Frederick XI: His point of view

2360 Words
Pagdating sa Zamboanga ay inakala ni Rick na ito ang gugulat sa mga kapatid. Pero ang higit na nagpawindang sa kanya ay ang ginawa ni William.  "And where is the girl?" Tanong kay William pagkatapos nitong isalaysay  mula sa umpisa kung paanong napasok si Shinna sa sariling kwarto. Ang babaeng siyang binabantatan ni Eva sa isa sa mga kwarto ng mansion. "She has a name Rick! Ayokong isiping nagagalit ka sa kanya dahil hindi mo parin alam kung nasaan ang Eva na ito." Naningkit ang mata niya. Hindi itatanggi iyum dahil ang pagkabanas sa nabanggit nitong babae ay nauuwi na sa pag-aalala. Ilang araw sila sa Maynila at ni walang sagot si Eva sa kahit na anong mensahe rito. Noong una ay inakalang nagpapakipot na ito pero nahalinhan ng pag-aalala ngayong nalamang nakalabas ang alaga nito. And what relationship do you have with her?  Bakit kailangan mo siyang tulungan?"  Nanatiling tahimik si William at sa halip ay si George ang sumagot. "Unfortunately, this Shinna girl is not here. Bakit hindi mo sabihin kay Rick ang sinabi niya sa akin?"   "Sinabi ko na sayong wala kaming ganuong relasyon ni Shinna. She is just an innocent girl!"  "Are you sure?" Paniniyak niya at pinasadahan ang anyo ng kapatid. He looked tensed for some reason na hindi normal sa kanilang magkakapatid. "Kailangan bang may relasyon kami para tulungan mo siya? I thought naghahanap ka ng maibabato kay Don. This is one of them."  Sandaling katahimikan ang namayani sa tatlo. Si Rick ay pilit pinapanatili ang pagiging kalmado. You better not do anything with Eva, Don! Tama na ang kasamaan mo! "I won't ask anything else. Tulungan niyo lang akong ilabas siya rito." Basag ni William sa pagitan ng tatlo na ang tinutukoy ang kagustuhan nitong itakas ang Shinna na ito.  "And after that?" "Gusto kong samantalahin ang sinasabi niyang pagbabagong-buhay natin?" Nagusot ang mukha ni Rick at pagak na tumawa. "Sa tingin mo ba ay seryoso siya sa sinsabi niya? He will not keep us for a long time to let us go just like that." Sinabi rito kung paano narining ng mismong tenga dalawang taon na ang nakararan tungkol sa pagkamatay ng mga magulang nila.  "Paano ka nakakatiyak na tama nga ang sinasabi mo? Hindi ba nagkamali ka lang sa narinig mo?I am sure you are f*****g a random maid at the library that time." "I may be f*****g the devil's daughter that time pero hinding-hindi ko ipagkakamali ang pangalan ng ama natin.  We are not that young when our parents got killed. Sabihin mo sa akin Will, ano ang pangalan ng magulang natin?" No answer.  "He clearly mentioned Jean Pierre Legrand right after his friend praises him for having us. That damn man was laughing at us on our back! Tama ako sa hindi pagtitiwala sa kanya!"  "At hindi mo na sinabi sa amin ito sa loob ng dalawang taon!"  "And then what? Ano ang gagawin mo, ni George at ako kung sinabi ko sa inyo ng mga panahon na yun ang nalamam ko! Hell, but I've been denying it to myself. Ilang beses kong hinahanapan ng magandang katangian nito ang matandang yun." Tiim ang bagang na litanya. "Until Eva, sa kanya ko nalaman ang mga maling gawain ni Don sa Russia man o dito sa Pilipinas. How many people he killed and families that he had ruined. Ang matandang yun na nagpapanggap na mabait sa madla pero ang totoo ay isa siyang demonyong nagbabalat-kayo! At hindi doom nagtatapos  ang kasamaan niya. Sinigurado kong malalaman ko kung ano ang plano niyang gawin sa atin sa pagsama