, the only way for it to happen is to either kill you and bury my secret with you, or to keep you so that I can make sure that you will not speak up." What the? Isa siyang mafia boss? Ni hindi man lang pumasok sa isip ko 'yon! Oh, hell! There is no any chance that I will marry this man in front of me! "Is there any other way? I mean, maybe we can-" "You only have two options," malamig ang boses na sabi niya habang madilim ang mukha. "Don't worry, I'll give you time to decide and talk to you again tomorrow. Just make sure to choose wisely." Tumayo siya at isinukbit ang hawak na baril sa kanyang beywang. Tumalikod na siya at naglakad palayo. Pero bago pa man niya tuluyang mabuksan ang pinto ay muli niya kong nilingon at walang emosyon ang mga matang tumuon sa 'kin. "Remember that whatever happens to your family and friends will be based on your choice. Just so you know, I won't hesitate to get rid another competitor and downgrade the number of my people." Then he left. Naiwan akong naguguluhan at hindi pa rin makapaniwala. Nasapo ko ang noo pagkalabas niya. Oh, good God! I can't die just yet. But I don't want to marry him either! He gave me two choices. But in the end, it seems that I don't have any other choice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD