Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nag-stay ni Damon sa gano’ng posisyon, until he woke up and immediately lifted himself. Para itong natauhan na dumistansya sa akin. “Let’s sleep inside the tent.” Pinagmasdan ko siyang tumayo at tumungo sa tent niya. Dismayado akong sumunod at napasulyap pa sa tent ni Damon bago pumasok sa akin. Hindi ako dinalaw ng antok. I remained awake for I didn’t know how long. Pinakinggan ko ang katahimikan ng paligid. I am not used to this kind of place. Nasanay ako sa maingay. Nasanay ako sa maraming tao. Pero bakit pakiramdam ko, napakadali lang para sa akin ang magustuhan ang ganitong klase ng katahimikan? Sa tingin ko, hindi ako makakatulog nito. Bumangon ako at binuksan ang tent upang pagmasdan ang kalawakan. Nang hindi mapalagay ay tumayo ako at nag