ko sa kanya sa Maynila. Kung bakit niya tayo ipadadala sa France. Sa paghahalungkat ko sa library ay nahanap ko ang ilang mga dokumentong hawak niya." Sandaling huminto upang punuin ng hangin ang baga. "Ipaayos niya ang perang kukunin niya mula sa atin. Hindi ko alam kung anong palalabasin niya pero isa lang ang sigurado ako. Mayroon tayong tatanggaping pera na inilaan sa atin ng namayapa nating mga magulang." "Pera?" ulit ni William. "In France?" "We aren't just a homeless orphan, Fitzwilliam." Si George ang sumagot. "May pera tayong nasa bangko sa Paris. And how many years had it been since then? It will be more than twenty years now. It was some mutual funds or something. At kung interesado si Don doon means hindi siya birong halaga knowing how rich he is now and still wanted that sum of money. Twenty years! Imagine! Looks like we aren't that useless homeless men tulad ng ipinagsisintir mo noong nakaraan." Kanya-kanyang labasan ng sama ng loob ang magkakapatid. Si Rick ay palihim na inoobserbahan si William. Hindi niya gusto ang nakikitang tila pagkabalisa nito.  "So, what is your plan now, Rick?" William asked. "It's been two years since you found out about this. I am sure meron kang plinaplano sa isip mo." "You're right. I don't want an easy death for him. Kung yun ang pinaplano kong gawin di sana ay ginawa ko na noon pa man. Gusto kong pagbayaran niya ang lahat ng mga ginawa niya hindi lang sa atin. Kundi pati na rin sa mga taong inagrabyado niya. Pinahirapan. Ginamit. Gusto kong pagsisihan niya ang lahat ng mga masasamang bagay na ginawa niya." "And how are we supposed to do that?" Muling tanong ni William. Sinabi ang planong pagpapabagsak sa matanda.  "But it won't be easy. Hindi nalang ordinaryong tao ngayon si Don. Baka pati ang gobyerno ay makalaban natin. And we're not even a resident in this country."  "Kaya kailangan nating planuhin maigi ang magiging hakbang natin. Kahit anong mangyari ay hindi tayo pwedeng pumunta sa France. Sa oras na makuha niya ang perang nakalaan sa atin ay hindi ko alam kung ano ang pwede niyang gawin sa ating tatlo. For now, can I see this, Shinna? Pwede din natin siyang gamitin laban kay Don." Isinatinig ang planong paggamit kay Shinna pero hindi iyun nagustuhan ni William.  "Hangga't maaari ay ayokong maiipit si Shinna sa kahit anong sigalot mayroon tayo. She's very fragile and innocent."  "But you cannot fall in love with her, Will! You are not supposed to fall in love with her!" Pangungundena rito na parang isang malaking krimen iyun.  "Pwede natin siyang gamitin ng hindi siya nasasaktan. Itinago na siya ng matagal ni Don Alvarez. Ibigay natin ang anumang ipinagkait sa kanya. She deserves a life!" "That I am not sure. Gusto ko siyang makita." Nagpatiuna siyang maglakad papunta sa pintuan. "Rick please."  Magkadikit ang kilay na nilingon ito. "You are acting so weird. You are giving me these uncanny thoughts. You can't honestly have feelings for her. Bukod sa pagtanaw-tanaw niyo sa isat-isa ay ilang araw lang kayong nagkasama. For all I know ay baka ginagamit ka lang niya para makalabas siya rito." William's lips pressed into thin lines.  "You better behave yourself! Hindi maganda ang naidudulot ng isang babae sa buhay ng isang lalaki Fitzwilliam. Tingnan mo nalang ang nangyari kay big boss. Hindi mo gugustuhing matulad sa kanya." Hindi gustong sabunin ang kapatid pero sa paningim ay tila hindi diretso ang pag-iisip nito dahil sa isang babae. "Besides, we might be facing a big war in the future. Ihanda mo ang sarili mong pakawalan siya at ibigay sa ama niya." Pagkasabi ay tuluyan lumabas ng kwarto at tiyak ang paa sa pupuntahan.  