Chapter 6 | Paintings

1995 Words
Chapter 6 | Paintings I tried to open the window here in my room, but to no avail. I let out a deep sighed when I noticed that it's locked from the outside. Though I can just break it, but it will surely gain attention. Which, as much as possible, I'm avoiding to happen. Muli akong tumanaw sa labas ng bintana at kitang-kita ko kung paanong walang katinag-tinag na nakatayo ang mga bantay na nandoon, habang may mga hawak na baril. Nilibot ko rin ng tingin ang kabuuan ng paligid at doon ko lang napagtanto na napapaligiran ng matataas na pader ang kinatitirikan ng mansyon na 'to. Nang maligo naman ako kanina ay napansin ko na wala kahit man lang na maliit na bintana sa loob ng banyo. Siguro ay sinadya ang pagkakagawa nito upang dito ikulong ang mga taong kinukuha nila. Bagsak ang balikat na ibinaba ko na ang kurtina at nagsimulang libutin ang kabuuan ng kuwarto. The room is huge and the elegance travels to every part of this room. There is a small chandelier hanging on the ceiling, while the floor were covered by the plush area rugs to add more comfort when you walk. Then there's the king size bed with white mattress and black pillows, plus the color cream four-door closet that has full length mirrors on each door. There's also a mini living room at the corner with two royalty chairs and circular coffee table. Everything around is just so amazing, and I can't believe that I was held captive by this majestic place. Napailing ako bago kunwaring sinisipat ang bawat bagay na nandoon na para bang interesante ang mga ito. Though it really is. But still, I have a more important thing to do. Ang totoo ay hinahagilap ng mga mata ko kung may iba pa bang CCTV cameras na nakalagay rito. Dahil kagabi bago ako makatulog ay mayroon na kong nakitang isa. Malalim akong nagpakawala ng hininga bago muling napaisip. How the hell can I escape from here? Then his words from last night echoed in my mind once again. Marry me. Wala sa sariling natawa ko. Until now, I just can't believe in that absurd idea of his. What made him think that I'll marry him? Why he even offered it as an option in the first place? What will he gain from it? Seriously, I'm not buying the reason that my 'family is powerful' too. Surely, there is more of that. Halos mapatalon naman ako sa gulat nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang katulong. "Good morning po. Pinapababa po kayo ni Sir Stephen. Kumain na raw po kayo ng agahan." Okay. This was getting confusing and weirder as already it is. That's new. Kahapon kasi ay buong araw na nakakulong lang ako rito sa kuwarto na 'to, habang naghihintay sa magiging hatol sa kapalaran ko. "Talaga po? Pinapababa niya ko para roon kumain?" I asked in an audible whisper, still shocked. "Opo," sagot niya bago tumalikod at nagsimulang lumakad paalis. Alanganin akong sumunod. Para sa isang bihag na katulad ko, hindi kaya masyado siyang maluwag bilang isang kidnapper? Hindi naman sa ayaw ko. I'm just curious. Bukod sa pinatuloy niya ko sa isa sa mga guest rooms dito, kung saan kumportable ako ay nagpadala pa siya ng ilang personal na kagamitan at damit kanina sa isa sa mga katulong. Ang mga ito ang siyang ginamit at sinuot ko ngayon bilang pamalit. Pagkatapos ngayon ay hahayaan niya pa kong kumain sa kusina at tanging katulong lang din ang sumundo sa 'kin. Kung tutuusin ay kayang-kaya ko ng takasan ang isang 'to. Pero agad na isinantabi ko ang naisip nang makita ang nagkalat na bantay sa kabuuan ng mansyon. I snorted. Kaya naman pala malakas ang loob na basta na lang ako palabasin. Of course, Nath, because he knew too well that there's no way for you to escape this place. Napanguso na lang ako at ng marating na namin ang kusina ay agad na nanuot sa ilong ko ang amoy ng sari-saring pagkain na nakahain. Nang makaupo ay may isa pang katulong na lumapit sa 'kin para pagsilbihan ako! Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Ako na po. Kaya ko na po 'yan," nakangiwi kung awat sa kanya nang akmang sasandukan niya ko ng kanin. Nakangiting bumaling sa 'kin ang sa tingin ko ay mayordoma ng mansyon na 'to. Nasa unahan siya ng mga hilera ng katulong na sumalubong sa 'min kahapon. "Ayos lang po. Utos din po ito ni Sir Stephen. Kaya kami na po ang bahala sa 'yo." My jaw literally dropped in disbelief. Now, I'm totally lost. What the hell is he really thinking? Parang kahapon lang akala ko ay papatayin na niya ko at katapusan na talaga ng buhay ko. Pagkatapos ngayon kung ituring ako ng mga tao rito ay parang hindi naman isang bihag at nagbabakasyon lang. Like, what the f**k? "Ano po palang pangalan n'yo?" magalang kung tanong bago nagsimulang kumain. Hindi na ko nakipagtalo pa nang salinan niya ko ng tubig sa baso. Tumikhim siya. "Ahm, tawagin n'yo na lamang po akong Manang Belen." That made me stop. Her name sounds familiar, but I can't remember when did I heard it. I just shrugged the thought away and looked up at her and smiled. "Thank you po, Manang Belen." For the first time since I was kidnapped, a genuine smile escaped on my lips. She smiled, too, but it didn't reach her eyes. She even has this longing look as she stared back at me. Bigla naman akong nakaramdam ng ilang. "Sabayan n'yo na po kaya ako," anyaya ko sa kanya. Umiling siya. "Naku, hindi na. Mag-aayos pa rin kasi ako ng mga pinamili ko. Tawagin n'yo na lang po ako kapag may kailangan kayo." Tumango na lamang ako at muling tipid na ngumiti, bago siya tumalikod para umalis. Nang mawala na sa paningin ko si Manang Belen ay tahimik kong ipinagpatuloy ang pagkain. Still, with lots of questions wandering in my mind. Hindi ko maiwasan ang mag-isip ng kung anu-ano. Lots of scenarios kept on bugging in my mind. Pero ang lahat ng 'yon ay hindi maganda. Nang matapos ay tumayo na ko at sakto namang pagpasok ni Shantel sa loob ng kusina. "Are you done? Stephen is already waiting for you in his office," naiinip niyang sabi habang nakahalukipkip. "I'll just wash—" "Just leave it to Manang Belen. You will not like it if you have made him wait." May pagbabanta sa boses niya. I want to roll my eyes, but I stop myself from doing so. Tumango na lang ako at tahimik na sumunod. There's no point in arguing anyway. Nasa teritoryo ako ng kalaban. Habang tinatahak namin ang daan papunta sa opisina ni Stephen ay hindi ko na naman maiwasang mamangha sa mga nakikita ko. I was too scared and my mind was occupied yesterday that I didn't bother to appreciate the vicinity. The mansion is an Italian-inspired, I can say. Everything around screams luxury. From floor to ceiling and every corner of it, nothing has been missed. I looked up and saw Chandeliers that were draped from paneled ceilings. The walls have painted murals on it, which made my lips parted in awe. Then the clicking sound of our shoes echoed as we walked on the glossy wooden floor. Then, as we turned left and headed to a narrow hallway, seas of paintings hanging on the walls came into view, but I abruptly stop from walking as one of the paintings caught my attention. It's surprisingly looks familiar. It's a picture of twelve men, with their back facing the front while sitting at the seashore and watching the sunset, with their arms draped over each other's shoulder. Slowly, I came nearer and stared at it. Trying to dig deeper in my head on when and where did I saw this one before. I have always been a fan of paintings. It's because my biological mother, Natasha Fuentes, loves to paint. Akmang hahawakan ko ito nang marahas akong hinila ni Shantel sa braso at kinaladkad palayo roon. "K-Kanina ka pa hinihintay ni Stephen. Kaya kung mahal mo pa ang buhay mo ay hindi mo gugustuhing p-paghintayin siya!" Nagsalubong ang kilay ko. Is it just me or her voice is a little bit shaky and nervous? Also, her eyes, it became elusive. Tuluyan ng nalukot ang mukha ko nang dahil sa sinabi niya. "Eh, di sana doon muna niya 7ko pinadiretso sa opisina niya at hindi na pinakain pa," I sarcastically said. She glared at me. "You should be thankful that you're still alive right now. Because if it's just me, I would have killed you yesterday." Napalunok na lang ako at hindi na muling umimik hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang pinto. I guess, this is the devil's office. Shantel turned the knob and pushed the door open. The sight of two men talking welcomed us, but they immediately stop, then both turned to our direction. Nang tumuon ang mga mata sa 'kin ni Ace ay mabilis siyang umalis sa swivel chair na inuupuan, katapat ng mahogany table ni Stephen at prenteng umupo sa mahabang sofa. Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa at nagsimulang kalikutin ito. Habang si Shantel naman ay dumiretso sa isang bookshelf sa isang tabi at kumuha ng isang libro, bago sumandal sa pader at binuklat 'yon. Napataas ang kilay ko. Are they seriously staying here and listen to whatever conversation I'm going to have with Stephen? Natigilan ako nang may biglang tumikhim. Muli akong nanumbalik sa 'king kamalayan at tumuon ang atensyon ko sa lalaking titig na titig sa 'kin ngayon. Iminuwestra niya ang kanang kamay sa swivel chair na inupuan ni Ace kanina. Nakagat ko ang ibabang labi bago dahan-dahang lumapit doon at umupo. Itinukod naman niya ang dalawang braso sa ibabaw ng mesa at pinagsiklop ang dalawang kamay bago matiim na tumitig sa 'kin. Pakiramdam ko ay para kong isang bata na pinatawag sa guidance office dahil may nagawang kasalanan. "So, have you decided? I suppose, you already had an enough time to think." Nagpakawala ako nang isang maingat na hininga bago taas noo ko siyang hinarap at walang pag-aalinlangan kong sinalubong ang malamig niyang tingin. "Paano kung ayoko?" I heard Shantel tsked. Pinigilan ko ang mapairap at baka sa isang iglap ay nakahandusay na ko sa sahig. Really, why were they here, anyway? Ano ba ang kinalaman nila sa kung anumang pag-uusapan namin ni Stephen? Does this mean that they also have an idea about the deal Stephen offered me? If so, they don't find it weird? Napatango si Stephen na siyang ikinagulat ko. Walang pagbabago ang emosyon ng kanyang mukha. Seryoso ito na parang palaging may malalim na iniisip. Kapagkuwan ay sumandal siya sa inuupuang swivel chair bago inilabas sa bulsa ang kanyang cellphone at nagtipa bago nilapat sa kanyang kaliwang tainga. "Hello. What's the latest happening there at the Sarmiento's mansion?" Natulos ako sa kinauupuan nang dahil sa narinig. Bigla ay nanlamig ang buong katawan ko. Napapatango naman si Stephen bago malapad na ngumiti, habang pinakikinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya. "Oh, great. So, Madeline and the others were there, too. That's good to know. Too bad they got involved with the Sarmiento's daughter. Well, at least, it will not be hard for you to take them—" Fear and worry consumed me. Kaya naman ay marahas akong napatayo at malakas na hinampas ng kanang kamay ko ang mesa, dahilan para mapahinto siya sa pagsasalita. Hindi rin ako nagpatinag nang maging alerto sina Ace at Shantel na sa isang iglap ay nakatutok na sa 'kin ang mga baril. Ngunit bago pa man ako makapagsalita ay natuon ang atensyon ko sa isang painting na nakasabit sa pader sa likod ni Stephen. Napakurap ako nang makita ang larawan ng isang batang lalaki at isang batang babae na nakatanaw sa iba pang mga bata na naglalaro sa isang damuhan. Nakapatong ang ulo ng batang lalaki sa kanang balikat ng batang babae. Hindi ko alam kung bakit pero biglang sumakit ang sentido ko nang dahil sa ilang segundong pagtitig ko ro'n. Napahawak ako sa sentido ko at bahagyang hinilot ito. Akmang mabubuwal ako mula sa pagkakatayo nang may mabilis na humawak sa magkabilang braso ko. Sa pag-angat ko ng tingin ay bumungad sa 'kin ang nag-aalalang mukha ni Stephen. Kaya naman ay hindi ko na napigilan ang mga salitang lumabas sa 'king bibig. "Sino ka ba talaga?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD