Frederick IX: Go with the flow

1794 Words
Pagmulat ni Ellis ng mga mata ay umaga na. She had dreamt again of those crazy acts she did to have Rick's attention. "It was all just a part of the past now," bulong niya sa sarili. Dala ng pangyayari kagabi ay naalala niya ang mga kagagahan niya. Pero hinding-hindi na yun mauulit pang muli. Si Rick ay isa nalang tauhan ng ama ngayon na gusto niyang burahin sa sistema. "You're only affected by the memories. Pero hindi na siya mismo." Bumangon na siya at bumaba. Sa kabila ng hindi magkakasundo ang miyembro ng pamilya ay sabay-sabay pa rin silang kumakain. For the sake of acts! Kung may isang bagay man siyang pinanghahawakan ngayon sa kabila ng estado ng pagtrato ng magulang sa isat-isa ay hindi parin gusto ng bawat ng dalawa na makita ng madla iyun ang totong relasyon bg mga ito. His father is known to everybody as a good provider and a husband. Makakasira sa imahe nito kapag lumabas ang tungkol sa pag-iignora nito sa mommy niya. "Nakontak ko na ang catering at magpupunta sila dito upang tignan ang lugar, Rigo" "Are you asking my permission, Eliza? Pwede mong gawin ang lahat sa pamamahay na ito." "Hindi ko lang gustong mabigla ka kung sakaling biglang may dumating na tao rito. Alam mong hindi ko gustong napapahiya ako." Hindi napigilang huwag mapasulyap sa ina. May time na hindi niya masisi ang ama kung nakakaramdam ito ng disappointment. Minsan ay hindi alam ng mommy niya kung paano manalita ng maayos. "Do you need some help with the planning, mommy?" "Hindi ba't nangako kang tutulungan mo ako?Unless nagbago ang isip mo-" "No, I have not changed my mind." Hindi niya pinatapos ito at ngumiti. "It can be a good bonding for both of us, right dad?" Ngumiti ang Don pero hindi umabot sa mga mata kaya sumamang muli ang timplada ni Eliza. "Ni hindi mo man lang kayo magpanggap." Bulong nito. Inabot niya ang kamay ng ama upang pigilan ito sa tangkang pagsagot. "My designer friend from Milan is in Manila right now. Can we have our gowns and suits from his shop? Let's make this an unforgettable occasion for mommy, please Dad." Nakikiusap ang tinig niya. Nag-alis ng bara sa lalamunan ang matandang Don at ngumiti. "As you like Eliss." Magiliw na bumaling sa ina. "You heard it mom, Daddy will participate and you too kuya." Bumaling sa kapatid. Nagkibit-balikat ito. "Kung ano ang ikasisiya ni mommy ay handa akong gawin, kailan ko ba hindi ginawa?" "Oh, I know you do." Hindi niya gustong patulan ito. "We will make you the happiest person in the world on your birthday, mommy." "Hindi ko alam kung ano ang ipinagkaka-ganito mo Ellis samantalang halata ang pagiging dominante mo sa Malibu bago tayo umuwi. Pero sana ay ipagpatuloy mo dahil gusto kong magkasundo tayong pamilya." "That's what I want too. This will work." Puno ng pag-asa ang mata mng pinaglipat-lipat sa tatlo. Ang buong maghapon at nga sumunod na araw ay naubos sa gustong maging set-up ng ginang para sa party. Si Ellis din ang kasama ng ina sa pakikipag-usap sa mga caterers at orchestra na tutugtog sa mismong kasiyahan. From food to flowers to the center tables, lahat ay may say siya. "Do you think the color will match my gown dear?" Lumukso puso ni Ellis. Dear? Her mother had never call her that kahit noong bata pa siya. Pati ang tono ng boses nito ay napaka-gaan rin. "It will suit you mom, magagaling ang mga kinuha nating staff. They will know the perfect color combination." Nagpatuloy ang ganuong pag-trato ng ina sa kanya sa paglipas ng mga araw. Dumagsa ang mga pumapasyal sa bahay nang maipadala angnnga imbitasyon. Mga malalayong kamag-anak ng mommy niya o mga business associates ng ama. Kaya naman tuluyang nawala ang pagkabalisang nararamdaman dahil kusang dumidistanaya si Rick sa kanya. Right, mabuti at marunong kang lumugar. Tinapunan niya ito ng sulyap bg minsang makita itong nakatingin sa kanilang mag-anak habang nasa Den sila. Isang gabi habang nagpapahangin sa labas ay aksidenteng nakasalubong ng isang babae sa mismong loob ng bakuran nila. "Sunglasses at night? Cool! But who are you?" Tinitigan ng mapanuring mata ang kabuuan nito. Hindi ito sumagot at sa halip ay lalo pang nagbaba ng mukha. Isang ideya ang biglang pumasok sa isip. Humalukipkip at naningkit ang mata. Mukhang patuloy paring nagdadala ng babaeng pagpaparausan nito si Rick. "Hey, I am talking to you!" She said commanding tone. "Wala akong nakitang ibang babaeng staff ni Daddy bukod kay Rin na bodyguard ko. So who are you?" Pagpapatuloy niya at humakbang palapit. "Did the cats got your tongue? Hindi ka ba naturuan na kapag tinatanong ka ay dapat sumasagot ka! Did you know that this place is off limits to trespassers? Sino ang lalaking pinuntahan mo dito? Hindi ka empleyado dito kaya alam kong isa sa mga tauhan ni Daddy ang nagpapasok sayo. And you are even loitering around the house like a tourist. Humanda kayo ng nagpapasok sayo. Come with me!" Tinalikuran ito sa pag-aakalang susunod ang babae pero nang linguning muli ay kumaripas ng takvo sa kabilang direksyon. "Hey, you!" But she was gone. Nagpupuyos ang kalooban niyang sinundan ito. Isang tauhan ng ama ang nakasalubong. "May nakapasok na tresspasser. Sabihan mo silang lahat na maglibot sa paligid." Nagulat ito pero agad sumunod. "The nerve of you Rick to continue your crazy acts even if I already gave you a warning!" "Miss Ellis, saan ka nagpunta?" Salubong ni Rin nang makabalik siya sa loob ng bahay. "Ikaw ang saan nagpunta. Hindi ba ay dapat nasa tabi kita?" Hindi man lang kakikitaan ng anumang pagkailang ang babae. "Nasa loob ka ng bahay ninyo. Kung may dapat akong tignan ay ang paligid kung sakaling may nakapasok na tresspasser." "Yun na nga! Ako miso ang nakakakita sa sinasabi mong trespasser pero dahil wala ka sa tabi ko ay nakatakas." "Ipagpaumanhin mo Miss, sa susunod ay titiyakin kong susundan kita hanggang sa pagtulog mo." Ni hindi man lang ito kakikitaan ng pagkasindak kahit na hayagang itong tinatarayan. "You and your lousy tongue! Hindi mo ako kailangang bantayan haggang sa pagtulog ko!" Umirap rito at nagtuloy sa hagdan. Kinabukasan ay sinabi sa ama ang pangyayari. "Baka naman ay namalikmata ka lang." "Dad, it's impossible-" "Relax, hija. Huwag kang mabahala. Marami akong tauhang nangangalaga sa atin. Kung sinuman ang nakigaw na yun ay hindi na mangingiking bumalik pa rito. I'm sure nagkamali lang siya ng bahay na pinasok dahil wala namang na-report na nawala sa loob ng bahay. Nandito ang Legrand siblings, kaya ipalagay mo ang loob mo sa kaligtasan nating lahat." Naupo siya sa katapat na upuan. "And speaking of them, I have a plan for the three of them.” Gusto kasi nitong bihisan ang magkakapatid na Legrand para sa party. "But they are not a member of the family. Why do you have to do so!" Sabihin pa ay gusto niya talaga magwala lalo at gusto nitong isama sinRick sa pagpunta nila ng Manila para sukatan para sa suite ng tatlo. "It's enough that you are being nice to them!" "Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganito hija, you use to be so close to them. Akala ko ay ikatutuwa mo ang ibabalita ko." Her eyes swayed. Totoo naman kasing may personal na motibo ang pagtanggi niya. Hanggat kaya niyang iwasan si Rick sa pananatili sa Pilipinas ay gagawin niya. That nerve! Hindi parin ito magawang patawarin sa ginawa nito tatlong taon na ang nakararan kung kailan ginawa niya ang pagtatapat sa huling paglakataon. "They had been a very good use to me at gusto ko silang pasalamatan dahil doon. I am planning to send them back to France after." "F-France?" Nakuha ang atensyon niya. "Hindi nga bat orihinal silang taga-doon." Nabahiran ng lungkot ang mukha ng Don. "I wasn't thingking straight when I sent them here. Inalisan ko sila ng buhay." The old man sighed. Tinabihan ni Ellis ang ama at yumakap rito. "No, you didn't. You gave them a life. Imagine kung hindi mo sila kinuha noon, ano nalang ang naging buhay nila sa orphanages. I'm super proud of you daddy. Ipinakita mong hindi lahat ng taong nanggaling sa hirap ay nagiging garapal kapag umaasenso. And you have my full respect because of that." Ngumiti ang Don. "You always shower me with praises, hija. I'm also just a human being and I committed mistakes too." Ngumiti siya at puno ng paggalang na sinalubong ang mata ng ama. "So brave of you to admit your mistakes. Hindi lahat ng lalaki ay kayang umamin ng ganyan. Double respect to you sir." She saluted at sumeryoso pagkatapos. "But I'm still against your plan. I'm no longer comfortable with the Legrands." Napilitan niyang pag-amin. Inilayo siya ng Don, nasa mata pag-aalala. "Have they done something wrong?" Yes, especially Rick. Umiling siya. "No, Dad." She knows that she can easily destroy the three gentlemen but can she do that to them? For real? Hindi naman lingid sa kaalaman ang naging buhay ng mga ito. That they were not supposed to be just a normal employee if their father remains alive. "We just grew apart." "Nagdadalaga kana andI understand your feelings. Hindi mo sila kailangang tratuhing iba. Gusto ko lang silang bigyan ng maayos na pagtrato bago ko sila ibalik sa lugar na pinanggalingan nila. I already spoke to them and Rick will come with us." "Why it has to him!" Pwede naman kasing si William nalang o kaya si George. At talagang ang Frederick Legrand na yun pa talaga nag dadalhin ng ama. "Is there something wrong with him? Bakit parang nahihimigan kong may galit ka sa kanya." Nag-iwas siya ng mukha at kunwa'y pinaglaruan ang petals ng fresh flowers sa side table. "It's not like that. Nagbago na si Rick, he is no longer as gentle as before." "Masyado kang nagiging sensitive. Nag-iingat lang siya at baka iba ang isipin ng mga tao sa paligid mo. They are aware of who you are. Iniisip nila marahil na magiging tauhan mo sila pagdating ng araw kaya mas pinipili nila ang dumistansya." Sana ay pwede niyang paniwalaan ang bagay na yun. Kung sana ay hindi nalang din niya ginawa ang mapangahas na naging pag-aksyon talong taon na nag nakararaan. Baka pwede pa niyang isipin na iyun ang rason ni Rick sa ginawa nitong pagtanggi sa kanya. "Don't worry, hindi mo siya kailangang kausapin kung hindi mo gusto mo. But he will come with us." Pinal na desisyon ng ama. Ellis made a soft sigh. Wala naman siyang ibang magiging dahilan sa ama para pigilan ito. "Don't be upset okay." She forced herself to smile. "I'll try my best not to notice him." "Good girl!" Hinalikan ni Don Alvarez ang bumbunan ng nag-iisang anak na babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD