Avoiding
Now, I'm wondering why is he doing this things to me. what would be his purpose? his actions seems to be suspicious in the first place, he just heard that I like him before and now he acts like he wants me to fall for him.
It's really hard to read his actions. I know he has a lot of admirers and he can easily attract them without lifting his finger down, but why would he put so much effort just to get my attention? I know I can easily fall for him if I want to, but what is all for this? I doubt it.
"Ewan ko nalang sayo Vanellope kung magpapaloko ka pa diyan. it's obvious!" pangaral ni Ariah habang nakatambay sa batong lamesa sa ilalim ng mahogany tree.
"Duh, gullible kaya iyan." saad ni Ashnell at saka sumubo ng sushi na inorder niya kanina sa mall bago kami bumalik ng school.
"I'm not!" pag-aapila ko rito. umirap lang ito.
"baka interesado lang talaga si Evo?" mapaglarong tanong ni Louise na ngayon ay nakisubo na din sa sushi ni ell.
"Wag ka nga, may pinapaibig pa nga 'yon sa classroom eh." sabat naman ni Xia.
"si Gomez?" I asked. nanlaki ang mata ni Xia at gulat naman na inangat ni ell ang tingin sakin saka ito nakipagtitigan kay Ari.
"oh? bakit alam mo?" ell asked in a suspicious tone. nagkibit balikat ako.
"I heard it from bianca?" I answered saka ko sila pinagmasdan isa isa.
"don't tell me, you're investigating his love life now huh?" Ariah smirked.
"There's no way! I just heard it from my classmates." I reasoned out.
"Gomez turn him down. she's such a high caliber." banggit naman ni Louise.
"I thought he's with Cassidy?" I asked. inangat naman ni Ariah ang kanyang kilay at tinitimbang ang mga galaw ko.
"I don't think so?" singit naman ni Xia.
"Caianna Ezviquel is confirmed linking up with Evo. kaya wag ka nalang maniwala sa mga pinapakita niya sayo." Ashnell muttered and fix her things when we heard the buzzer.
Boys with my age is kinda aggressive when it comes to a relationship, not even considered as a serious relationship. girls who's out of the vibe get lost and feel pain because they take it seriously.
They used to play around it's because of their curiosity. same goes for the girls who's been there desperately trying to satisfy their curiosity about love.
And there, fond of l**t, faking their love just to satisfy their needs, just to pleasure their bodies. would you consider that as love? would you believe that love exist with that?
"Nice presentation." bati ng teacher namin matapos ang report namin.
Zeus did a great job for todays report. he almost carry our group at paminsan minsan ay sumisingit din ako pag may ideas.
Pumalakpak naman ang mga kaklase namin bago kami umupo. naiwan lang si Zeus dahil inayos nito ang laptop na ginamit namin kanina.
Nang matapos ito ay nakita nitong bakante ang upuan sa tabi ko kaya tumabi nalang ito saakin. kanina ay sila ni Zach ang magkatabi sa likuran ko ngunit binakante na ito ng isa sa kaklase.
"Told ya, it's on me." Zeus smirked when he seated beside me. inirapan ko lang ito at nag mock face.
"Thanks to me!" singit ni Zach habang kinakagat ang dulo ng ballpen nito.
matapos ang asaran ay sinuway din sila ng teacher namin sa likuran dahil mag-uumpisa na ang susunod na reporter.
naging mabilis lang din ang klase kaya pinalabas na rin kami ng maaga bago mag uwian. lumabas na din ako agad ng room matapos kong ayusin ang aking gamit.
habang palabas ng classroom ay sumabay na din si Zeus at nakasunod na din si Zach.
"Sama ba kayo mamaya?" tanong ni Zeus habang isinusukbit ang bag sa balikat.
"Saan?" tanong ko muli.
"band practice." sagot naman ni Zach, ngayon ay sabay kaming tatlong naglalakad.
"I don't know kila Ari, well I can't go." I answered. sumulyap naman si Zeus saakin ngayon ay nauna ako maglakad sakanila habang ang mga kamay ko ay nasa likod.
"You should support your crush." panunukso ni Zeus. I stopped walking and they stop too, nakangisi at tila nang-aasar ang mga ito.
"Oh? sino?" I asked, acting innocent.
"Evo o Zephyr?" tanong ni Zach.
"Wala. wala sainyo." I answered at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
Nang mapadaan na kami sa hallway ng science Laboratory ay may chinita na lumapit kay Zeus kaya tumigil ang dalawa sa paglalakad.
nauna na ako sa kanila maglakad para puntahan sila Ariah dahil kasalukuyan ang vacant nila tuwing last subject ng hapon pag wednesday.
Habang paliko na ako sa hallway ng Stem department ay natanaw ko agad si Zephyr at Evo na nakatambay sa hagdan. bumagal ang lakad ko at iniisip kung aatras ba ako o magpapatuloy.
Patuloy pa rin naman ako sa paglakad kahit na ramdam ko na ang kaba habang palapit sa kanila.
I decided not to look at them, since they're talking to each other. nang nasa harapan na ako ng mga ito ay naibaling agad ni Evo ang tingin saakin at ganun di si Zephyr na ngayon ay nakangising nakatitig na rin saakin.
"Excuse me." I said and smiled. hinarang ni Evo ang kamay nito sa railings ng hagdan para hindi ako makadaan.
I looked at him innocently now slowly fading my smile.
"I'm very curious." saad nito sa mababang tono at tila nanga-akit ang mga titig nito. nakakabulag, nakakatakot na baka isang hatak niya lang ay maari na akong mahulog sakanya.
nagtataka naman akong tumingin sa kanya at may halong inis.
"Evo I'm not here to play around." seryosong saad ko. I heard Zephyr chuckled kaya nailipat din saglit ni Evo ang tingin dito saka ibinalik din agad ngayon saakin.
"Who's playing around then?" he asked.
"Evo ano ba? padaanin mo na ako, don't you have life?" I asked irritatedly.
"Be part of my life then." he smirked and raised his brows. I rolled my eyes and shook my head in disbelief.
"No way." I uttered. tumawa naman si Zephyr saka inalis ang kamay ni Evo na nakaharang.
"let her go dude, you crazy son of a bitch." saad ni Zephyr habang natatawa.
Nang naging maluwang na rin ang dadaanan ko ay sinamantala ko na rin umakyat para puntahan sila Ariah. habang naglalakad ay hindi pa rin tumitigil sa bilis ng t***k ng aking puso.
"Tapos na klase nyo?" nakangising salubong ni Louise saakin habang nakatambay ito kasama ang mga kaklase sa harap ng pinto nila. natanaw ko rin si Ariah mula sa loob ng classroom nila na ngayon ay palabas na din nang matanaw ako.
"May meeting daw mamaya by department, ang agenda is sport fest." saad naman ni louise.
"maaga akong uuwi, may family gathering kami tonight." saad ko.
"sayang naman, we'll watch band practice daw." saad ni Louise at saka inangat ang tingin kay Ariah na kalalabas.
"Ari tuloy ba mamaya?" tanong nito.
"Oo daw sabi ni Ell." sagot ni Ariah habang inaayos ang mini bagpack.
"Tara na sa baba, palabas na daw sila Ell." pag-aaya ni Ari kaya nagsimula na rin kaming maglakad pababa.
Ginapangan naman agad ako ng kaba at baka naroon pa rin sila Evo sa hagdan kaya bumagal ang lakad ko. Nang masilip naman ito ay wala na sila kaya nakahinga naman ako ng maluwag.
Natatakot na ako sa posibleng mangyari kung ipagpapatuloy pa ni Evo ang ginagawa niya. naguguluhan na ako, at hindi pa rin maintindihan kung ano ba talaga ang intention niya. Nakakainis.
"Meeting na daw." salubong ni Xia kaya nagsitanguhan din sila Ari at Louise. sakto rin naman ang sunod sunod na tawag nila Aero at Eri sa phone ko kaya agad akong nagpaalam sakanila.
Nagmadali akong lumabas ng gate habang sumasagot ng messages galing sa mga pinsan.
nasalubong ko pa sila Zeus at Kiero pero hindi ko na pinansin pa ang pang-aasar ng mga ito dahil nasa labas na raw ang driver kaya nagmadali na ako. natanaw ko naman na agad ang sasakyan namin kaya nagtungo na rin ako don.
mabilis lang din akong nakarating sa bahay at nadatnan ko na sila daddy na naghahanda na kaya agad din akong nagbihis.
Nang makarating kami sa bahay nila tito andrew, daddy ni Eri at ni Xenon ay bumungad saamin ang engrandeng decorations sa garden area nila, sakto rin ang dating nila Vera, flynn at Cael kasama na rin ang mommy at daddy nila.
kumpleto kaming lahat ngayon kaya nang magkasama sama kaming magpipinsan ay ganun nalang din ang tuwa ko lalo na at ngayon ko lang ulit nakita sina Eri at Vera.
Sina Flynn, Xenon at Aero ay halos palagi rin ang tambay sa bahay kaya nakakasawa na rin lalo na at puro panggugulo lang din naman ang dulot ng mga ito.
"Malapit na debut ni Vera!!" Eri said in a exciting tone. napangisi din ako at tiningnan si Vera habang sumisimsim ng wine.
"Ano balak mo Vera?" I asked. she smiled and giggles.
"I want a pink and gold classical theme." Vera said with excitement.
"who would be your escort?" tanong naman ni Eri.
"Boyfriend?" mahinang tanong ko. nanlaki naman ang mata nito at mabilis akong binantaan na huwag mag-ingay dahil malapit lang sila Cael at flynn na mga kuya niya.
"Don't you dare invite Gavin, Vera!" bayolenteng saad ni Flynn, kaya nagtawanan sila Aero at Xenon.
"Hoy kayo pa ni Gavin?" ngayon naman ay sumulpot na si Cael while holding a glass of champagne. umirap naman si Vera at halata naman ang pagkainis nito.
"bugbugin ko na ba Cael?" nang-aasar na saad ni Aero.
"Tambangan natin sa hotel" sabat naman ni Xenon na maangas na nakaupo sa sofa.
"Tanginang mga 'to, basugulero." natatawang saad ni flynn.
"ang yayabang nyo, wala naman sana kayong dulot." maangas na sabat ni Priore habang nakaupo sa kabilang sofa.
"Hahaha walang dulot." nang-aasar na tumatawa naman si Rionne sa tabi ni Cael.
"Eh ano ngayon? he'll be my escort kaya sa debut ko." saad ni Vera at ngayon ay nakabusangot na.
"Escort my a*s, flynn will be your escort and I'm your last dance." saad ni Cael. palipat lipat lang ang tingin ko sa kanila habang natatawa sa mga bangayan nila.
"No way. I'm the celebrant, not you two will decide!" pag-aapila ni Vera.
"Oo nga, ikaw ba kasi ang magde-debut?" pambabara naman ni Priore kay Cael.
"Baka gusto mo rin mag debut Cael?" natatawang tanong ni Rionne.
"Sulsolero naman itong si Rionne, wala ng ibang dulot." singit naman ni Aero. tumayo si Rionne at aambang babanatan si Aero pero agad umiwas si Aero.
"Anyway, whatever your decision is." saad naman Cael na ngayon ay wala na rin namang magagawa at humilata na rin sa tabi ni Priore.
"Lagot ka pa rin kay Daddy." nagbabantang saad naman ni Flynn.
Kalaunan ay nailipat na din ang topic namin sa kung saan saan hanggang sa abutin nalang din kami ng ilang oras sa pag-kukwentuhan.
"Sports fest na namin next week, you'll watch?" tanong ni Eri.
"Sports fest din namin, and graduate naman na sila Aero kaya wala na rin naman papanoorin." sagot ko habang tamad na nakahilata sa sofa. Vera chuckled.
"Eri is the volleyball team captain now! don't you want to support her?!" gulat naman akong napatingin dito na ngayon ay nakaangat ang kilay saakin.
"Kailan ba? I'll watch!" I asked with excitement.
"Wednesday, next week." nakangising sagot ni Eri.
Natapos ang gabing iyon ng puno ng bonding at mga bangayan kasama ang mga pinsan. hindi na din kami nagpakalasing pa dahil may pasok kinabukasan.
Maraming beses kong iniiwasan makasalamuha ang grupo nila Evo, at mas lalo na si Evo dahil ayoko ng mapunta ulit sa alanganin ang buhay ko.
Tuwing makakasalubong ko sila ay mabilis akong lumiliko o di kaya naman ay halos pagtaguan ang mga ito. minsan na lang din kami manuod ng trainings nila dahil sinasamantala kong ilibre nalang sila sa labas huwag lang silang makita, pero kadalasan ay ako nalang mismo ang hindi sumasama sa mga gala nila pag alam kong kasama ang banda.
At sa tuwing iniiwasan ko ito ay tila nanadya naman ang tadhana para paglapitin kami. kahit sa mga imposibleng lugar at oras ay sumusulpot ito.
Mag-isa akong naglalakad patungo sa cafeteria para sana bumili ng Iced coffee pang pa-hype ngayong hapon dahil katatapos lang ng subject namin sa Marketing at medyo nagkaroon lang ng kaonting brainstorming kanina.
Saktong pagbukas ng glass door entrance ng cafeteria ay bumungad si Evo na nakasandal sa lamesa kasama sina Kiero, Zephyr at ang mga ka team mates nila Zephyr sa basketball.
Dumapo agad ang tingin ni Evo saakin kaya mabilis naman akong ginapangan ng kaba. iniwas ko ang aking tingin at dumiretso nalang sa coffe stall para umorder ng venti size Iced coffee.
"One venti size please." sa boses palang na iyon ay alam ko na agad kung sino.
Hindi na ako halos makahintay pa sa inorder ko para makaalis na agad dito. hindi na rin halos matigil sa bilis ng t***k ng puso ko, at ito ang mga senyales na ayaw kong maramdaman pag dating sakanya.
"Where are you these past few days?" He asked as if he cares. halos idiin ko ang mga kuko ko sa aking palad.
"busy with my own life of course." I said trying not to stutter.
"you're avoiding me." saad nito sa mababang boses.
"I'm not." I lied. yes I'm avoiding you.
"yes you are." giit nito at ibinulsa ang mga kamay habang marahan akong tinitigan.
Something in his eyes, his air and even with the way he talk to me. ayokong mag-isip pa ng mga bagay na mas ikalala lang ng pag-iwas ko sa nararamdaman ko para sakanya.
Pero siya mismo ang gumagawa ng mga bagay na mas ikakahulog ko sakanya. he's dangerous yet notorious when it comes to this.
I should be really careful.