Frederick V: All because of Frederick Legrand

2313 Words
Ellis wished she will never see him again. No, you had prepared yourself for this, she raised up her chin. Pero ang paghaharap nila ni Frederick ay tila isang signal para magbalik ang maraming alaala sa kanya.Nasa harapan nilang mag-anak ang lahat ng tauhan ng ama upang ipakilala sila ng pormal. And that includes the Legrand triplets na sa paglipas ng panahon ay tila lalong naging matitikas. Staying in the Philippines really suits them well. At kinaiinggitan ni Ellis ang atensyong ibinibigay ng ina sa tatlo. She even hugged each one of them. "No one bothered to tell me that you three are here. Ang alam ko ay nasa Navy Seal parin kayo." Nagkatinginan ang magkakapatid pero hindi sumagot. "No one bothered to tell you because the three of them are not your business Eliza." Si Don Alvarez na hindi napigilang sumagot sa patutsada ng asawa. "Not my business? I took care of them at some point. Hindi mo talaga pinapansin ang mga bagay na ginagawa ko noon pa man." Tumiim ang bagang ng matandang Don. And Ellis knew she has to step up to stop them. "I think we're all tired." Tinignan ang mga tauhan. "All of you can go back to your areas." Masunurin namang sumunod ang lahat. At palihim na sinundan ng tingin si Rick na ni hindi man lang siya tinapunan ng sulyap. The nerve of him! Ang taas ng ilong mo dahil lang nagtapat ako sayo noon? Damn you! "Wala ka talagang pinipiling lugar. Kailangan bang sabihin mo ang lahat ng yan sa harap ng mga tauhan ko." Galit na baling ni Rigo sa asawa. Umingos ang ginang. "Wala akong sinabing masama. Totoo namang hindi ko alam na nandito ang magkakapatid. At ano naman ngayon kung magpakita ako ng concern sa kanila?" Naglakad ito palapit sa naroong sofa at prenteng naupo. "Kung sana ay ginagawa mo iyan sa anak mo ay baka natuwa pa ako." Tumingin ang ina sa kanya. Her face soften, hoping. Pero sa sobrang disappointed ay inalis lang din nito ang mata sa kanya. "Hindi kailangan ni Ellis ang concern ko dahil nandyan ka naman at sobra-sobra pa ang inilalaan mong concern sa kanya. Kapag hiniling ko bang gawin mo yun kay Riley ay pagbibigyan mo ako?" Tinignan ni Rodrigo ang anak na binata. "Nakukuha niya ang lahat ng pribilehiyong pwede niyang makuha. At kung bibigyan niya ng oras ang mga negosyong pagmamay-ari ko imbes na kung ano-anong walang kabuluhang bagay ang pinag-aaksayahan niya ng panahon, di sanay natuwa pa ako sa kanya." Ang tinukoy ay sarkastikong ngumiti na siyang laging ikinakapikon ng Don na tangkang magsasalita pero inunahan ni Ellis. "Can you guys give it a rest? Hanggang dito pa rin ba ang pagsasagutan ninyo?" May pagtitimping awat sa mga ito at pinalipat-lipat ang mata sa ama at sa ina. Sa totoo lang ay naririndi na siya sa pag aaway ng mga ito. Hindi siya dumating sa ganitong punto para lang lalong magkalayo ang loob ng bawat isa. Kung ano ang ipinapakitang care ng isa’t-isa sa publiko ay gusto niyang gawin din nila kahit sila-sila lang. "Please, for once, can we be civil to each other? Kahit yun lang." "Ayusin mo ang magiging selebrasyon sa kaarawan mo, Eliza. Lahat ng access ay nasa sayo. Hindi ko gustong marinig ang mga panunumbat mong nagkukulang ako sa mga dapat ay tinatanggap mo." "Dad..." nakikiusap ang tinig pati na ang reaksyon ng mukha. Hindi sumagot ang Don at dumiretso sa pintuan. Agad siyang binalingan ng ina. "You really know how to silence your father." "Mom, please! Kung gusto ninyong mapalapit kay Daddy ay ayusin ninyo ang pakikipag-usap sa kanya. You won't be able to get what you want if you will continue acting like this." "Matagal ko nang tinanggap na hindi na magbabalik ang dating pagtingin sa akin ng Daddy mo. Ang gusto ko nalang alamin ay kung ano o sino ang binabalik-balikan niya rito sa Zamboanga. At ayokong marinig ang pagkampi mo sa kanya." "Wala akong kinakampihan," she denied her accusation. "Gusto ko lang magkaayos tayong pamilya tulad ng kahilingan ninyo when we are in Malibu. You are the one who made me like this. Bakit parang nagmamatigas naman kayo ngayon?" Humihingi ng saklolo ang tinging ipinukol sa kapatid pero nagkibit-balikat lang ito. "Don't you want it too? Tayong apat, treating each other well and loving each other?" Parehong hindi nagbigay ng opinyon ng dalawa sa sinabi. Hanggang kailan niya pangangatawanan ang kagustuhang maayos ang relasyon nilang pamilya? Nakakapanlumo ang nakukuhang response mula sa bawat isang myembro. Dahil sa sobrang galit ay nauna siyang nag-walk out palabas at dumiretso sa kwarto. Pagbagsak na humiga sa kama at tumitig sa kisame. She's literally pissed off! "Stop being melodramatic Ellis," malungkot na ngumiti. "Tumatanda ka na talaga. You are becoming a little bit mature." Pumikit at nag-relax. Dahil sa naging mahabang byahe ay hindi niya namalayang nakatulog siya. Sa hapunan ay kumpleto ang apat pero walang imikan. Pero mas ipinagpasalamat iyun kesa marinig ang sumbatan at sagutan ng tatlo. Hindi miminsan pinangarap niyang magkaroon ng isang masayang hapag-kainan. Minsan ay napunta sa bahay ng isang Filipino-American na naging kaklase noong high school. The family is just typical. Ang magulang ni Raena ay mga regular employees at may mga kapatid itong maliliit. At nakakatuwang makita ang lahat na masayang kumakain sa hapag-kainan. Each one of them is being asked how was their day was. Hindi niya iniinda ang eksenang iyon noon. But as she grows old, she had been secretly yearning for it. Pagkatapos kumain ay napag-desisyunan niyang magpalipas ng oras sa labas. Nakaka-suffocate ang manatili sa loob ng bahay. Lumanghap siya ng sariwang hangin at inilibot ang mata sa paligid. The big house is surrounded by huge walls. Kung bakit ginawang parang fortress ang lugar ay hindi niya maintindihan. Maybe to avoid trespassers? Baka nga naman kasi may maligaw na mga abu sayyaf. But will they dare to come in? Kilala rin naman ang ama sa buong Zamboanga dahil sa mga philanthropic works nito. Ilang tauhan ang nakasalubong at hindi pumalya sa pagbati ang bawat isa na hindi niya pinapansin. She wanted to be alone. Humantong siya sa isang tila harden. Isang ngiti ang sumilay sa labi ng maalala ang ilang eksena doon. Madami silang masasayang alaala ni Riley doon. Isa iyong tila maze at hindi siya natakot pumasok dahil may maliit na tila lampshade ang nakasabit sa bawat isang kilometrong madadaanan upang magbigay tanglaw sa lugar. "Let's see if you still remember." Lumuwang ang ngiti sa labi. Bigla siyang na-excite. Bata pa lang siya ay hirap na siyang hanapin ang exit ng naturang hardin, titignan lang niya kung kaya naba niya ngayon. Walang pagmamadali siyang naglakad. Hindi nagtangkang mag-tiptoe dahil kahit gawin iyun ay tila lalo pang tumaas ang mga halaman sa paglipas ng panahon. Maybe six feet now. "You won't be branded as smart if you can't solve this simple maze.” Kausap niya sa sarili habang naglalakad. Naalala niyang mayroong bench sa gitna nun. Maybe she can have a rest there. Dahil sa naisip ay lalo siyang na-excite. Umasang na-maintain ng kung sinumang kinuha ng ama ang lugar. Oh, s**t! Nakagat ang hintuturo at lumingon sa pinanggalingan nang sa biglang pagliko ay nakaramdam ng tila pagkaliyo. Bakit parang sa imagination niya ay tila tumataas pa ang maze na kinaroroonan. Don't you dare get lost! Tumingala siya. Natatanaw pa rin niya ang bahay at naagaw ang pansin ng isang parte nun. The moon is so bright at natatanglawan nun ang isang bintana. Is that a room? Ngayon niya lang nabigyan ng pansin iyon. Simula ng tumuntong siya ng highschool ay dumalang ang pag-uwi nila sa Zamboanga. At kung mauuwi ng Pilipinas ay sa Manila sila naglalagi. Unless magpupunta ang ama rito at nagpipilit siyang sumama dahil kay Rick. Naputol ang nasa isip nang makarinig ng tila paghagikgik ng isang babae hindi kalayuan sa kinatatayuan. Nawala ang konsentrasyon sa tinitignan at sinundan kung saan iyun nanggaling. Parang kinikiliti ang kung sinuman may tinig na iyun. "Napakapilyo mo talaga. Ilang araw mo lang akong hindi nakita ay ganito kana kasabik sa akin, ahhh-ooh!" Pinanlakihan siya ng mata. Hindi niya gusto ang mga ungol ng babae na parang nahihibang. Are they making out? Pipihit na sana siya pabalik ng marinig kung sino ang sunod na nagsalita. "You are so hot Eva! You never fail to turn me on." Nag-init ang tenga at hindi namalayang humakbang ang paa palapit sa mga ito. Bumungad ang dalawang magkapareha na halos hubot-hubad na. Rick is on his brief at ang babae ay naka-panty na lang showing her two breast na ang isa ay hawak ng lalaki. Hindi napigilan ang pag-akyat ng lahat ng dugo sa ulo. "Kulang ba ang pinapasahod ni Daddy sayo para dalhin dito ang babae mo at dito niyo pa talaga ginagawa yan?" Pinatigas niya ang mukha at tumingin ng diretso kay Rick. Napahinto ang dalawa na ang babae ay napasigaw at sa sobrang pagkataranta ay ni hindi alam kung ano ang unang tatakpan sa hubad nitong katawan. "E-Ellis?" "What a promising welcome you have for me." Mula sa mukha nito ay hinayaang maglandas ang mata pababa sa katawan nito. Wide-broad chest and abs. Mukhang naalagaan nito ang katawan kahit na nakatambay lang ito sa bahay. Si Rick ay lihim na napamura. "Magbihis ka Eva at umalis ka muna." She looked at the woman."Oh, you don't have to feel shy. Hindi naman ikaw ang unang babaeng nakita kong ginagawa yan kasama ang lalaking yan." "Lalaking yan?" Ulit ni Rick sa sarkastikong tinig. "Masyado na bang mahaba ang tatlong taong lumipas para makalimutan mo ang pangalan ko?" "And who are you again for me to remember?" She acted clueless and then smile. "Ah yeah, Frederick Legrand is it not? Sorry, masyado ngang mahaba ang tatlong taon para maalala kita. My bad." She gave him a mischievous smile. Pero hindi apektado ang lalaki at nilingon ang katabi na tinulungan magbihis. Nabura ang ngiti sa labi ni Ellis at nag-iwas ng mata. She felt that sharp pang of pain in her heart. Imposible! Na-outgrow na niya ang pagkakaroon ng crush niya dito noon. "Umalis ka muna Eva." Doon lang literal na tinapunan ng tingin ang babae. And yeah, she's very far from her. Sa kabila ng pagiging anak ni Don Rodrigo Alvarez at sa pagiging maalwan sa buhay ay hindi niya nagawang gawing tulad ng babae ni Rick ang sarili. The woman is drop dead gorgeous. Para itong isang modelo mula sa pananamit at sa pustura. At hindi mukhang basta-basta. "Alam ba ng Daddy kong may ginagawa kang kababalaghan sa lupain niya?" Hinarap siya ni Rick pagkatapos makaalis ng kasama nitong babae. "Anong gusto mo Ellis?" Anong gusto ko? I am not even sure on what I want anymore. "Wala. Na-realized ko lang na marahil ay nagwawaldas ng pera ang Daddy ko sa mga taong hindi naman karapat-dapat makatanggap nun." Rick made that sarcastic smile na hindi maintindihan ni Ellis kung bakit hindi pumapalya ang dating sa kanya. "I'm sorry at nadatnan mo kami sa hindi kanais-nais na sitwasyon. Hindi mo dapat nakita yun." "You mean while you are f*cking that woman?" She grimaced. "Come on Rick, that's normal nowadays. Hindi ko lang inaasahang makikita ko iyan dito mismo sa lupain mamanahin kp pagdating ng araw ko kaya ako nagulat. But what's wrong with that? Hindi ikaw ang unang lalaking nakita kong nakahubad." Nag-umpisa itong magbihis. "Hindi ko gusto ang lumalabas sa bibig mo." "Am I being too frank and brutal? I remember someone told me that he hates inexperienced woman." Pinilit niyang huwag lumabas ang totoong emosyon sa mga mata. Rick will never know that she's still the same. Nagkataon nga lang na literal na inalam niya ang tungkol sa pre-marital s*x pagkatapos nitong sabihin sa kanya na isa sa mga dahilan kaya imposibleng patulan siya nito ay dahil sa pagiging walang karanasan. Sobra siyang nasaktan dahil doon noon. At kung hindi lang sa takot sa magiging disappointment ng ama ay baka matagal na rin niyang nagawa ang bagay na yun out of curiosity. "Alam ba ng ng Daddy mo na ang pinakamamahal niyang unica hija ay natutulog na sa kama ng ibang lalaki?” "Oh I don't sleep in someone else's bed. I f*cked them everywhere!" Pagkasabi ay tumalikod dahil kung hindi ay baka makita nito ang pamumula ng mukha sa mga pinagsasabi niya. Pinigilan siya nito at pinaharap. "Wrong answer senorita, you didn't f*cked them, they f*cked you." Ngumisi ito. Agad na kumislot ang puso niya kaya naman binawi niya ang kamay mula rito. Rick raised both of his hands. "Hindi mo kailangang magalit." Dinuro ito na tinabig ng binata. "Don't you ever dare lay your dirty hands on me! Baka mahawa pa ako ng sakit dahil sa kung sino-sinong gingamit mo!" "You are still inexperienced." There was a full amusement in his eyes as he gazed down at her. "Ano!" Gigil siya sa nakikitang pagkislap ng mga mata nito. "Hindi mo kailangang sumigaw at baka isipin nilang may ginagawa ako sayo." Rick stepped back, his hands are still up. "Hindi ka mahahawa ng kung anumang sinasabi mo sa simpleng paghawak ko. Unless gusto mong ituloy natin ang pinutol mong eksena namin ng kasama ko." Sabihin pa'y pinanlakihan ng mata si Ellis. Pero bakit may maliit na parte ng puso niyang umaasam na mangyari iyun. Shut up! Ipinagtulakan sa likod ng isip ang maliit na boses na yun. You are not helping at all! "In your dreams Frederick Legrand. Ikaw ang pinakahuling lalaking gugustuhin kong makasama sa paggawa ng bagay na yun. After what I saw! Sa tingin mo ay aasamin ko pa yun kasama ka!" Hindi na niya hinintay na makasagot ito at dali-daling tinakbo ang paalis ng lugar sa iyun. Ipinagpasalamat na kagyat na nahanap ang exit ng maze. Nang huminto sa pagtakbo ay saka lang napansin ang mabilis na pagtibok ng puso. All because of Frederick Legrand!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD