Wala ni isa man sa kanila ang gustong umimik nang nasa loob na ng sasakyan. Hindi naman gaoon kalayo ang school sa tahanan ng mga Gabriel kaya hindi kalaunan ay natatanaw na niya ang paaralan. Eto raw ang pinakamagandang school dito sa bayan ng San Quintin.
Huminto ang sasakyan sa harap ng malaking gate. Bababa na sana siya nang magsalita ito.
"After your class susunduin ka ni Mang Domeng, wag na wag kang aalis mag-isa at sasama kung kani-kanino. Maliwanag?" Seryosong habilin nito.
Isang tango lang ang isinagot niya rito at tuluyan ng bumaba. Gusto niyang malula pagkapasok sa loob ng eskwelahang iyon. Napakalaki nito kumpara sa dati niyang school. 15 Minutes nalang at magsisimula na ang unang subject niya.
Kanina pa siya pababalik-balik pero hindi niya mahanap ang unang klase niya. Kaya hindi niya napansin ang kasalubong na binata.
"What the!"
Narinig niyang nagulat ito kasabay ng pagkahulog ng isang bagay sa sahig na lumikha ng isang ingay.
Halos lumuwa ang mga mata niya nang makita kung anong bagay iyon. Nagkapira-piraso ang cellphone nito.
"Oh my! I'm so sorry" kasabay ng pagluhod niya upang pulutin ang mga ito.
"It's okay miss, stand up I can take care of that"
"Hindi, baka pwede pa ito" hindi parin siya tumatayo.
"Cellphone lang iyan, makakabili pa ako ulit ng ganyan, Come on" At inalalayan na siya nitong tumayo.
Ngayon niya lang napagmasdan ang lalaki. Maputi ito at chinito parang may lahing Chinese.
"By the way I'm Marco Jay Gamboa and you are?" Sabay lahad ng isang kamay sa kan'ya.
"Sabrinne Kate Fajardo" Sabay abot ng isang kamay dito.
"Your name really suits you" Sabay ngiti nito.
Napakagwapo nito pag nakangiti. Para itong isang boy next door.
"Bakit nga pala parang problemado ka kanina?"
"Ah-eh, hindi ko kasi mahanap iyong first subject ko" Nahihiyang sabi niya rito.
"Let me see your schedule, I think i can help you with that" Ngiti pa nito habang nakatitig sa kan'ya.
Inabot niya rito ang COR niya. Napaka wagas talaga nitong ngumiti.
"Tignan mo nga naman ang pagkakataon! Classmate pa tayo" nakangiti na naman ito. "Halika na, late na tayo!" At mabilis na siya nitong hinila paalis.
At dahil late sila ng ilang minuto ay nakatingin ang lahat sa kanila pagkapasok nila sa silid. Ang mga classmate nila ay masama ang tingin sa kan'ya at nagbubulungan.
Sino siya? bakit magkasama sila ni Pres. Marco?
Iyan ba iyong bagong transferee?
Sila ba?
Naku, itsura palang mukhang malandi na!
"Don't mind them" Ngumiti ito at pinaupo siya sa tabi nito.
Ilang sandali lang ay dumating na ang professor nila. Tinawag siya at nagpakilala. Ganoon din ang nangyari sa mga sumunod na subjects niya kasama niya parin si Marco at walang naging problema hanggang sa matapos ang buong klase niya.
Palabas na siya ng tawagin ulit ng lalaki.
"Kate wait!"
Kate? Ang daddy niya lang ang nagtatawag sa kan'ya sa ganoong pangalan. Bigla niya tuloy ito namiss.
"Uwi ka na ba? hatid na kita" Ngiti nito na parang nahihiya pa.
"Naku, wag na salamat may susundo na kasi sa akin" Ngiting tanggi niya.
"Boyfriend?" Kunot-noong tanong nito.
Natawa siya rito.
"Hindi, si Mang domeng" Ngiti pa niya
"Halika, samahan na kitang hintayin siya" At hinila na siya nito papunta sa may parking lot.
Halos isang oras at kalahati na silang naghihintay pero wala parin ang sundo niya.
"Are you sure susunduin ka niya?"
"Oo, iyon ang sabi sakin" Kinakabahang sabi niya, hindi pa naman masyadong pamilyar sa lugar.
Lumipas pa ang 15 minutes pero wala talagang Mang Domeng na dumarating.
"I think I should take you home. Ayokong magkaugat ang mga paa mo sa kakahintay" biro nito.
Siguro nga hindi na iyon darating kaya sumama na siya rito. Besides, alam niyang mabait ito kahit ngayon lang sila nagkakilala kaya alam niyang safe siya kasama ito.