KABANATA 08

2162 Words

MATAPOS maghilamos ng mukha ay nagtungo na si Ysabella sa kanyang silid upang matulog na. Inayos muna niya ang banig sa papag bago humiga doon. Hindi sinasadya na naisip niya si Mikael ang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Napangiti siya nang bumalik sa kanyang alaala kung paano nila pinaligaya ang isa't isa ngunit ang ngiting iyon ay agad din na nawala nang sumingit sa isip niya si Fernan. Totoo nga kaya na matutuwa ito sa kabilang buhay kung si Mikael ang papalit sa puwesto nito? Marahil nga ay ganoon. Kesa sa ibang lalaki siya mapunta, mas nanaisin siguro ni Fernan na sa kapatid na lang nito siya mapunta. Mabait naman kasi si Mikael. Responsable pa at masipag. Hindi siya nito pinapabayaan. Ang tanong lang naman na dapat niyang sagutin ay kung mahal na ba niya si Mikael o tawag lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD