"I will." Narinig niya ang sagot nito pero hindi gustong tumigil ng luha. At habang pinipigil iyon ay parang lalo pang gustong kumawala. "You don't have to pretend." Napaubo pa siya na parang bata. "Hindi ako nagpapanggap." Lito ang dalaga. Hindi nito maintindihan kung bakit napakatipid sumagot ni Rick. Tila parang pinag-iisipan pa nito ang bawat lalabas sa bibig. Calm yourself Ellis. Ginawa mo to sa sarili mo kaya pangatawanan mo! Pinunasan niya ang luha sa pisngi at pinigilan ang sariling maluha pa. Mahabang katahimikan ang namagitan sa dalawa. "I'm sorry. Hindi dapat kita pinipilit na umamin sa isang damdamin hindi mo naman nararamdaman." "You are impulsive. Kanina lang ay sinasabi mong gusto mong iwan nalang ang lahat, then next ay binabawi mo. Kaya paano ko paniniwalaan ang

