bc

Looking for Love

book_age18+
683
FOLLOW
2.8K
READ
others
friends to lovers
arranged marriage
playboy
goodgirl
twisted
bxg
lies
secrets
like
intro-logo
Blurb

A detective-romance story with a twist of suspense and comedy.

Drake has been a long-time womanizer. He never thought of going into a serious relationship again. He was in a bad romance with her ex-girlfriend, Violet Chua, who cheated on another guy.

Up to this date, he is a well-known detective who owns his firm, handling multiple cases. One of the requests he is currently handling is to search for the runaway heir of Kim's clan.

He will go to the province and find Sharlotte Kim, but he lost the only picture he had for his lead. He needs now to find the heir through his instincts and talent.

Nevertheless, Drake will find associated with a nerdy type of woman, that little did he know, the girl she is finding all along.

When betrayal, lies, and secrets hold between the blooming romance of Drake and the Sharlotte in disguise.

Can love conquer their imperfections? Does love enough to keep their trust build their relationship?

chap-preview
Free preview
Prologue
MASAYA ako dahil sa wakas pumayag na rin si Kim na mag-dinner kami sa labas. Ilang beses ko na rin naman kasing inaayang lumabas pero puro ang tanggi niya sa akin. Ito ang unang pagkakataon na pinaunlakan niya ang alok ko sa kaniya. Simula ng mapadpad ako sa lugar na ito siya ang kauna-unahang babae na nakilala ko. Lagi kaming magkasama at siya rin ang naging kaibigan ko na taga rito sa Cebu. Siya rin ang nag-iisang tour guide ko dahil nga kailangan kong malaman ang lahat ng pasikot-sikot sa lugar na ito para mapadali ko ang paghahanap sa anak ni Mr. and Mrs. Kim. Alam ko na mahahanap ko rin siya, dahil hindi naman sa pagmamayabang marami na akong investigation na hinawakan pero wala pa rin akong paliya. Patungo na ako sa bahay nila Kim ng tumunog ang phone ko na nasa kaliwang bulsa ng pantalon ko. Kaya naman agad ko itong dinukot. Isa sa mga tauhan ni Mr. Kim ang tumatawag kaya naman sinagot ko agad. “Hello,” sagot ko sa kabilang linya. “Sir, nagsend na po ulit kami ng larawan ni Miss Sharlotte,” saad ng nasa kabilang linya. At oo humingi ulit ako ng kopya ng litrato ng babaeng hinahanap ko para mapadali ang trabaho ko at mag-enjoy sa lugar na ito kasama si Kim. “Okay, thanks,” saad ko at pinatay na ang tawag. Mamaya ko na lang siguro titignan pagdating ko sa bahay nila Kim. Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating ako sa bahay nila Kim. Pinarada ko na muna ang kotse ko, at binuksan ang email ko. Isang magandang babae na may magandang ngiti, at napakaganda ng hubog ng katawan. Tinignan ko pa ito ng ilang segundo. Nang matapos ako sa pagmememorya sa mukha ng babae na hinahanap ko ay bumaba na ako ng kotse ko at dumeritso na sa bahay nila Kim. Sakto namang bukas ang pinto nila tumawag muna ako kaso walang sumasagot kaya naman pumasok na lang ako. Hindi naman kalakihan ang bahay nila pero napakaganda ng pagkakaayos at mukhang moderno ang pagkakadisenyo nito. Umupo ako sa may sofa nila Kim, at hindi ko nadatnan doon si Aling Tina. Kaya naman kumuha na lang ako ng isang libro na nakapatong sa may lamesita at tinignan ito habang hinihintay si Kim na lumabas. Abala ako sa pagtitingin ng libro nang bigla na lang lumabas ng kwarto niya si Kim na bagong ligo at nakapambahay lang ito na damit. Nang dumapo ang mga mata ko sa mukha niya ay gano’n na lang ang gulat ko ng makita ko siyang walang eye glass na suot at walang kahit na ano mang make-up sa mukha. Ilang minuto pa akong napatitig sa kaniya at kita ko rin ang gulat sa mukha niya ng makita niya ako. Siya yung babae na nasa larawan kanina. Ayokong maniwala sa nakikita ko ngayon at hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Nang biglang may magsalita sa likuran ko. “O Drake hijo,” bati sa akin ni Aling Tina at lumapit sa akin pero hindi ko pa rin tinatanggal ang paningin ko kay Kim. Bigla akong napabalik sa realidad, hindi ako makapaniwala sa nakikta ko. Tumayo na ako. “Aling Tina una na po ako,” paalam ko sa kaniya at nagmamadaling lumabas ng bahay nila. Patuloy lang ako sa paglalakad at hindi ko namalayan na may sumusunod sa akin. “Wait Drake, let me explain,” kinakabahang sabi niya sa akin at hinawakan ang isang kamay ko. “Ano ’to Kim?” inis na tanong ko sa kaniya. Alam niya ang pakay ko sa lugar na ito at siya ang kauna-unahang tao na pinagsabihan ko no’n pero anong ginawa niya niloko niya lang ako pinaniwala niya ako sa sarili niyang kasinungalingan. “Please Drake pakinggan mo naman ako,” pagsusumao niya sa akin. Galit ako at ayoko sa lahat ay ang ginagawa akong tanga. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at pumasok na sa loob ng sasakyan ko at pinaharurot ito. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta napadpad na lang ako sa isang malawak na isla. Bumaba ako ng kotse at doon ko binuhos ang lahat. “PUNYETANG BUHAY ‘TO! BAKIT LAGI NA LANG NILA AKONG NILOLOKO!” sigaw ko para maibsan ang galit na nasa dibdib ko. Nagtiwala na ako sa kaniya e… akala ko iba siya sa lahat. Siya lang ang babaeng pinagkatiwalaan ko ulit. Pero bakit niya nagawa sa akin ‘to? May mali ba sa akin kung bakit lahat na lang ng taong minamahal ko ay niloloko ako. Madalang na nga lang akong umibig ganito pa ang kalaalabaasan. Nakakasawa na talagang maging matino dahil kung kalian ka nagbabago doon ka niloloko. At kung kalian hulog ka na doon mo malalaman ang totoo. Ba’t niya nagawang itago sa akin ang pagkatao niya? Bakit hindi niya sinabi sa akin na siya pala ang babaeng ipinunta at hinahanap ko sa lugar na ito. Masamang tao ba ako para hindi pagkatiwalaan? Oo alam ko na f**k boy ako, na marami na akong pinaglaruan na babae. Pero hindi ko maitatanggi na sila ang nagturo sa akin kung paano maging ganoon. Alam kung nagkamali ako na sisihin silang lahat dahil sinaktan ako ng isang babae na pinakamamahal ko noon pero bakit pati si Kim ay nagawa rin akong lokohin ng ganito. Kung kalian may nararamdaman na ako para sa kaniya, sa ganitong sitwasyon pa kami hahantong. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko man pakinggan ang side niya pero hindi ko pa kaya sa ngayon dahil sa totoo lang galit ako. At ayokong makipag-usap na may galit akong nararamdaman dahil hanggang kaya kong pigilan ang galit ko pipigilan ko para lang wala akong masabing hindi maganda, at para hindi rin ako makapanakit ng damdamin ng iba. Isang oras din ang tinagal ko sa lugar na iyon ng maisipan ko nang umuwi sa bahay. Sayang ang araw na ito, akala ko magiging masaya ang araw ko ngayon nagkamali pala ako. Ito pala ay isang katotohanan na sasampal sa akinupang magising ako sa reyalidad at pigilan ang nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko kailangan paandarin ang puso ko at ang nararamdaman ko sa kaniya dahil kailangan kong tapusin ang misyon ko sa lugar na ito. At siya ang misyon ko na kailangan kong ibalik kung saan siya at kanino siya nararapat. Ito na ata ang kauna-unahang misyon na naranasan ko at napakahirap para sa akin. At misyon na kailangan mong pumili. Ayoko man siyang ibalik sa taong nakatakda sa kaniya pero ito ang nararapat. Pag uwi ko ng bahay na tinutuluyan ko rito sa Cebu, ay nagulat ako ng makita kong nakatayo sa harap ng pinto si Kim. At parang kanina pa ito naghihintay, kita ko sa kaniyang mukha ang pangamba. Pero iwinaksi ko ito sa aking isip. Hindi ko kailangan magpadala sa babae na ito dahil isa rin itong manloloko. “Drake,” sambit niya ng makita niya ako. Binuksan ko na ang pinto at nasa tabi ko lang siya. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng bahay at naupo sa sofa gano’n din naman ang ginawa niya. Hindi ko siya pinapansin at tinitignan ng bigla siyang magsalita. “Alam kong napakalaki ng kasalanang nagawa ko sa’yo. Pero sana naman mapatawad mo ko at nakikiusap ako sa iyo na wag mo akong ibalik sa Manila, please Drake,” pagmamakaawa niya sa akin habang may luhang dumadaloy sa kaniyang mata. Tinignan ko siya, kita ko ang takot sa mukha niya ng sabihin niya ang lugar na tinakasan niya. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang umuwi sa kanila. Naaawa ako sa kaniya pero kailangan ko siyang ibalik kay Mr. and Mrs. Kim kaya naman napa-isip ako. Nakipag-ayos ako sa kaniya at hindi sinabi sa kaniya ang balak ko. Sabay kaming naghapunan at hindi niya alam na nilagyan ko ng pampatulog ang inumin niya kaya naman ng matapos kaming kumain ay agad rin siyang inantok at nakatulog. At iyon na ang hudyat para ibalik ko siya sa kanila. At sana lang hindi ko pagsisihan ang naging desisyon ko na ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.1K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook