MALALAKI ang mga hakbang na naglakad palapit ang nilalang na iyon papunta sa kubo ni Ryan. Napangiti siya nang makita niyang nakabukas ang pintuan niyon. Tila iniimbitahan siyang pumasok doon upang isagawa ang kanyang plano. Mas hinigpitan niya ang hawak sa tanganan ng kutsilyo na nasa kaliwa niyang kamay. Nang makapasok siya sa loob ng bahay ni Ryan ay nakita niya na nakahiga ito sa papag, nakapatong ang braso sa noo at nakapikit. Wala itong suot na pang-itaas. Marahan siyang lumapit sa naturang lalaki at walang pagdadalawang-isip na itinarak niya ang matalim na kutsilyo sa dibdib nito! HUMAHANGOS na pumasok si Ysabella sa bahay nila. Agad niyang isinara ang pintuan at sumandal doon. Umiyak siya nang umiyak. Hindi na niya maintindihan ang kanyang ikinikilos. Ako pa ba ito? Bakit hindi

