-Minah's POV- Nandito na ako sa room, pero wala pang masyadong tao at wala pa rin 'yung lima, late ba sila o sadyang napakaaga ko lang pumasok? Hanggang ngayon gumugulo pa rin sa isip ko 'yung mga nangyari noong nakaraang araw. Tila ba sunod-sunod ang dating ng mga taong gustong sumira sa akin. Hindi ko na malaman kung ano ang gusto nila sa akin. Ang posisyon ko ba? Pero sa tingin ko hindi lang 'yun ang kanilang dahilan. Dahil bad trip ako ngayon naisipan ko na lang na mag-cut ng classes, tinatamad na ako at baka 'yung mga nakapaligid pa sa akin ang mapagbuntungan ko ng galit ko. Sa mall na lang siguro ako magpapalipas ng oras. Inayos ko na ang mga gamit ko at pumunta na sa sasakyan ko. Bubuksan ko na sana 'yung pinto ng may mapansin akong box sa tapat nito. Walang nakalagay na pa

