Chapter 7 | Secrets

1869 Words
Chapter 7 | Secrets Bahagya siyang natigilan nang dahil sa tanong ko. May dumaan na pag-aalala sa kanyang mga mata pero mabilis din itong nawala. Napansin ko rin na ibinaba nina Ace at Shantel ang mga hawak nilang baril. "What do you mean?" Dahan-dahan niya kong binitiwan bago bumalik sa kinauupuan niya kanina na para bang walang nangyari. Nagdududa ko siyang tiningnan. "Sino ka ba talaga? May kinalaman ka ba sa nakaraan ko?" He looked at me in disbelief. "What? I don't know what you are talking about. Bakit? Nakita mo na ba ko rati?" balik tanong niya sa 'kin. Ako naman ang natigilan. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung bakit ko ba biglang naisip at naitanong 'yon. Gusto kong batukan ang sarili dahil sa kahihiyan. "Hindi pa." He shrugged. "That answers your question." Napatingin siya sa phone niya na nakalapag na ngayon sa mesa. "Oh. I forgot something. Hindi pa nga pala ko tapos makipag-usap sa—" Bigla akong natauhan nang maalala ang pinag-uusapan namin kanina. "Fine!" malakas kong sigaw dahilan para matigil siya sa akmang pagkuha ng phone niya. "What did you just say?" Kumunot ang noo niya. Huminga ako nang malalim at nanginginig kong kinuyom ang kanang kamao ko. "I'll do what you want. Just f*****g pull out your men there already!" Matalim ko siyang tiningnan. Alam na alam talaga ng demonyong 'to kung paano ako paiikutin! I can feel and hear the loud beating of my heart. This is not good. I swear, I could kill this man if something bad happens to my love ones! Ngumisi siya nang nakakaloko, bago tuluyang inabot ang kanyang phone at muling itinuloy ang pakikipag-usap sa kabilang linya. "Forget what I said. Pull all of your men there already," he ordered then hung up. Pilit kong pinakalma ang sarili mula sa pinaghalong galit at pag-aalala na nararamdaman ko. How dare he used my parents and friends to manipulate me? For what? Just for me to say yes to his absurd proposal? He rubbed his chin and gave me an amused look. "So, you're really accepting my marriage proposal?" nakangisi niyang tanong. Marahas akong napabuga ng hininga. "Yes! As if I have a choice!" He looked at me innocently. "Of course you have. It's either you make yourself alive and your loved ones or all of you will die together." I glared at him. He's not in the right state of his mind, that's for sure! "Damn you! Is that even a choice?" Tumango naman siya. "For me it is." Napahilot ako sa sentido ko. Pakiramdam ko kaya sumasakit ang ulo ko ay nang dahil sa pakikipag-usap ko sa lalaking 'to. "Why are you really doing this?" Tumayo siya at naglakad patungo sa likod ko bago bahagyang dumukwang at bumulong. "For your safety, and my safety. For you to keep my secret, and for me to keep yours." Pakiramdam ko ay nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok nang tumama ang init ng hininga niya roon. But wait. What? "What do you mean?" naguguluhan kong tanong at wala sa loob na hinarap ko siya. But my eyes widened in shock when his lips touched mine. Bigla kong napaatras at napahawak sa labi ko. Wrong move, Nath! "Oh. Now you just gave me another reason to marry you." He smiled wickedly as he rubbed his lips with his right thumb finger. Hindi ko alam kung dinadaya lang ako ng pandinig ko o talagang narinig ko na tumawa sina Ace at Shantel. How could they! I can't believe it! My first kiss is a devil! I shook my head. "It's just a ki—" "You really thought no one will know, aren't you? Well, too bad. I have my ways." Nakalimutan ko bigla ang tungkol sa aksidenteng paghalik ko sa kanya nang dahil sa sinabi niya. Nagtatanong ang mga mata kong tumingin sa kanya. Clueless of what he's talking about. "Can you get straight to the point?" "Oo nga naman, Anderson! Ang dami mo pang satsat diyan. Kanina pa kami nag-aabang ni Shantel dito, oh," sabat ni Ace, dahilan para tingnan siya nang masama ni Stephen. He raised both of his hands. "Okay! Okay! I'll shut up!" "Ang hilig mo kasi sumabat kahit kailan! Tapos dinamay mo pa talaga ko!" Shantel hissed at him. Hanggang sa nagpalitan na silang dalawa ng nakamamatay na tingin. Hindi ko na lang sila pinansin at itinuon ang buong atensyon ko kay Stephen na nakaupo na ngayon sa ibabaw ng mesa niya. "Don't you really have an idea on what is your own secret?" muling tanong ni Stephen na nagpakabog ng malakas sa dibdib ko. Of course I knew my own secret. It's much crazier if I don't. But no one, as in no one, well aside from my family right now knew about it. Namimilog ang matang napatingala ako sa kanya. Hindi kaya ang tinutukoy niya ay tungkol sa... Slowly, he clapped both of his hands. "Yes. I know that you are not a Sarmiento. A real Sarmiento it is." That made me freeze and blinked enumerable times. How... "W-What are you talking about?" I let out a shaky laugh, trying to escape his accusation. He grinned. "Oh, please don't use to me that 'you don't know what I'm talking about' thing, because we both know that what I'm saying is you, being the long lost daughter of Natasha and Gray Fuentes." My jaw dropped. Pakiramdam ko ay tatakasan ako ng kulay nang dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong tumakbo palayo pero ni hindi ko man lang maigalaw ang mga paa ko. Is he one of them? Oh, God, please no! Nang hindi ako umimik ay nagpatuloy siya. "Ah. Imagine my shock when I learned about that. Don't you know that a lot of people are after you? Though the news about you being dead spread like fire, the others don't seem to believe it." Naguguluhan ko siyang tiningnan. "H-How did y-you..." Napailing siya at natawa. "Just like what I said, I have my ways." Pakiramdam ko ay pangangapusin na ako ng hininga nang dahil sa mga naririnig ko. "A-Are you o-one of them?" kinakabahan kong tanong sa kanya. Biglang nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at napatiim bagang siya. "No." Somehow, that made me feel relieved. But still, no one should know that I'm alive and I still can't trust him. It will ruin my plans, damn it! "Well?" Ramdam ko ang tatlong pares ng mga mata na nakatingin sa 'kin. Napapikit ako nang mariin, bago marahas na napabuga ng hininga na hindi ko namalayan na kanina ko pa pala pinipigilan. "Okay. It's a deal then." Kahit hindi ko nakikita ay alam kong nakangisi siya ngayon. My lips thinned. If this is a kind of game that Stephen wants to play, then I will make sure to play it along with him well. This is after all a battle of secrets, and I'll make sure that I'm not the one to lose. ----- Kinabukasan ay nagising ako sa pakiramdam na tila mayroong nakatingin sa 'kin. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at agad na bumungad sa 'king paningin si Shantel na prenteng nakaupo sa isang silya at nakatitig sa 'kin. Biglang nawala ang antok ko at dali-daling bumangon. Naging alerto rin ang mga mata ko. Mahirap na at baka bigla na lang siyang may bunutin na baril at pagbabarilin ako rito na walang kalaban-laban. Kumunot ang noo niya. Kapagkuwa'y natawa na ikinataas ng kilay ko. "Don't worry. I won't kill you. Especially right now that you are Stephen's fiancee." Napangiwi ako. Gano'n ba kadaling basahin ang mga kinikilos ko? "Should I be grateful because of that?" She shrugged. "Well, I bet you should. Because that reason alone is what making you alive until now." Pinakatitigan ko siya ng husto. Nakangiti siya pero mababanaag sa kanyang mga mata ang lungkot. Nanlaki ang mga mata ko nang may biglaang naalala. "K-Kamusta na pala ang mga kaibigan ko? Bata pa lang sila ng kupkupin ng mga Anderson at kasalukuyang nagtatrabaho sa mga ito. Alam ba—" Napailing siya. "They are safe. Sa totoo lang ay hindi pa sila pumasok sa trabaho ulit magmula ng mawala ka. Madalas din silang kasama ng mga magulang mo." That made me sigh in relief. "That's good to hear. Ibig sabihin ay wala sila—" "Magmula ng tumuntong sila ng kolehiyo ay binilhan na sila ng sariling bahay ni Don Isaac. Bukod roon ay nagpa-part-time pa sila sa hotel na tila isang normal na manggagawa. Kaya kung tutuusin ay hindi naman sila masyadong involve sa kung anumang mga ginagawa ni Stephen." Pinaglaruan niya ang dulo ng kulot at kulay pula niyang buhok na tila bagot na bagot sa kanyang sinasabi. "Hindi rin sila lumaking close kaya hindi manghihinayang si Stephen na tapusin ang buhay nila kapag nagkataon." Napakurap ako nang dahil sa sinabi niya. Kung tutuusin ay may punto siya roon. Hindi naman nila tunay na kapamilya sina Mads kaya paniguradong hindi siya magdadalawang-isip na tapusin din ang buhay ng mga ito. Muli ay nanumbalik ang nararamdaman kong galit kay Stephen. Kinupkop lang ba nila ang mga kaibigan ko para idagdag sa mga tauhan na mayroon sila? Dahil doon ay hindi ko naiwasang mapaisip. Gano'n lang din kaya ang tingin niya kina Ace at Shantel na mukhang pinakamalapit sa kanya? "How long have you been working for Stephen?" Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at bigla siyang napaiwas ng tingin. "Let's just say that we are childhood friends." Natigilan ako. Kung gano'n ay matagal na pala silang magkakilala. "Why are you not stopping him, then? Alam mong mali ang ginagawa niya pero bakit hinahayaan mo lang? Kung kaibigan ka talaga niya na may malasakit—" Tumayo siya dahilan para matigil ako sa pagsasalita. "You don't know anything, Nathalia. At least for now." Tumalikod na siya at akmang aalis nang may bigla ulit akong naalala. "If you are not here to kill me, then why?" puno ng kuryosidad kong tanong sa kanya. Nanatili lang siyang nakatalikod sa 'kin. Akala ko ay hindi na siya sasagot kaya nagulat na lang ako nang bigla siyang magsalita. "Because you remind me of someone." Mas lalo naman akong na-curious nang dahil sa sagot niya. "May I know who is this someone?" Napatungo siya at kitang-kita ko kung paano kumuyom ang kamao niya. "Someone who is very close to my heart." Napakurap ako. Punong-puno ng kalungkutan ang kanyang boses. Sa isang iglap ay bigla akong naging panatag sa presensya niya. Magsasalita pa sana ko nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ace. "Shantel! What took you so long? Kanina ka pa hinahanap ni Stephen. Aalis na tayo." Tumango naman si Shantel bago dire-diretsong naglakad palabas. Akala ko ay aalis na rin si Ace pero nagulat na lang ako nang bigla siyang naglakad palapit sa 'kin. "What is it?" takang tanong ko sa kanya ng titigan niya ko. Tila kinakabisado niya ang aking mukha na hindi ko maintindihan. Ngumiti siya. Pero katulad ni Shantel ay may lungkot din sa kanyang mga mata. "Wala naman." What's up with these two? They're both acting strange. Pero mas hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang bigla niyang guluhin ang buhok ko. "Aalis muna kami. Kaya wag ka magtatangka na tumakas pa rito dahil alam mo na ang mangyayari sa mga kaibigan at pamilya mo." Tulala lang ako hanggang sa tuluyan na rin siyang umalis. Pero ilang segundo lang ang lumipas ay bigla kong naramdaman ang muling p*******t ng ulo ko. Bahagya ko namang hinilot ito. Nang mahimasmasan ay hindi ko alam kung bakit ako biglang nakaramdam ng lungkot at pangungulilala. Higit sa lahat, pakiramdam ko ay nangyari na rin ang ganito rati. Muli akong bumalik sa pagkakahiga at nakipagtitigan sa kisame. Shantel and Ace. It seems that the two of them have their own secrets as well.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD