NOONG una ay nag-aalinlangan si Ysabella na sumailalim siya sa sinasabing hypnosis ni Dra. Marquez ngunit nang makapag-isip siya nang husto ay pumayag na rin siya. Sa pamamagitan daw kasi niyon ay maaaring maibalik sa kanya ang ilang alaala na nakalimutan na niya. Ang nakalimutang alaala daw niya ang maaaring ugat kung bakit siya merong hypersexuality o nymphomania. Naroon pa rin siya sa clinic ni Dra. Marquez. “Doktora, natatakot po ako. Paano kung ang alaalang nakalimutan ko ay sinadya kong kalimutan noon upang hindi na ako masaktan?” tanong niya. Nakaupo na ito sa upuang nasa harap niya. Hinawakan ng doktora ang kamay niya na nakapatong sa hita niya. “Ysabella, maganda man o hindi ang alaalang iyon, importante pa rin `yon sa pagkatao mo. Parte iyon ng pagkatao mo. `Andito ako para tu

