Pagka-alis ng mga bisita ng ama ay dagling nabura ang ngiting nakapaskil sa labi ni Ellis. Pasimpleng inabot ng tanaw ang kaninang kinaroroonan ni Rick. He was no longer there. Pero hanggang ngayon ay hindi parin mahinto sa pagwawala ang puso sa pagkakahuli nitong pagtitig rito. Crazy! You are crazy, kastigo sa sarili. "Ellis, come with me to the library." "Dad?" Takang tanong at hindi sinasadyang mapalingon sa ina at kay Riley. Nitong nakaraan ay bahagyang nagbago ang pakikitungo ng dalawa sa kanya. At hindi niya gustong mag-isip na naman ang mga ito ng kung ano-ano. "It's about the letter I received from your university. Mayroon kang markang bumaba at gusto kong kausapin ka tungkol doon habang may libreng oras tayong dalawa." Pormal ang itsura ng ama kaya alam ni Ellis na hindi

