KAKAUWI lang ni Mikael mula sa pangingisda. Akmang papasok na siya sa bahay nila nang matigilan siya. Paano ay nakita niyang punung-puno na naman ng puting rosas ang hardin ng kapitbahay nila. Luminga-linga muna siya bago naglakad papunta sa mga rosas at nang masigurong walang tao na nakakakita sa kanya ay pumitas siya ng lima. May ngiti sa labi na pumasok na siya sa bahay. May maibibigay na naman siya kay Ysabella. Kahit na minsan ay hindi nito tinatanggap ang ibinibigay niyang rosas ay hindi siya susuko dito. Oo, aaminin niya noong una na init lang ng katawan ang nararamdaman niya para dito. Hindi naman niya masisisi ang sarili niya dahil tunay na napakaganda ni Ysabella. Ngunit nang tumagal ay nahulog na ang loob niya dito. Minahal na niya ito at nangako siya sa sarili na walang ibang

