-Minah's POV- Hanggang ngayon wala pa rin akong ebidensya na si Rae Ahn nga ang sumaksak kay Mhea. Pero kung hindi man siya, alam ko na may kinalaman siya sa mga nangyayari. Gusto ko siyang tanungin pero hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Rae Ahn Calling... "Hello Rae?" ba't naman siya napatawag? "M-minah. P-please help m-me. I-I need y-you." "Rae Ahn! Anong nangyari?! Nasan ka?!" shete kinakabahan ako. "N-nandito ako sa resthouse namin sa Batangas. D-dito ko na lang sasabihin. P-please puntahan mo ko." Ano bang nangyari? Parang naiiyak siya na ewan. "Hintayin mo ko!" kakauwi niya lang at hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari? Lagi na lang napapahamak 'yung mga kaibigan ko. Last time si Lorie muntik ng masagasaan buti na lang at nahatak namin siya ni Morie dahil kung hindi

