Frederick VII: The flashback

2299 Words
Napag-alaman ni Ellis na nitong mga nakaraang taon ay nanatili si Rick sa Pilipinas kasama ng dalawang kapatid sa bahay nila sa Zamboanga. And as much as she wanted to go there, she became too busy in school. At ngayon ay magbabakasyon silang lahat sa bahay nila sa Antipolo sa sobrang excitement dahil imbitado ang magkakapatid na Legrand. Nang araw na magtapat siya ng damdamin ay sinabihan siya ni Rick na pagtinging kapatid lang ang nararamdaman niya. It happened a few days after that scene in the park, bago ito bumalik sa SEAL. And now that she's fourteen, she wants to know what his answer is! Sa nakalipas na taon ay tanging ito lang ang itinangi ng puso. Hinahanap-hanap niya sa mga lalaking umaaligid ang katangiang nakita niya sa binata. That soft side na madalas ay sa kanya lang nito ipinapakita. "Are you going somewhere?" Isang tanghali ay tanong ni Riley habang nasa sala siya. Doon siya nakatambay upang hintayin ang pagdating ng magkakapatid mula sa Zamboanga. "I'm not going anywhere, why did you ask?" Pinasadahan nito ang suot niyang halter dress kung saan nakalitaw ang makikinis niyang balikat. "Bakit ka nakapustura?" Tanong nito. "It's always better to always be prepare. Baka biglang may dumating na bisita si Daddy." Pagdadahilan pero hindi naman talaga yun totoo. Sa tuwina'y may pumupuntang mga business associate ang ama sa bahay nila, at hindi exemption ang pagpaparoon nila sa Pilipinas. Pero ni minsan ay wala siyang pakialam kung abutan man siyang nakasuot ng pajama. "Are you going somewhere?" Balik-tanong rito nang makitang bihis na bihis din ito. "Lalabas ako kasama ng mga kaibigan ko." Umahon ang pagtutol sa mukha niya. "Daddy said you cannot go out." Sa katunayan ay kinumpiska ang mga cards nito dahil sa bagsak na grado sa huling pasukan." Kaya nga nilapitan kita para hiramin ang card mo." "M-My card?" "Oo. Hihiramin ko lang naman at sabi mo nga'y hindi ka aalis. I cannot wait for mom to come back. My friends are already outside the subdivision." Uamsim ang reaksyon ng mukha "And what made you think that I will lend you my card? Dad confiscated yours for a reason!" Pagmamatigas dahil hindi niya gustong madamay sa galit ng ama dito. "Stop doing this Riley. And who are this friends of yours? Sino ang magiging kaibigan mo dito sa Pilipinas gayong hindi naman tayo dito nakatira." "I have a group of friends who can travel the world just to be with me. Isang bagay na wala ka dahil hindi mo gusto makipagkaibigan sa ibang mga tao." Nasaktan siya sa akusasyon nito. "I have friends approved by dad." Pagak itong tumawa. "Hanggang kailan ka magiging sunod-sunuran sa daddy? Hindi mo ba nakikitang ginagamit ka lang niya?" "Stop it! He is your father too. He's trying to help me become a better person that you can't be! Kaya hindi mo makuha ang simpatiya niya dahil puro sakit ng ulo ang ibinibigay mo.” Hindi nagustuhan ni Riley ang sinabi ng kapatid kaya inilang hakbang nito ang pagitan nila at iniumang ang kamay. Napaatras si Ellis. "I have too much of you! Masyado kang mapapel kay daddy kaya nasayo ang simpatya!" "He is our father for christ's sake! Kung kinukuha ko ang simpatiya niya, yun ay dahil gusto ko siya paluguran sa lahat ng bagay. He is providing everything for us. Dapat ay ang paluguran din ang gawin mo hindi ang bigyan siya ng sakit ng ulo." Nahimasmasan naman ito at ibinaba ang kamay. "Do whatever you want, at gagawin ko rin ang gusto ko. Now give me your card." Mariing utos nito. "I-I don't want!” Nagsukatan sila ng tingin. Hindi dahil nagkukuripot kaya siya nagmamatigas. Wala namang mawawala kung ipapahiram niya hinihingi nito, pero hindi lang gustong lalong magalit ang ama rito. Her father is very much involved with whatever is happening in her life. Hindi man siya literal na pinagbabawalan sa maraming bagay ay naka-monitor ang lahat ng ginagawa niya. Minsan ay ginamit niya ang card sa isang international online shop at nagulat siya nang tanungin ng ama kung ano ang binili. That's when she figured out that all her actions are being watched. Hindi naman yun big deal sa kanya dahil alam niyang walang masamang intensyon ito. "So, pati ikaw ay pinag-kukuriputan na rin ako ngayon!" Naningkit ang mata nito. "Hindi pagkukuripot ang tawag doon. Please Riley, hindi pa bumababa ang galit ni Dad sayo. Kapag pinahiram ko sayo ang card ko ay aalis ka na naman and who knows when are you planning to come back. Why don't you just stay at home and try to reflect on what you did." Tumikwas ang kilay nito. "Kahit anong gawin ko ay hindi ko makukuha ang simpatiya niya.” There was an obvious distaste in his voice as he started ranting. “Did you know why? It's because of you Ellis. Kinukumpara ka niya sa akin. Sa paningin niya’y ikaw lang ang magaling." "T-That's not true." Sinabayan ng pag-iling ang sinabi. "You can also do the same thing by trying." He winced. "As if I still care." Patalikod itong nagmura bago muling nagsalita. "Umakyat ka ngayon din sa kwarto mo at kunin ang credit at debit card mo." "N-No." Patuloy na pagmamatigas kahit na nga ba nangingilag na siya rito. Hindi pa siya kailangan pinagbuhatan ng kamay nito at hindi gugustuhin mangyari yun ngayon. But she can’t allow him to leave. "Don't try to play with me Ellis!" Dinakma nito ang balikat niya at hinawakan siya ng mahigpit. "Y-You are hurting me!" Sindak siya nang maramdaman ang pagbaon ng daliri nito sa balat. ""R-Riley!" "Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo sinusunod ang sinasabi ko." May pagbabanta sa tinig nito. "I said let go of me nasasaktan ako ano ba!" Sinubukan niyang kumawala mula rito pero mahigpit ang pagkakahawak sa kanya. Sa katunayan ay lalong humihigpit yun habang nagpupumiglas siya. "Huwag mong hintayin kaladkarin kita paakyat sa kwarto mo bago mo ibigay ang hinihingi ko." "Over my dead body! You are going out of your line. O-Ouch!" Pinabigat ang paa upang hindi siya makaladkad palapit sa hagdan. "Mas matanda ako sayo kaya dapat ay sinusunod mo ako." "Wala kana sa rason!" "Bakit hindi mo siya bitawan Riley tulad ng hinihiling niya." Sabay pa silang napalingon sa may pintuan. Doon ay nakatayo ang magkakapatid na Legrand. Humihingi ng saklolo ang mata ni Ellis na tumingin kay Rick. "What do you think you're doing to your sister Riley," hindi maipinta ang itsura ng tanong ni George. "The infamous Legrand triplets!" Nang-uuyam na saad nito. "Why do you think will I listen to any one of you? Stay out of this because it is none of your business!" Muling hinarap ang kapatid. "Let go of me! You are hurting me!" Hinampas Ellis ang kamay ng kapatid. May pakiramdam siyang magkakaroon ng pasa iyun mamaya. "Stop hurting her!" Si William na hindi napigilang mangialam na rin at akmang lalapit nang pigilan ito ni Rick. "Shut up!" Nag-dirty finger si Riley sa tatlo na pare-parehong napatiim-bagang. Maging si Ellis ay sobrang nagulat sa ganoong pag-ako ng kapatid. Riley is going out of his line. Dahil sa labis na pagkagulat ay wala siyang nagawa ng hilahin siya papunta sa unang baitang ng hagdan. At kung hind nakabalanse ay baka nasubsob na siya sa muntik ng pagkakatapilok. "Aakyat tayo sa kwarto mo at ibibigay mo sa akin ang hinihingi ko." "I can't! Magagalit lang si Daddy sayo lalo." Laking gulat niya nang makita sa sulok ng mata si Rick sa tabi nila at agad kwenelyuhan si Riley. "Rick!" Halos magkasabay na tawag ni William at ni George. "Bitawan mo siya!" May pagbabanta sa tingin nito habang masakit ang tingin ipinukol kay Riley. Nasukol ang huli at walang nagawa kundi bitiwan si Ellis na napasinghap sa bilis ng pangyayari. "Wala akong pakialam kung anak ka ni Don Alvarez but you will not treat your younger sister like this! Isang beses ko pang makikitang ginagawan mo ng ganito ang si Ellis ay makakatikim ka sakin, naiintindihan mo!" "Let go of me! Asshole!" Kumawala ito sa pagkaka-kwelyo rito. "Sino ka ba sa tingin mo? Kapatid ko si Ellis at isa ka lang tauhan na binabayaran ng daddy ko! I repeat, stay out of this and mind your own business." Muli siya nitong binalingan pero agad siyang nagtago sa likod ni Rick. Sa nanginginig na boses ay nagsalita. "I can't give you want you want Riley. It's for your own good." May himig pakiusap ang tinig niya. Tangka na naman siyan aabutin nito pero humarang si Rick! "Subukan mong ulitin ang ginawa mo sa harapan ko. Hindi ako manginging saktan ka! And you know the trainings that I've been through." Ngumisi pero nasa mata pa rin ang pagbabanta. "Damn you bastard! May araw ka rin sa akin." Pagkasabi ay tumalikod ito at umakyat ng hagdan. Saka lang bahagyang nakahinga si Ellis at pinagpasalamat ang pagdating ng magkakapatid sa tamang oras. Inihanda niya ay isang matamis na ngiti pagharap ni Rick pero dagli iyung nabura nang makita ang madilim nitong mukha. "Bakit ka pumapayag na tratuhin ka ng ganun ng kapatid mo. Have you informed your father about this?" She cleared her throat. "Hello to you. Aren't you going to say hi first before anything else?" Sabay na humakbang sina Willam at George palapit sa dalagita. "She's right, hi to you Ellis. You've grown big for the last few years. How old are you now?" Si George. "Fourteen, turning fifteen." She posted that sweet smile on her lips. "That fast!" Si William. "Parang dati ay nalala kong naglalaro ka pa sa labas ng bahay ng alikabok. But look at you now." Pinasadahan nito ng tingin ng suot niya. "You're becoming ladylike. You must have a boyfriend now. Kaya ka ba pinapagalitan ni Riley?" "Hindi siya pinapagalitan ng kapatid niya." Singit ni Rick na nanatiling madilim ang mukha. "What does he wants from you. Hindi ka niya sasaktan ng ganun kung simpleng hindi pagkakaintindihan lang ang nangyari sa inyo. Don't tell me that he's been acting like that for the couple of years." Naalala ng binata ang naging eksena apat na taon na ang nakararaan. Mukhang hindi magkasundo ang magkapatid. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Rick ang tungkol sa rivalry ng dalawa. Madalas ay naririnig mula sa ibang mga tauhan ng Don ang pag-excel ng dalagita. At ikinababahala naman ng iba na baka dumating ang araw na si Ellis ang mamahala ng lahat ng mga ari-arian ni Don. And that she might not be able to continue his father's legacy lalo na sa mga maruruming gawain ng matanda na kamakailan lang ay unti-unting napag-aalaman dahil sa patuloy na pagbabalik-balik nila sa naturang bahay na kinaroroonan ngayon. "Your brother is having some temper. Mukhang nagbibinata. Habaan mo ang pasensya mo Ellis." Tinapik ni George ang ulo bago magtuloy sa isang pinto. “We just had a misunderstanding. That's it, don't worry." Pagtatanggol kay Riley na kay Rick nakaharap. Parang may twinkle twinkle little star ang mga mata habang nakatingala rito. Hindi nagustuhan ang naging pag-akto ng kapatid pero hindi ito ipagkakanulo. Siguro nga ay natatakot siya sa pwedeng gawin ni Riley pero mas nangingibabaw ang care para rito. Hindi pa rin siya sumusuko na magkakasundo silang dalawa. "Are you sure?" Paniniyak ni Rick. "Sure am." Isang matamis na ngiti ang ibinigay rito at umaktong cute sa harap nito. Now that he's in front of her, whatever happened in the last few minutes was all gone with the wind. Ang pagsusuot ng bestida ngayong araw ay dahil darating si Rick. Gusto niyang ipakita na nagbago na siya kahit papano. Na nagdadalaga na siya. Baka sakaling makuha ang sagot na pinagkait nito sa kanya noon. "Let's go bring our things inside." Si William na sumunod sa pinasukan ni George. Tangkang hahakbang rin si Rick pasunod nang pigilan niya. "Where are you guys going?" Gulat na tanong. Inaasahan niyang aakyat ang mga ito sa taas kung saan naroon ang mga silid. "Hindi kaba na inform Señorita? Hindi na kami tumutuloy sa sa mga kwarto sa bahay. We occupy the rooms at the back. Employee's staff room." "W-Why?" Nanlaki ang mata niya. "Like what I told you four years ago, we are not a part of your family. Mga ordinaryong tauhan na lang kami ng Daddy mo ngayon." "B-But he treats you differently." Sa katunayan ay kasabay parin ang mga itong kumakain sa hapag-kainan sa naging huling pagkikita nila. ‘But that was four years ago,’ sabi ng isipan. "Because he uses us for different purposes." "Uses? That's not what he told me. He said that the three of you are special. "Rick raised one of his eyebrows as the corner of his lips twitched. "Is that what he told you? Then believe him." Nagsimula itong humakbang na ito papunta sa pintong tinahak ng mga kapatid. Humabol siya. "Did you think about what I told you last time?" Huminto ito sandali at lumingon. "About what?" She blushed. Did he really forget about it? Hindi napigilang sumama ang loob. Sa bawat kaarawang dumadaan ay palagi niyang naiisip ang pagdating ng araw na ito. "I-I said, if time comes that I decide to have a boyfriend I want it to be you." Lumalim ang gatla sa noo nito. "Are you out of your mind?" Bahagyang tumaas ang tinig ng binata pero maya-maya din lang ay umiling. "Iisipin kong hindi ko narinig mula sayo ang bagay na ito." Tumalikod muli at dumiretso palabas ng pintong nilabasan ng dalawang kapatid. Hindi na siya nagpilit sumunod rito. "He's probably tired because of the long journey." Ipinagkibit-balikat ang nakuhang coldness mula rito. Saka na lang niya ito kukulitin tutal ay dalawang linggo naman ang inilaan nilang bakasyon sa Pilipinas. Before they go back to America, she will force him to give her an answer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD