“FERNAN!!!” Butil-butil ang pawis sa noo ni Ysabella nang magising siya. Napakalakas ng kabog ng dibdib niya at bahagya siyang hinihingal. Nasapo niya tuloy ang kanyang dibdib dahil doon. Unang beses na napanaginipan niya ang kanyang namatay na asawa. Ang sabi nito ay bibigyan siya nito ng babala. Ngunit para saan? Para kanino? Sigurado siya na may ibig sabihin ang panaginip niyang iyon, malakas ang kanyang kutob niya... BIGLANG kinabahan si Mikael nang marinig niyang sumigaw si Ysabella. Papatulog na sana siya nang umalingawngaw sa buong kabahayan ang pagtawag ni Ysabella sa pangalan ng kanyang kapatid. Hindi kaya nananaginip na naman ito? Kaagad siyang bumangon upang puntahan ito. Ngunit bigla siyang natigilan sa paghakbang nang may makita siyang bulto ng tao na nakatayo sa bungad ng

