“BOSS! Ano ba? Palabasin niyo na ako dito. Wala akong kasalanan. Hindi ko pinatay si Ryan!” pakiusap na sigaw ni Mikael sa pulis na nasa desk nito sa presintong iyon. Nakahawak siya sa malamig na rehas na bakal ng kulungan na kinaroroonan niya. “Pwede ba, tumigil ka na diyan. Aaminin mo na ikaw ang pumatay tapos babawiin mo bigla? Saka, fingerprints mo ang nakita sa ginamit na kutsilyo sa pagpatay sa biktima kaya tumigil ka na sa kakasabi na hindi ikaw ang pumatay do'n! Gagong `to!” naiiling nitong sagot ng pulis sa kanya. “Pero, boss--” “Hoy! Ano ba? Ilang oras ka nang nag-iingay, ah! Nakakabulahaw ka na kanina pa. Baka gusto mong may kalag’yan ka!” bulyaw sa kanya ng kasama niya sa kulungan na preso. Ito iyong malaki ang katawan at kalbong lalaki. Nanghihina na sumuko na sa pakikipag
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


