Kahit na hindi approve si Rick sa namumuong damdamin ng kapatid kay Shinna ay ginawan nito ng paraan ang magiging pagtakas ng dalawa. Nagpatuloy parin ang paghahanap sa nawawalang si Eva na pinuntahan pa ang bahay nito upang makibalita. Pero walang senyales na naroon ang babae. At ayun sa kapitbahay na napagtanungan ay ilang araw na daw tulala ang asawa nito dahil hindi mahagilap ang babae. Damn it Eva! Where are you? Kailangan niya ito para sa mga imporasyong nabanggit nito sa kanya noon. This is the perfect time that we're waiting for! Pag-uwi sa mansyon ng mga Alvarez ay agad hinanap si George upang sabihin ang nilakad. Bumili na siya ng ticket sa roro na siyang sasakyang ng dalawa papuntang Maynila. Pati na ang susundo sa dalawa malapit sa mansyon. "There is no turning back. Kap

