AGAD din akong nag-ayang umuwi, dahil naiilang ako na kasama si Drake. Hindi ko alam na makikita namin ang mga ito roon. Panay ang daldal ni Violet, at dalagang ang arte nito lalo na kapag nagsasalita. Kaya siguro naiinis sa kaniya si bes, dahil sa kaartehan nito. Hindi kami masyadong close, dahil una pa lang ay alam ko na wala naman pakialam sa akin. Ganon rin naman ako sa kaniya, mabait akong tao kung mabait sa akin. Una naming pagkikita ay tinatarayan na ako nito kaya naman, simula noon ay hindi koi to kinakausap. At ayokong maging malapit sa kaniya, dahil silang magpapamilya lang naman ang may gusto nitong kasal na ito. Lalong-lalo na ang kapatid niya, pero wala akong magagawa. Dahil nandito na ito, kaya kailangan ko na lang pakisamahan ang kapatid niya. Hindi ko nga alam kung ano a

