-Xander's POV- All I can feel now is anger. Galit na ang namamayagpag sa puso ko. Bakit sa lahat ng tao siya pa. Bakit ikaw pa? Pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana? Ganito ba talaga dapat? Ano bang nagawa kong kasalanan? Bakit sobra-sobrang pasakit ang nararamdaman ko ngayon? Dalawang buwan na kitang hindi nakakausap. Gusto ka nang makita nila Mom. Dalawang buwan na pala. Dalawang buwan ko nang hindi nakikita 'yung magaganda mong ngiti. Dalawang buwan na pala. Pero bakit parang ang tagal. Pakiramdam ko sampung taon na kitang hindi kasama. Dalawang buwan na pero pakiramdam ko sobrang tagal. Dalawang buwan na pero habang tumatagal mas sumasakit. Dalawang buwan na ang nakalilipas. "Chelsea , miss ka na namin." Unti-unti nang tumulo 'yung mga luha ko. Hindi ko mapigilan na malungkot

