Sumakay na sila sa BMW nito. "Bago kita ihatid, pwede bang samahan mo muna akong magmerienda? Gutom na kasi ako" At tumingin ito sa kan'ya. "Ano kasi e, baka hanapin ako sa bahay" Naisip niya, bakit hindi nga ba niya kinuha ang number sa mansiyon para nakatawag man lang siya. Mag aala-sais na ng gabi. "Hindi ka man lang ba naaawa sakin?" At pinalungkot nito ang mukha. Gusto niyang bumunghalit ng tawa. "Sige na nga, pero sandali lang tayo ah? Malapit na din kasing mag-gabi." "Sure!" At biglang nagliwanag ang mukha nito. Sa isang cupcake house sila pumunta. Iyon daw ang madalas nitong puntahan. Halos kilala na nga siya ng mga nagtratrabaho roon. Nalaman niyang Presidente pala ito ng Supreme Student Council sa Architecture Department. Marami pa silang napag-usapan. Napakasaya niton