At kinailangang kumurap ng mga mata nang makaharap ang babaeng binabantayan nila sa mahabang panahon. Ito ang anak ni Crisanto Fuentes na unang naging asawa ni Don Alvarez. At tulad ng pagsasalarawan ng kapatid ay napaka-inosente nitong tignan. Pero hindi palilinlang doon. "Ano ang motibo mo sa ginawa mong pagtakas? Huwag kang mangialam Will." Awat  sa kapatid nang tangkang bubukas ang bibig ni William.  Nagsumiksik sa likod ng kapatid ang babae. "W-Wala akong motibo. Do I need to have a motive aside from wanting to try the life outside?"  "Kung ganun ay bakit si William? Plinano mo bang ang kwarto niya ang pasukan upang akitin siya." "Rick!" "William..." tumingala ang babae sa katabi nito. At gustong magmura ni Rick sa paraan ng pag-uusap ng dalawa.  "It's okay. Uulitin lang natin ang naging paliwanag mo kay George. No need to get scared, okay."  Bumaling si Shinna sa kanya. "I-I am grateful that I did entered William's room. I'll admit that I had been watching him from afar for quite some time. Alam kong  sa lahat ng tao rito ay siya lang ang pwedeng makatulong sa akin. Pero nang planuhin ko ang pagtakas ay hindi ko naisip na sa kanya ako mapupunta. Pareho lang kayo ng reaksyon nang una niya akong makita. Though I can say that William is the gentlest among the three of you. Or to anyone. Masaya akong napunta ko sa kanya."   "Nasaan si Eva?" Tanong niya. Kailangan niya ang babae ngayon din.  "S-Si Eva? H-Hindi ko alam kung nasaan siya. Nang gabing tumakas ako ay iniwan ko siya sa kwarto ko. I used her, and I'm feeling guilty for doing so." Sinabayan ng pagyuko ng ulo ang sinabi.  "Hindi parin siya nakikita hanggang ngayon."  "Hindi ko gustong napahamak siya sa ginawa kong pagtakas. Baka bumalik na siya sa asawa niya dahil wala na ako sa kwartong pinagkulungan nila sa akin."  "Nang-iinis kaba?" "Wala akong masamang ibig sabihin. She's a married woman. Saan paba umuuwi ang babaeng kasal na, hindi ba sa asawa nila?" Dumilim lalo ang anyo at muntik na itong lapitan pero pinigilan siya ni George.  "I am feeling sorry for Eva," Shinna continued. "She's been a good teacher to me. But I have to save myself too. Kapag hindi ako umalis doon ay aanihin lang nila ako."  "Aanihin?" Nagsalubong ang kilay na tanong ni Rick.  "Sinabi ko na sayong may motibo si Don sa pagkukulong niya kay Shinna." Hindi napigilang singit ni Willam.  "Hindi ba dahil gusto niya lang siyang  gamitin laban kay senator Fuentes?"  "It was more than that Rick. He was planning to make her his woman! I couldn't believe it myself. Pero kung pagtatagni-tagniin ang mga kwento ni Shinna ay malaki ang posibilidad na yun nga talaga ang pakay niya." "That's impossible because Eliza is a gorgeous woman!"  "But Shinna looked a lot like her mother. Do you remember the incident twelve years ago?" Ibinalik ang mata sa dalaga. Hindi na ganuong kalinaw sa isipan ang insidente but William could have a point. Don Alvarez became like a crazy man when his first wife died. Though naitago nito iyun sa lahat ay nakita nilang mga nakasaksi nang araw na mamatay ang una nitong asawa ang sandaling tila pagkabaliw nito. Ilan sa mga tauhan ng matanda ang napatay dahil sa sobrang galit at hinagpis sa pagdadalamhati. And the woman in front of him looked a lot like her own mother! But more gorgeous and stunning on another level. Young and innocent too. "Damn that dirty old man! Hindi pa siya nakuntento sa mga babae niya at pumili pa ng batang-bata." Tumaas ang kilay nang makita ang ginawang pagyakap ng babae sa bewang ni William. "Hindi ko alam na may ganyan na kayong relasyon?" "They are sleeping together in one bed. Mas magtaka ka kung wala pang nangyayari sa kanila." Binuntunan ng tawa ni George ang tinuran.  "Huwag nating pag-usapan ang tungkol diyan ng nasa harap siya," suway ni William. "At gusto mo siyang alisin dito? What made you think I will help her?"  "Come on Rick!"  Hindi naiwasang magkasagutan ng magkapatid. "She is not worth the risk William!" Sa bandang huli ay nasabi nalang.  "Kapag dumating ang araw na gugustuhin mong protektahan ang isang babae ay hindi kita ikwe-kwestyon Rick."  "Ginawa mo na kay Eva!" "Because she is not worth it. Huwag mong ikukumpara si Shinna sa kanya!"  "Dahil inosente ang babaeng yan at si Eva ay hindi ganuon ba? Shame on you William. She's also  a victim for all you know." "Guys, chill." Awat ni George dahil sa halatang pagkakainitan ng dalawa.  Hindi ito pinakinggan ni William. "Dahil wala siyang ginawa sa sitwasyon ni Shinna. Kung gaano tayo katagal na narito ay ganuon din ang babaeng yun Rick pero wala siyang ginawa. Ni wala siyang naiturong maganda sa alaga niya. Aside from that, she is married. Kung gusto niya ng taong magpo-protekta sa kanya ay bakit hindi niya iwan ang asawa at magpa-protekta sayo. You are f*****g her at gustong-gusto naman niya kahit na umuuwi siya sa sariling asawa at ikinakama rin sa gabi." Nagdilim ang paningin niya at tangkang susugurin ang kapatid. Mabuti nalang at naagapan ni George ang tangkang pagsuntok rito. "Admit it, Rick, you fell in love with the wrong woman. Kaya mo tinatrato si Shinna ng ganito. Nabubulagan ka dahil hindi mo alam kung nasaan siya ngayon." "Stop it Fitzwilliam!" Awat ni George. "At kumalma ka rin Frederick pwede ba!" "I am not gonna ask for your help kung ganyang hindi bukal sa loob mo."  "And so what, hindi mo kami tutulungan sa paghahanap ng hustisya sa pagkamatay ng magulang natin? Shame on you!" "Wala akong sinabing ganyan. Ang sa akin lang sa ngayon ay hayaan mo akong mailabas si Shinna rito. Come on! This woman deserves a life! Sampung taon siyang ikinulong sa isang lugar dahil lang sa kasalanang hindi niya ginawa. Biktima lang din siya ng pagkakataon." Sinasabi ng utak na may punto ang kapatid. Pero habang tinitigan ang babaeng kasalukuyang kanlong ni William sa mga bisig nito ay nagpupuyos ang kalooban.  "Tulungan mo akong makaalis si Shinna rito at gagawin ko ang gusto mo. We aren't just siblings, we are twins. Ngayon pa ba tayo magkakagulo?" Nanatiling tahimik at minasdan ang dalawang nasa harapan. Sa kanilang magkakapatid ay si William ang madalas ay nasa hulog bukod pa sa mas mahinahon. Pero hindi aakalaing lalambot ito ng ganuon sa isang babae.  It was a lomg argumemt. And right in front of Rick's eyes, nakita kung paano tignan at ngitian ni William ang babae.  At may something na naramdaman na hindi gustong aminin. Something that warm his heart no matter how much he denies it. Sa bandang huli ay kumalma at inisip ang magiging damdin ng kapatid. "Sa labas natin pag-usapan ang magiging plano kung paano siya ilalabas rito. Hindi ko kayo kayang tignan na dalawa." Binuksan ang pinto at iniwan ang mga ito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD