KINABUKASAN ay maaga akong pumasok ng opisina, dahil tumawag ang sekretarya ko. Marami akong kailangan asikasuhin ngayon kaya naman wala akong nagawa kong hindi ang magtungo agad doon. Ayoko rin magmukmok dito sa condo ko kakaisip kung ano ang gagawin ko para mapigilan ang kasal ni Sharlotte. Nang makita ko siya kagabi ay tila nakaramdam ako ng saya at awa. Dahil kita sa mukha nito ang lungkot. Tila parang pumayat rin ito. Biglang sumagi sa isip ko ang mga mamasayang araw namin sa Cebu na magkasama. Iyong walang problemang iniisip basta masaya lang kaming dalawa. Kailan kaya mauulit iyon? Naisip ko ang sinabi sa akin ni Ajus noong isang araw kung ano ang plano nito. Ang kaso nagdadalawang isip ako sa balak niya na iyon, dahil baka pati ang trabaho niya ay madamay. Hay bahala na nga bast

