-Blake's POV- Minah Calling... Bakit naman kaya napatawag ang babaeng 'to? Hindi rin naman siya pumasok kanina. Kahit nag-aalinlangan ay sinagot ko pa rin 'yung tawag. "Hello? Why did you ca--." bigla akong napatigil nang ibang boses ang narinig ko mula sa kabilang linya. Halos maibagsak ko ang cellphone ko ng marinig ko ang sinabi nito. Mabilis akong kumilos at kinuha agad ang susi ng kotse. "Bro san ka pupunta?" tanong ni Adrian. "Emergency!" 'yun na lang ang nasabi ko at tuluyan ng lumabas ng condo ni Adrian. Isang pulis ang tumawag sa akin at sinabi niya na muntikan na raw pagsamantalahan ng mga tambay si Minah. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero parang gusto kong magwala at manapak. Pagdating ko sa presinto, nadatnan ko agad si Minah na nakaupo sa isang sulok

