SIX

515 Words
Matapos ang insidente sa loob ng sasakyan ay iniiwasan niya na ito. Bababa lamang siya para mag-almusal at kapag nakaalis na ito papuntang trabaho, at aakyat na agad sa kan'yang kwarto kapag malapit na itong umuwi. Ni hindi man lang ito nagtangkang humingi ng sorry sa kan'ya dahil sa nangyari. Mag-aalas onse na ng gabi pero wala pa ito. Alam niya kasi kapag umuwi na ito dahil naririnig niya ang ugong ng kotse nito. Kalimitan ay alas-siete hanggang alas-otso ng gabi ang kadalasang uwi nito. Kahit anong gawin niya ay hindi siya dalawin ng antok. Bukas ay ang unang araw ng pasok niya sa bago niyang school. Naisipan niyang bumaba para magtimpla ng gatas. Baka sakaling antukin siya. Pababa siya ng hagdan ng may marinig siyang parang mga kaluskos. Dahan-dahan siyang naglakad para hindi makagawa ng kahit anong ingay. Nagtago siya sa likod ng pinto. Ganoon nalamang ang panlalaki ng mga mata niya ng makitang may kahalikang babae si Rafael. Nakahawak sa ulo nito ang mga kamay ng babae. Ang hudyo! Hindi niya malaman kung bakit parang naiinis siya sa eksenang naabutan. Imbis na magtipla ng gatas ay bumalik na lamang siya sa kwarto dahil parang nawalan na siya ng gana. Kinabukasan ay hindi niya pwedeng hintayin munang makaalis si Rafael dahil baka ma-late siya sa school. Eto pa naman ang unang araw niya. Pagbaba ay naabutan niya itong umiinom ng kape. May kasama itong babae. Its her! sabi niya sa isip, eto ang kahalikan nito kagabi. At talagang dito pa ito natulog, ano kaya ang ginawa ng mga ito kagabi? Parang nainis siya sa sarili ano bang pakialam niya? Didiretso na sana siya palabas ng pinto nang mapansin siya nito. "Come on, breakfast is ready" Yaya nito sa kan'ya. Napatingin sa kan'ya ang babaeng kasama nito. "Hindi na, hindi naman ako nagugutom marami akong nakain kagabi kaya busog pa ako hanggang ngayon" Tanggi niya rito sabay ismid. "Eat breakfast! Weither you like it or not, sa akin ka ibinilin ni papa at ng mommy mo kaya sa ayaw at sa gusto mo ako ang masusunod sa pamamahay na ito." Mariing sabi nito na may halong inis.  Dahil ayaw niya ng makipagtalo ay umupo na lamang siya. Nararamdaman niyang pinag-aaralan siya ng babae. "By the way Honey, this is Sab"  Pagkuway sabi ni Rafael sa babaeng kasama nila. Honey? Tsk. So girlfriend niya nga ito.  "I guess you are the daughter of Tito Gerardo's new wife, right?" At ngumiti ito sa kan'ya. Isang pekeng ngiti. Marunong siyang kumilatis ng tao alam niya kung ano ang totoo at peke. Kaya imbis na sagutin ang tanong nito ay tumayo na lamang siya. "Im done, I have to go. Baka malate ako" Wala na siyang pakiamlam kung isipin man nitong wala siyang modo. Bigla ring tumayo si Rafael "Ihahatid na kita, madadaanan ko rin naman ang school mo since hindi kapa familiar sa lugar" Ihahatid niya ko e iniiwasan ko nga siya. Tumanggi siya pero mapilit ito. Wala siyang nagawa, bago umalis ay binalingan muna nito ang babae. "Honey, I have to go ipapahatid nalang kita sa driver kapag gusto mo nang umuwi." Nakita niyang biglang umasim ang mukha nito pero hindi ito nagsalita. Buti nga sayo sa isip-isip niya at napangisi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD