Pagdating sa loob ng kwarto ni Ellis ay napaupo siya sa kama at napatitig sa kawalan dahil sa tagpong dinatnan at kasunod ay ang komprontasyon nila ni Rick. Saka lang napansin ang panginginig ng mga kamay.
"You are shaking because you are upset. Walang iba pang rason. He doesn't deserves your admiration. Ang lalaking katulad niya ay hindi deserve na pag-ukulan man lang ng kahit na katiting na atensyon manggagaling sayo!" Tumaas-baba ang dibdib habang naniningkit ang mga mata. Pero kahit sabihin sa sarili iyun ay hindi pa rin siya kumbinsido. Napatitig siya sa kawalan. Hindi inaasahang magbabalik ang mga ala-alang gusto na niyang ibaon sa limot upang hindi na siya masaktan ng ganun sa tuwing makikita itong may ginagamit na ibang babae.
Her visions became blurry. At parang isang kurtina ang nahawi sa harapan at tila nakikita ang sariling repleksyon siyam na taon na ang nakararaan. The first day she realized that she likes Frederick Legrand.
She was ten when that particular memory happened. Nasa park siya ng village na unang tinirhan sa New Orleans at katatapos lang i-bully ng mga American teenagers na namamasukan sa exclusive school na pinag-aaralan dahil sa pagiging Asian. Ang isa pa nga ay hindi nakuntento at itinulak siya kaya nagkaroon ng sugat ang tuhod...
Ellis was crying on the sidewalk when Rick passed by on his way to Alvarez's residence.
"What are you doing here by yourself, senorita?"
Napilitan siyang mag-angat ng luhaang mukha at napatitig sa lalaking matikas na nakatayo sa harapan. Frederick Legrand. One of the Legrand triplets na kinalakihan niyang nakatira sa bahay nila. The three of them left there home when she was six or seven to train for the military.
Halos magkamukha ang features ng mukha ng magkakapatid na madalas ay ikinalilito ng mga tao sa bahay nila. Pero hindi niya matiyak kung bakit kilalang-kilala niya ang nasa harapan at hindi maipagkamali sa dalawa nitong kapatid. William has soft eyes while George is always serious with a little bit of hostility in his eyes. But Frederick is somehow mysterious. A mixture of two brothers but somewhat different to them. And Ellis is very fond of him.
Not until he came back from the military. Ang naging unang pag-uwi nito ay hindi maganda para sa kanya. He became harsh! Halos hindi nga niya malapitan dahil sa pagiging moody nito. And sabi ng mommy niya ay dahil iyun sa pinagdadaanan nitong training. The triplets became different from how they used to be or at least sa pagtrato sa kanya. May mga mumunting alaala kung paanong inaaliw siya ng tatlo noong bata pa siya. But that was long time back.
Nilingon niya ang likuran nito.
"George and William are not with me. They went straight to your house. Are you with Riley?" Inikot ng bente tres anyos na binatang si Rick ang paligid at hinanap ang binanggit.
"He left me."
"Left?" Lumalim ang gatla sa noo nito. "I don't understand what you mean."
"You are in the Philippines, right? Mommy told me that you went there." Humawak siya sa batok dahil sa pagkakangalay sa pagkakatingala rito.
"That was two years back. We didn't stay there long." Bumaba ito upang magpantay ang mukha nilang dalawa. "Hindi ko alam na interesado kang alamin kung nasaan kami."
"You are my older brothers. You used to chase away those bullies." Pagsusumbong niya.
"Dapat ay si Riley ang gumagawa nun. Hindi ka dapat niya iniwan dito mag-isa. We are not your real brothers Ellis, you should know that by now. Nagdadalaga kana. Look at you, you've grown prettily for the last three and a half years since I last saw you." There was adoration in Rick's eyes as he looks at her.
"But you are like brothers to me. Mommy took care of the three of you. And you lived with us before."
"Nagbago na yun ngayon."
"I don't understand." Ipinilig niya ang ulo. Hindi pinagtakhan ang straight Tagalog nito dahil sa lumaki silang mandatory na nagsasalita sila ng naturang wika sa bahay lalo at majority ng mga kasambahay at tauhan ng ama ay mga Pinoy.
"You should understand it by now. Hindi pa ba sinasabi sayo ni Eliza kung ano kami sa bahay ninyo? We are servants of your father."
"Servants? Katulad ng mga ibang katulong sa bahay?"
Ngumiti ito na nagpalambot sa ekspresyon ng mukha nito. "A male version maybe. Pero hindi gawaing bahay ang gagawin namin. We are going to protect you. Lalo kana, you are the princess."
Ellis pouted. "A princess who gets bullied most of the time. At may peklat na sa tuhod ngayon." Pinalis niya ang natuyong luha sa gilid ng mata at may pag-aalalang tinignan ang sariling tuhod.
"Kaya kaba umiyak dito?" Inabot nito ang paa niya at sinipat ang sugat sa tuhod na nakalitaw dahil sa suot na shorts. "Magagalit ang Daddy mo kapag nakita niyang may sugat ka."
"Do not tell anyone!"
"At bakit?"
Napakurap ang sampung taong si Ellis. "They will blame Kuya Riley. And he will hate me."
"Why would he?"
Nag-iwas siya ng mata. Hindi niya gustong ipaalam ang nagiging pagtrato ng kapatid sa kanya nitong nakaraan. Na nagagalit si Riley sa kanya dahil sa mga papuring natanggap niya sa ama dahil sa mga matataas na grade sa school. Being born and raised in the Philippines until he was five, medyo hirap ang kuya niyang mag-cope up sa paligid lalo at bago sila mag-US ay nag-Russia pa ang magulang at kapatid.
And she was born smart. Natural sa kanya ang madaling matuto. At ayon sa ama ay pareho sila nito na mahilig magbutingting ng mga bagay-bagay. That somehow he can see himself on her. At hindi iyun nagugustuhan ng nakatatandang kapatid.
"You can tell me about it." Untag ni Rick.
Dumako ang mata rito at napatitig sa gwapo nitong mukha. He looked like a typical Westerner. Ang bulong-bulungan sa kanila ay full-blooded French ang magkakapatid kaya ganun ang features ng mukha. A prince-like! And then Rick smiled at her. That's when she realized that her heart starts to beat so fast. Nakaramdam rin siya ng pangangapal ng pisngi at pag-iinit ng tenga. Shocked at her own feelings ay napatayo siya bigla. "I'm going home." Nagtangka siyang humakbang pero bumuway siya dahil sa masakit pa rin ang kanang paa sa pagkakatapilok kanina.
Mabuti nalang at agad siyang nasalo ni Rick at walang kahirap-hirap siya nitong binuhat. "I'll carry you."
"I-I can walk." She protested trying to hide her face.
"Hindi ka mabigat Ellis. Though nag-uumpisa ng magkaroon ng laman ang katawan mo."
"I don't get what you mean." She looked away. Bakit ba bigla siyang nailang na magkalapit ang mga mukha nila samantalang kinakarga pa nga siya nito noon. Hindi nakaligtas sa ilong ang swabeng amoy nito. He smelled like cool waters. Iyun ang isa sa mga paboritong pabango ni Riley pero iba ang dating sa ilong dahil si Rick ang gumamit. At amoy araw na siya sa maghapong pagtatambay sa labas. She is not supposed to be playing with kids pero doon siya iniwan ni kapatid dahil sumama ito sa ilang kabarkada. And she was left alone in the park. "My wound won't stop bleeding."
"Yeah, we have to stop it." Sang-ayon nito.
Huminto sila sa isang bakanteng bench at maingat siyang inilapag ni Rick. Pagkatapos ay ibinaba ang dalang malaking backpack at kinalkal iyun.
"You look so great with your uniform." Bigla niyang komento.
"Sinabi mo na rin iyan last time. Aren't you getting tired of it? Sa tuwing makikita mo ako ay puro papuri ang nakukuha ko mula sayo."
"Because you are my favorite person in the world." Nang sabihin iyun ay tinapunan ito ng matamis na ngiti.
Natigilan naman si Rick sa paglabas ng isang isang malinis na panyo mula sa bag dahil sa sinabi ng dalaga.
"You are way better than Kuya Riley," Ellis continued. "He hates me for everything I do. Unlike you who always care so much about me. William and George are nice too but not like you. You never hesitate in showing that you care."
Napailing naman si Rick at inabot ang isang binti ni Ellis pagkatapos ay tinalian ang sugat.
"I always miss those times when you are still at home."
"Temporary lang ang naging pagtira namin sa inyo. Kahit ang pagdalaw na ito ay dahil parin sa utang na loob namin sa Daddy mo."
"You've become more and more different." Pagbibigay niya ng opinyon. "You don't have to think like that. Daddy said he decided not to literally adopt you because he wants you to have your surname as a commemoration of your deceased father."
"You talk maturely despite your age."
She took it as a compliment. "I have to. I'm turning eleven soon.”
"Eleven pero umiiyak dahil sa sugat." Ibinaba na nito ang paa niya at sinipat kung tama ba ang ginawang pagtali ng panyo doon. "Does it still hurt?"
Umiling siya. "I'm just worried that it might leave a mark. Hindi na ako makakapag-shorts kung sakali."
"Modern technologies are now a trend. I have a feeling na hindi dahil sa sugat kaya kita nadatnan umiiyak. Hindi ko natanong kung napano ba yan." Tinignan nito ang paa niya at nasa mata ang panghihinayang sakaling magkaroon ng peklat iyun.
"They bullied me," she answered right away.
"You still experience that until now?" Dumilim ang mukha nito.
"Less than before but it is still happening. I learned how to handle them when you left. I was forced to fight for myself."
"Sino ba ang matitigas na ulong mga bata na yan na hindi pa rin humihinto hanggang ngayon. Gusto mo bang balikan natin sila." Tumayo ito at isinukbit ang bag at umaktong parang lulusob sa gyera.
Napatayo siya at hinawakan ito upang pigilan. Ni hindi siya umabot sa mga balikat nito. "T-They are no longer a kids."
"What do you mean?"
Napilitan tuloy siyang magtapat ng totoo nangyari. Kung paano siya na-bully dahil lang hindi siya pwedeng may-boyfriend. At labis na nagalit ito. "We should report them, that's harassment."
Tumanggi siya. "They were just bunch of teenagers, a little older than me.Hindi ko sila gustong patulan but they told me that no one will like me because I'm Asian." Hindi sinasadyang mahaplos niya ang sariling balat. Dahil doon ay madalas siyang napapansin ng iba. Her tan skin separates her from the rest of the people her age. "They said I should go back to where I came from."
"They just hate you because they are jealous of you."
"You think so?"
"One day you'll realize how beautiful your color is." Pinasadahan ni Rick ang kutis ng dalaga partikular sa leeg. Napalunok kaya naman agad inalis ang mata doon at ibinalik sa magandang mukha ni Ellis. "Nangingibabaw lang yan sa ngayon dahil bata ka pa at hindi yun maiintindihan ng ibang mga kaedad mo. But once you get older, makikita mo ang inggit sa mata ng mga nambubully sayo. And you can have hundreds of suitors who will fight to get your attention."
Parang biglang may sumuntok sa puso niya dahil sa sinabi nito. Bigla ang pag-dagundong nun na parang nilalamukos pero ang weird dahil hindi siya nasasaktan. "I wish I can have a boyfriend like you Frederick. Someone who will look at me like how you are gazing at me right now."
Si Rick naman ang biglang natigilan. Hindi ito aware sa sinabi ng dalagang Alvarez. Ganun ba ito titigan? He had been looking at her the same way as he did a few years back.
Ellis decided to continue. "If the time comes, I will look for someone like you. Or can you be my boyfriend once I grow older?" Nakangiti siya habang nakatingala rito.
"You don't know what you are saying." He was caught off-guard.
"I do! A boyfriend is someone you want to talk to when you are sad. And I like talking to you. I told you, you are my favorite person in the world!"
"Hindi lang yan ang dahilan kaya ka magbo-boyfriend. Alam kong nasa America tayo at uso ang makipagrelasyon sa maagang edad. But I don't recommend you to have one right at this moment. Hindi kapa tapos sa paglalaro mo ng mga barbie hindi ba?" Inumpisahan siya nitong alalayan at dahan-dahan silang naglakad.
"I can play with my barbie and still want to talk to you. I like you a lot."
Napapailing ang binata ."You just like me because I used to protect you with other bullies before. At inuulit ko, hindi dahil diyan kaya ka makikipag-relasyon. Take this advice from someone who's as old as me."
Huminto si Ellis sa paglalakad at humarap rito. "Say whatever you want to say, but I've decided that I like you. Then and now, nothing has changed between us. You still care for me and you are my favorite person in the world."
Sandaling naghinang ang mga mata nila habang pababa ng haring araw. And that was the first she realized that she likes Frederick Legrand as a man. At itinuring ang pangyayaring iyun bilang unang beses na pagtatapat rito.