Chapter 13

2150 Words
“Do you want to buy something?” Napasulyap ako sa kaniya nang magsalita siya. Nasa kalagitnaan kami ng biyahe. It was already three in the afternoon. “Wala. Gusto ko nang umuwi . . . sa bahay ko.” “You can’t,” tipid na sagot niya na kinatahimik ko. I know. Nakarating kami sa bahay na pinagdalhan niya sa akin. Seconds before I step out of his car, napaisip ako. Now that I am here, hindi kaya maghinala siya kapag wala pang Rene na bumabalik sa mansion niya? What if Kuya Rommel tells him? I have to make Damon trust me. I have to assure him na hindi na ako tatakas at kayang-kaya ko na siyang pakasalan. Kapag hindi pa ako nakahanap ng paraan, I will definitely escape so he wouldn’t doubt. Bumaba na ako at pinanood siyang binubuhay ang mga pinamili niya. Pinauna niya akong pumasok pagkatapos niyang buksan ang pinto. “Prepare yourself. We’ll have something to do.” “Hmm? Saan naman? Kung saan-saan mo na lang ako dinadala.” Okay, I have to behave. I have to act. Kung kinakailangan ko siyang lambingin, gagawin ko until he fell for my trap. “Will you stop asking?” Ang lalaki na ito, kung magsungit ay daig pa ang babaeng nireregla. “Ang sungit. Magsama kayo ni Trigon mo. Pareho kayo!” I hissed and immediately did what he told me to. Pagkatapos ay lumabas na rin ako at naabutan ko siyang may sakbat na rin na bag. Mayroon pang ilan na inaayos niya. Saan ba kami pupunta? Hindi na lang ako nagtanong dahil baka bugahan na niya ako ng apoy. Nang makalabas kami ng bahay ay dere-deretso ako sa kotse niya sa pag-aakalang sasakay kami roon, ngunit napamaang ako nang nakatitig lang siya sa akin habang salubong ang kilay. “What?” mataray na tanong ko. Ano na naman? Bakit ba parang ang init ng ulo niya sa akin? Ako dapat ’yong galit, ’di ba? “Where are you going?” My lips parted as I felt my face turning red. “Sa kotse. ’Di ba tayo sasakay?” He shook his head in disbelief. Nagulat ako nang magsimula siyang maglakad papunta sa likod ng bahay, bitbit ang isang traveling backpack at ilan pang bags na hindi ko alam kung ano ang laman. Malapit nang magdilim at nandito naman ako, nangangapa kung ano ba talaga ang mga balak niya sa buhay niya. Nakasimangot akong humabol hanggang sa makarating kami sa likod-bahay. I thought doon lang kami, pero nagulat ako nang tahakin namin ang likurang bakod. Binuksan niya ang gate nito at nilakihan ang pagkakabuka nito bago lumingon sa akin. He signed me up to go on first, so I did. Tumigil ako at nilingon siyang isinasara ang gate bago naglakad palapit sa akin. Tahimik kaming nagpatuloy. Kahit kating-kati na akong magtanong ay hindi ko na ginawa. We walked silently in the middle of the trees until we reached the end . . . and to my surprise, it was a valley. I mean, para siyang bangin pero ang nasa ibaba niya ay city. Tanaw rito ang liwanag mula sa nagtataasang gusali. Mataas itong lugar at may malawak naman na space. “Why are we here, Damon?” “We’ll spend the night here.” Napatitig ako sa kaniya while he’s putting the bags down. Naglatag siya ng tela at naglabas ng basket mula sa isang bag na dala niya. Nakita kong mga pagkain at inumin ang laman no’n. Sinilip ko ang mga pagkain and it was more on chips, fruits, at may ilan ding for dinner na nakalagay sa medium size three-layered food box. Hindi ko pa makita ang laman noon pero naaamou ko and I think it was a grilled meat, steak perhaps. “You mean, mag-camp tayo rito?” He nodded his head. “Bakit naman?” “I see you’re bored, so I’m doing you a favor,” iritado niyang sagot. Hindi ko naman siya kinulit. Naupo ako sa tapat niya at pinagmasdan ang tanawin mula rito. The moon and stars shone brightly, kaya mas lumiwanag sa kinaroroonan namin. Wala sa sariling napalingon ako kay Damon. Nakatukod ang kaliwa niyang kamay sa lupa samantalang ginagamit niya ang kabila sa paghawak ng beer. Ipinatong niya ang kaniyang kaliwang binti sa kanan niyang nakaunat. Ngumisi ako nang maalala ang binabalak ko. Pasimpleng lumipat ako ng upo sa tabi niya. Hindi siya kumibo pero hinayaan niya ako. I tried to lean on his shoulder, ngunit napasubsob ako nang mabilis siyang umiwas. “What the hell are you doing, Katherine?” “Sasandal lang! Ang damot mo. Para kang hindi future husband ko.” Kumunot ang noo nito. “Don’t touch me.” “Ang arte mo! Bakit hindi?” “I am controlling myself.” Ako naman ang kumunot ang noo sa sinabi niya “Controlling? Wow. Parang wala kang ginawa sa akin kagabi, a.” I saw how his eyes darkened. “As much as possible, I don’t want to do something to you without your permission. I don’t want that to happen again.” Natulala ako sa sinabi niya. While sipping his drink, he continued to stare forward. Niyakap ko ang aking magkabilang tuhod at pinatong ang baba ko rito. “Aren’t we going to see Trigon again?” out of the blue na tanong ko. Nakarinig ako ng tila nayuping lata. Nagulat ako nang lingunin ko siya. Nayupi na ang can ng beer niya at natapon ang natitirang laman nito sa kaniyang kamay. He was staring at me—no, scratch that—he’s glaring at me and in his eyes, pakiramdam ko, nagkaroon ng storm surge. “What?” naguguluhang tanong ko. “Why do you want to see him again? Do you like him? Do you want to be his woman?” Nanlaki ang mga mata ko sa akusasyon niya. “Anong sinasabi mo riyan? Hindi ko siya type!” “Not your type but you want to see him? Nice try.” “Selos ka?” Binangga ko ang balikat niya, trying to tease him pero pinukol lang niya ako ng galit na tingin. “Why would I be jealous?” Kumuha siya ulit ng beer and this time, inabutan na niya ako na agad ko namang tinanggap. “I just want to ask him something.” “Why? Am I not enough to answer your question?” “Argh! Alam mo, nakakairita ka talaga! Ayaw mo ako magtanong sa kaniya pero sa tuwing magtatanong ako sa ’yo, nagagalit ka? Ang gulo mo!” sigaw ko sabay lagok ng beer sa inis. “What are you going to ask him then?” “Paano kayo nagkakilalang dalawa?” Napansin kong natigilan siya. Naging matigas ang anyo niya at tila hindi niya gusto ang tanong na ’yon. Why? “Better not to ask that because he won’t tell you anything, especially if I am the one who’s involved.” I rolled my eyes on what he said. “Bakit ang dami mong ayaw sabihin sa akin. Ayaw mo ring sagutin ’yong mga bagay na may kinalaman sa akin. Bakit kailangan mo akong pakasalan? May inheritance ka ba na kailangan makuha kaya kailangan mo mag-asawa? Did my parents sell me to you? Do you want our business?” Nilingon niya ako. “I told you, you don’t have to know.” “Ang daya mo,” I whispered. Natahimik kaming pareho at nagpatuloy sa pag-inom, until we decided to eat dinner. Pagkatapos kumain ay nagtayo siya ng tent. Nagulat pa ako na dalawa iyon. Ayaw ba niyang tabi kami? Bumalik siya sa inuupuan namin kanina after niya magtayo ng tent. He continued drinking and I just checked the inside. May latag iyon, may kumot, at unan. I was about to leave when something caught my attention. Sumulyap ako kay Damon at tahimik lang itong nakamasid sa siyudad habang umiinom. I took that thing and realized that it was his wallet. Binuksan ko iyon and I saw a picture. Tinitigan ko ito. Nakasuot siya ng college uniform at may katabing lalaki. Nakilala ko iyon dahil na rin sa asul nitong buhok. It’s their college picture. Para silang magkapatid ni Trigon sa ayos nila rito. Halatang mahalaga sila sa isa’t isa. May ayaw si Damon na sabihin sa akin. Maybe, hindi talaga siya ’yong tipo ng tao na mahilig magkuwento ng tungkol sa kaniya. Now, I am really curious. “Katherine . . .” Naibalik ko ang wallet sa tent at tumungo na sa tabi ni Damon. Napansin kong nakakarami na siya ng naiinom. “Hindi ka pa ba matutulog? Mukhang napaparami na ang iniinom mo.” “This beer is useless.” Halata ngang hindi siya tinatamaan. Kalmado siya ngayon. Hindi ko maiwasang hindi siya titigan. Parang lagi na lang ang lalim ng iniisip niya. I saw how he licked his lower lip, which made me swallow hard. Damn, that’s too sexy to see. Napainom ako ng beer nang wala sa oras at umiwas ng tingin. “You’re a mafia,” I started. “Trigon told you about that?” “Yeah, pareho kayo.” “I am not just a mafia. I am the boss. I kill people. I have no mercy. I live in darkness.” Bakit parang kumirot ang dibdib ko nang mabakas ang pagdaan ng sakit at lungkot sa mga mata niya? “I am not a good person. I don’t deserve you.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Lintek! May tama na yata siya ng alak! “Then why? Why don’t you let me go?” He chuckled. That shocked me. Isa pa, ang mahinang tawa niyang iyon ay puno ng lungkot at sakit. “I’ve waited for you to be mine. I’ve waited enough. If doing such an evil thing will make you mine, I am willing to be Satan’s successor to his throne in hell just to have you.” I thought it’s because he wanted to use my parents’ business to do his illegal business. I heard it. Was he fooling me? Hindi ko alam kung ano ang totoo sa mga sinasabi niya. Narinig ko kung bakit gustong-gusto niyang ikasal kami. “Damon . . .” Humarap siya sa akin at nakita ko kung paano bumaba ang tingin niya sa mga labi ko at tumitig doon bago umiwas ng tingin. “Tang ina, bakit ang ganda mo?” I held my breath because of shock! Nagsalita ulit siya ng Tagalog! Bumilis ang t***k ng puso ko. Namumungay na ang mga mata niya at napapansin kong tila inaantok na siya. I was drinking my can of beer when he lay down on my lap as his pillow. Kahit gulat ay sinamantala ko ang pagkakataon habang nakapikit siya at pinagmasdan ang kaniyang mukha. Medyo pula na ang pisngi at tainga niya. Namamasa na ang kaniyang labing bahagyang nakaawang. Lumakas na naman ang kalabog ng aking dibdib nang makita ko nang malapitan kung gaano siya kaguwapo. I didn’t know what’s wrong with me when I lifted my hand to touch his face. Dinama ko ang init ng balat niya na nagdulot ng nakakuryenteng pakiramdam sa akin. Why does my heart start to beat for him? I held my breath when his eyes slowly opened and pierced me. Tila nang-aakit ang kaniyang labi kaya sa huli ay hindi ko rin napigilan ang sarili at kusa ko siyang pinatakan ng halik. Nang matauhan ay kaagad akong lumayo at sinalubong ang nagtataka niyang mga mata. I thought he would say something, but he just reached for my hand. Pinagsalikop niya iyon at pinatong sa dibdib niya hanggang sa unti-unti na ulit siyang pumikit. Damon slept on my lap, clutching my hand while I watched the city lights. My free hand was stroking, brushing, and feeling the smoothness of his hair on my fingers. I never thought something like this could possibly happen to us. I hated Damon. I hated him the moment Kuya Kael told me I was getting married to him. Pero bakit pakiramdam ko, parang nawawala na ’yon? He did something awful to me. He pointed a gun at me. He was always sulky. He threatened me. He locked me with him. He had so many women. Kaya bakit nararamdaman ko ito ngayon? I was supposed to hate him my whole life. I was supposed to despise him because he’s nothing but a devil. I was supposed to be hard on him because he’s going to take away my freedom. Is it normal to hate and feel something strange towards someone? Is it normal to be interested in his life—his past or story? Is it normal to feel your heart beating erratically towards a man you are supposed to avoid? Damon. What have you done for me to feel this way? You’re my heart’s enemy; however, I found myself falling deeply.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD