"Sorry."
Hindi niya pinansin ang katabing si Rick dahil sa aksidenteng pagkakasanggi ng kamay nito sa kanya. Kung bakit kasi nagkataon pang fully-booked ang business class sa commercial flight na yun papuntang Maynila. And that she has to be separated with her parents to accommodate families with children.
Nag-boluntaryo siyang ma-downgrade kasama si Rin dahil puro pamilya ang nasa upper cabin. Tutal naman ay sandali lang ang flight. Hindi naman niya akalain na makakatabi ang binata na nagpa-downgrade din pala dahil hanggang sa makaupo sila sa loob ng eroplano ay hindi niya alam ang seat number sa hawak nitong boarding pass. Ang bodyguard ay nasa likuran at napapagitnaan ng dalawang pasaherong lalaki.
Dinukot mula sa loob ng bag ang hand sanitizer at walang pakialam kung makita ng katabi ang ginawa.
"Really, Ellis. Hanggang kailan ka aaktong b***h sa akin?"
Hindi pa rin nya ito pinansin at nagpanggap na walang narinig saka ikinabit ang seatbelt. Umayos ng upo at pumikit pagkatapos ilagay ang earphones sa magkabilang-tenga. They don't have to talk. Tulad ng ipinangako niya sa sarili tatlong taon na ang nakakaraan, gagawin na lang isang ordinaryong empleyado ang lalaki sa buhay niya.
The flight took more than an hour. Umikot pa kasi sa ere ang eroplano dahil hindi ito maka-landing dahil busy ang runway. Pagkalapag ay tayuan na ang mga pasahero dahil lahat ay naghahabol. Hindi tuloy sinasadyang masagi siya ng isa na dahilan ng pagkakatumba. Mabuti nalang at naroon si Rick at maagap siyang nasalo.
"Dahan-dahan lang pare." Sita nito sa lalaki na agad humingi ng paumanhin. "Lahat naman tayo ay makakalabas."
"Pasensya na, naghihintay na kasi yung sundo ko sa labas." Humihingi ng paumanhin ang tinging ipinukol kay Ellis.
Hindi na ito pinansin ni Rick at bumaling sa dalaga na sa sobrang pagkabigla ay hindi nagawang manulak.
"Okay ka lang?"
Napakurap siya at inilayo ang sarili rito. "Y-Yeah, thanks." Agad naman siyang binitiwan nito. Dinampot ang mga gamit at nakisiksik sa mga pasaherong nag-uunahang makalabas habang habol siya ni Rin.
Sa immigration na sila nagkitang pamilya at dumiretso sa bahay ng Don sa Antipolo. As usual ay kanya-kanyang business ang bawat isa dahil kinabukasan pa ang appointment sa designer na kaibigan ni Ellis.
At sinamantala ni Rick ang pagkakataong iyun upang magkalkal sa library ng mansion habang wala ang lahat. Kahit anong impormasyong pwedeng gamitin laban sa pinaglilingkuran. Ang pagsabi ng Don tungkol sa plano nitong pagpapadala sa kanilang magkakapatid sa France ay naging hudyat para planuhinh sabihin sa dalawang kakambal ang matagal ng hinala sa matanda. Pero nanatiling malinis trumabaho ito dahil wala ni isang nakitang kahina-hinalang papeles na maaring mai-konekta sa nalaman niyang ginawa nito sa magulang nila noon. Nagpadala siya ng mensahe si Eva.
Samantalahin mong pumasok sa loob ng library upang maghanap ng pwedeng maibabato kay Don Alvarez. Pagbalik ko ay sasabihin ko na kay William at George ang tungkol sa nalaman kong ginawa niya sa magulang namin. At mula doon ay planuhin na natin ang pagpapabagsak sa kanya.
Walang nakuhang sagot na madalas ay nangyayari kapag gabi dahil umuuwi sa asawa nito ang babae. Nagpatuloy sa pangangalkal sa buong silid ang binata. Imposibleng ganun ka-ingat ang matanda. Bubuksan na sana ang pinto at lalabas nang maulinagan ang mga hakbang na papalapit da kinaroroonan. Napabalik at pinagkasya ang sarili sa ilalim ng executive table.
Isang pares ng paa ang pumasok at dumiretso iyun sa mismong pinagtataguan. Literal na huminto sa pagtibok ang puso ni Rick. Natitiyak na si Don Alvarez iyun base sa nakikitang mga binti mula sa pinagkukublihan. At sigurado ang pagkahuli sa kanya kapag naupo ito sa naroong swivel chair.
Nakadalawang ring ang telepono bago angatin na parang inaasahan na nito ang tawag.
"Nabanggit ko na sa kanila ang plano kong pagpapadala sa kanila sa France. Palalabasin kong bakasyon ang magiging pagpunta nila doon. Gusto kong ihanda mo ang titirhana nila. Pararanasin ko sila ng sarap ng buhay bago ko sila bigyan ng pagpililian."
Si Rick ay mariing nakuyom ang palad. Tiniyak na bukas ang dalawang tenga upang mapakinggan ang lahat ng impormasyong sasabihin nito.
"Hindi nila pagtatakhan ang magiging pagpirma nila. Mayroon na akong inutusang tao para siyang sumama sa sa magkakapatid doon. Gawin mo ang mga ipinagawa ko sayo Alma. Tulad ng nakagawian mo ay gusto kong malinis at pulido ang trabahong ito. Kahit anong gusto mong hilinging kapalit ay makukuha mo." Huminto ang Don. "European Tour? Yan lang? Kahit ngayon ay kaya kong ibigay basta tama ang trabaho mo."
Napasiksik si Rick nang lumayo ang matanda at may binuksan na drawer. Pagkatapos ay bumalik sa kinatatayuan kanina at muling nagsalita.
"Nasa akin ang lahat ng dokumentong kakailanganin nilang bitbitin. Hindi dito sa Pilipinas ang pasok ng pera kundi sa Yekaterinburg dahil ayokong mainbistigahan kung saan galing ang limpak-limpak na salapi na yun. We are talking about Sterling pound, Alma. Kapag dito sa Pilipinas pumasok ito ay bilyon ang halaga. Hindi ko ilalagay sa alanganin ang pangalan ko at ang perang matagal kong iningatan at tinrabaho."
Sterling pound? Wala pa man ay napagtatagni-tagni na ni Rick ang sitwasyon. Ang gustong mangyari ng Don, kung bakit sila nito gustong ipadala sa France.
"Vladimir Agapov?" A signed of recognition in the old man's voice as he spoke the name with familiarity- "Hindi na siya magkakaroon ng interes sa perang yun. Wala na akong koneksyon sa kanya mula nang umalis ako sa kompanya niya. Ang pagtrabaho ko kay Pierre Legrand ay ang huling naging koneksyon namin. At ngayon ay ipapadala ko tatlong Legrand para kunin ang perang inilaan niya ng ama nila para sa kanila. Gawin mong mabilis ang lahat at pagkatapos ng kaarawan ni Eliza ay lilipad sila papuntang France."
Rick's vision blurred with hate. Gustong labasin ang mapagpanggap na Don at pahirapan. Paano nito nagawang pagplanuhan ang lahat ng walang kakurap-kurap gayung napakabait nito sa harap nila.
I will let you suffer for fooling us. Sisiguraduhin kong kakaladkarin ko ang pangalan mo hanggang sa mawala ang lahat ng sinasabi mong trinabaho mo. Labis-labis ang pagpipigil sa galit. Kung literal na uusok ang katawan sa nararadamang pagpupuyos nang oras na yun ay baka napaso na ang matanda.
Ilang sandali ng nakapagpaalam ang matanda pagkatapos ulitin ang mga bilin ay hindi paring magawang lumabas ni Rick mula sa kinatataguan. Inakalang ang pinakamalalang pwedeng gawing kasalan ng taong kumupkop sa kanila ay ang p******************g. Pero tama ang naging desisyon niyang makipagsabwatan kay Eva para mapabagsak ito. His evilness is beyond the limit!
Nilinaw ang isipan upang makapag-isip ng maayos. Paglabas sa kinatataguan ay kinuha ang susing nakalagay sa likod ng mamahaling painting at ginamit upang buksan ang isang drawer. At doon ay bumungad ang nag-iisang brown envelope. Walang pagdadalawang-isip na binuksan at tinignan ang may kakapalang A-four sized paper.
Salubong ang kilay na binasa ang nakasulat sa wikang Frances. Sa tagal ng panahon ay halos nakalimutan na ni Rick paano basahin iyun. Dali-daling inilabas ang cellphone at kinunan ng larawan ang bawat pahina. At hindi miminsang napahinto sa tuwing mababasa ang pangalan nilang magkakapatid pati na ang pangalan ng magulang.
Kinabukasan ay sumama siya sa isang high-end na botique para sa gagawing pagsukat ng susuotin sa party ni Eliza.
"Piliin mo ang anumang design na gusto mo Rick." Magiliw na wika ni Don Alvarez habang nakakawit ang kamay ng asawa nito na akala mo ay maayos ang pagsasama ng dalawa. "Sa tingin ko ay pare-pareho naman kayo ng tipo ng mga kapatid mo."
"Hindi ninyo na dapat ginawa ito." Pilit pina-blanko ang reaksyon ng mukha. Hindi naman lingid sa matanda ang pagkailang rito kaya naman hindi na kataka-kataka ang malamig na pagtugon.
"Narito na tayo hijo. I just want to make amends with all the stress I brought to you and your two brothers. From now on, gusto kong ibalik ang buhay na inagaw ko sa inyo."
Sasagot pa sana rito pero biglang lumitaw ang isang matangkad na lalaki na iisiping straight ninuman dahil sa suot nitong itim na long sleeves at ganun ding kulay na pang-ibaba, at kung hindi lang malambot ang pananalita at pumipitik ang daliri.
"Ellis, darling. It's been a while."
"Bon pomeriggio Enzo. And yeah, it's been a while. You've been busy with the previous Milan fashion show. My late congratulatory." Humalik si Ellis sa kaibigan na inisa-isang kinamayan ang kasama ng dalaga na bahagyang napahinto kay Rick.
"You only have one brother, right?"
"He is not my brother." Agad na tangi at nilingon si Rick. "He is just my father's employee."
"Oh," parang biglang nagbago ang ihip ng hangin at agad itong inichapwera ng baklang designer at nilingon ang mag-asawang Alvarez. "In questo modo, signora e signore." Nagpatiuna ito na sinundan ng nagingiting mag-asawa at ni Riley.
Tumaas ang sulok ng labi ni Ellis at nang-uuyam na tangkang tatalikuran ito pero agad siyang nahawakan ni Rick sa siko.
"Hanggang kailan mo ipagpapatuloy ang pang-babastos mo sa akin? You are acting too much!"
"Too much! Mas malala pa ang ginawa mo sa akin three years ago."
Sandaling inikot ng binata ang mata sa paligid at hinila sa isang tabi si Ellis. "Hindi mo parin matanggap na tinanggihan kita? My God, para sayo din ang ginawa ko. Kahit anong gawin mo ay hinding-hindi pwede ang gusto mo."
Marahas na binawi ang kamay rito. "You think I'm doing this because I haven't move on?" Mahina pero may diin ang tinig. "Stop assuming Frederick Legrand! I'm done with my stupidity. Ang nangyari tatlong taon na ang nakaraan ay dala lamang ng kabataan ko. And yes, I'm thankful for what you did. Imagine, kung pinatulan mo ako eh di naging kasintahan kita." Tinapunan ito ng nang-iinsultong tingin mula ulo hanggang paa. "Ikaw na hamak na tauhan ng Daddy ko."
"Wow! You really know how to choose your words. You really changed a lot. Hindi lang sa panlabas na anyo. I was right when I said that this day will come. Kung ganun pala ay bakit hanggang ngayon ay apektado kapa rin ng presensya ko."
"Because I want you out of my life! Mainit ang ulo ko sayo dahil kapag nakikita kita ay naaalala ko ang kagagahan ko dati. I wasn't furious because you rejected me, ang ikinaiinis ko ay ang pagiging maere mo dahil lang yumuko ako sayo noon. For once Frederick Legrand, huwag kang masyadong dumikit sa akin dahil hindi tayo kailanman naging close." Tinalikuran ito at sinundan ang pinasukan ng mga kasama.
Pagkatapos sukatan ay humiwalay si Rick sa mag-anak na dideretso sa isang mamahaling restaurant para doon mananghalian. Gustong alamin kung ano ang nilalaman ng mga nakitang dokumento kagabi. Pumunta sa isang local translator na nakilala sa isang hinawakang misyon kasama ang myembro ng Black Eagles at ipina-translate ang nakasaad sa kinunan na litrato. Ngayon ay pareho silang nakaharap sa malaking screen ng computer.
"Is this real?" Napapailing ito at hindi makapaniwala.
"That, I'm not sure. Ano ang nakasaad diyan. I know how to read and write French before but I have to re-confirm if I'm reading it right."
"The document is an address to a bank which I guess located in France since it is writtern in the said language. Tungkol sa isang parang mutual funds na nakalagay sa pangalan ninyo at may request na i-transfer yun sa isang lugar sa Russia."
"Yekaterinburg."
Ini-scroll nito ang screen pababa. "I believe so. Parang nabasa ko somewhere else ang lugar na yun. Here," itinuro ang nakasulat. "Man, if this is legit and that you are going there to claim this, even your grandchildren don't have to work." At ipinaliwanag pa ng kausap ang nilalaman ng mga nasa dokumento. "You better take this document and check out if it's legit."
Alam niyang totoo iyun pero nagkuwanri siyang inosente. Kailangan pa niya ng mas madami pang ibedensya. Hindi na siya makapaghintay na makabalik ng Zamboanga para sabihin ang lahat sa dalawang kakambal.
Nang gabing iyun ay tinangkang kunin ang dokumento pero wala na sa drawer iyun. s**t! And now he has to look for it.
Pero sa pananatili nila ng ilang araw sa mansyon ay hindi na muli pang nakapuslit si Rick sa library dahil namalagi doon ang mag-inang Ellis at Eliza upang i-finalize ang nalalapit na kaarawan ng matanda. At naisin mang magpa-iwan at kinailangang umuwi dahil sa naging mensahe ni George tungkol sa emergency na kinasangkutan ni William na ayaw nitong sabihin sa tawag. He wanted him to be there as soon as possible.