CHAPTER 38: PARUSA Higit kanino man, si Roxanne ang nakakaintindi at nakakaalam ng totoong nangyari. Kaya matibay ang katwiran niya na hindi tama ang ginawang parusa ni Zeph kay Ranz. Kahit saang anggulo tingnan ng dalaga, hindi niya makita kung saan banda naging patas ang kanilang leader. "Hal, sinabi ko na sa 'yo...wala ring kahahantungan ang pag-aapila mo. Nakapagdesisyon na si Zeph at tanggap ko naman ang ibinigay niya." Mabilis ang nauuna sa paglalakad ang dalaga, tila ayaw magpapigil sa kanyang nobya na pilit siyang hinahabol para pahintuin sa paglalakad. "Hal!" Sa wakas ay nahawakan na ng binata ang kamay ng kanyang nobya. Natigil nga sa paglalakad si Roxanne. Maharas itong lumingon sa kasama. "Tanggap mo kasi hindi ako damay sa parusa. Hindi mo nakikita ang mali kasi para sa

