
Huli na nang malaman ni Yrah na baog pala siya. At dahil desperado na magka-baby sila ng asawa niyang si Seve, dinaan nila ito sa IVF. Dalawang beses siyang sumailalim sa masakit at nakakapagod na proseso, at sa wakas, nagdadalang-tao na siya sa kambal.
Inakala niya na natupad na ang pangarap niyang magkaroon ng sariling pamilya, nang bigla niyang nadinig ang usapan ng asawa niya at ng ex-girlfriend at first love nito na si Avana Ilustre.
Napatigil si Yrah sa labas ng pintuan ng opisina. Hindi pa siya pumapasok, pero malinaw na malinaw ang mga boses sa loob.
“Magre-resign na ako, Seve,” mahinang sabi ni Avana, bakas ang pag-iyak sa tinig nito.
“Ayoko nang nagtatago tayo… tapos iniisip ko pa na magkakaroon ka ng anak kay Yrah.”
Mahinang tumawa si Seve at hinawakan pa ang kamay nito.
“Don’t worry, babe. Hindi naman kay Yrah ang batang ’yan.”
Nanlamig ang katawan ni Yrah. Parang naubusan siya ng hangin.
“A-anong ibig mong sabihin?” gulat na tanong ni Avana.
“Naalala mo bang nagpunta tayo sa ospital para mag-donate ka ng egg cell? Kinuha ko iyon para sa IVF ni Yrah. Takot ka sa sakit, Ava. Hindi mo kakayanin ang hirap ng pagbubuntis—alam mo ’yan.”
Sandaling tumahimik si Seve bago muling nagsalita.
“Kaya… hayaan mo na si Yrah ang magdala ng anak natin. Siya naman ang gustong-gusto na magkaanak, ’di ba? Tutulungan lang niya tayo. At kapag manganak na siya… makikipaghiwalay na ako sa kanya at kukunin natin ang bata.”
Pagkarinig noon ay galit na bumalik si Yrah para komprantahin ang doktor. Doon niya nalaman ang katotohanan na mababa pala ang sperm count ni Seve kaya failed ang unang try. Ngunit sa ikalawang pagkakataon, nagkapalit ang mga embryo.
Ang batang dinadala niya ay hindi anak nila ni Seve… kundi anak niya at ng isang ruthless billionaire na si Nicario ‘Cario’ Valleriani!
Pagkatapos ayusin ni Yrah ang annulment ay nilisan niya si Seve. Itataguyod niya ang kambal sa abot ng makakaya.
Biglang nagsisi si Seve. “Please don’t go, Yrah,” anito nang hawakan ang pulso ni Yrah.
Saka naman dumating sa likuran si Cario at hinila si Yrah papunta sa mga bisig nito.
“Don’t mess with the mother of my twins,” malamig na sabi ni Cario kaya agad na binitawan nito si Yrah. “Touch her again, and you'll deal with me.”
Nanlaki ang mata ni Yrah.
Hindi niya alam kung mas dapat ba siyang matakot… o kumapit sa lalaking biglang ipinagtanggol siya.

