CHAPTER 30: HE DIED Isang pagpapakamatay ang sumugod sa laban na wala manlang dalang armas. Kanina pa galit na galit si Michael kay Zeph dahil hindi sila makaganti sa kalaban dahil wala silang dalang baril pareho. "Ano ka bang klaseng miyembro ng sindikato, wala kang dalang baril?!" singhal ng agent sa kanya. "Paano mo 'ko poprotektahan na kutsilyo lang ang dala mo?! Huwag mo sabihing may kapangyarihan kang tunawin ang balang lalapit sa 'yo?!" patuloy nitong reklamo. Kanina pa naririndi si Zeph sa pananalita ng kasama niya. Alam niya naman na dapat talaga ay may dala siyang baril, pero may kung anong pumipigil sa kanya na hindi dapat siya humawak ng baril. Minsan na siyang nakahawak nito sa unang misyon niya sa loob ng Pistol's Tribe, at hindi niya talaga nagustuhan ang naramdaman niya

