"I don't want you to get bored." "I have books to read." Itinuro ang ilang librong hindi na maituloy basahin dahil sa madalas na pagtatambay nito sa kwarto niya. Hindi gustong mag-complain pero ang ginagawa nito ay nagbibigay ng maling pag-asa pa rin sa kanya. "Dapat ay summer class na ako ngayon at ayokong magsayang ng araw kaya nagbabasa-basa ako." "Hindi mo ba ako gustong nandito? Ganun mo ako kabilis pagsawaan?" She wanted to laugh at his statememt. "Hindi ba dapat ay ako ang magsabi niyan?" Umayos siya ng upo dahil sumasakit ang leeg sa pagtingala rito. "I know that you are busy. I'm not going anywhere Rick. Ayoko lang isipin na ginagawa mo ito dahil lang iniisip mong tatakas ako." It hurt my ego pagkatapos kong paulit-ulit na magtapat sayo. Naupo ito sa tabi niya. "Hindi dahi

