CHAPTER 40: PAG-AMIN Zeph's POV Mabuti na lang at kumalma si Tyron, nagawa ko siyang ayain na umuwi muna sa bahay namin. Habang naiwan naman sina Zild, Roxanne, at Ranz sa MCU. Binilinan ko sila na bahala na muna sila sa pag-asikaso roon. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa sinapit ng pinsan ko. Ngayong nasa liwanag na kami, nakikita ko na ng malinaw at malapitan ang itsura niya. Awang-awa ako sa kalagayan niya ngayon dahil pansin ko sa mata niya na hindi siya nakakatulog ng maayos, pansin din sa mukha niya ang lungkot, at pumayat din siya...malamang hindi siya nakakakain ng maayos mula nang umalis ako. Ayoko nang usisain pa ang mga nangyari sa kanya mula nang umalis ako dahil ayokong maging dahilan pa 'yon ng pag-alala niya sa mga sakit na naranasan niya. Hihintayin ko na la

