Chapter 15

2302 Words
Time changes—it really does, right? I couldn’t clearly remember the first time I met Damon. All I could remember was the moment I was cursing him. Now, I just realized that it’s already been a month. I had come this far and I couldn’t believe I felt different. It’s not the same anymore and I could smell pain—I could smell it coming for me for an unknown reason. Pinasok ko ang mundo ni Damon para humanap ng ebidensya na magtatakas sa akin palayo sa puder niya, pero bakit ngayon ay parang ayoko na? Bakit ngayon, ang hinahanap ko na ay dahilan para manatili sa tabi niya? Hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis nagbago ng nararamdaman ko. Bakit pagdating kay Damon, ang bilis-bilis, pero kay Chrome na ilang taon kong nakarelasyon, hindi ako kailanman nakaramdam ng ganito? After ko mag-shower ay kaagad na rin akong nagbihis ng simpleng khaki trouser na pinaresan ko ng white collared blouse. Medyo okay na ang pakiramdam ko. Although it’s still sore, I could handle the pain now, unlike earlier. Maingat akong bumaba at tumungo sa kusina. I caught Damon preparing the breakfast he cooked. He was arranging these on the table. Hindi ko maiwasang hindi manibago sa kaniya. Hindi naman kasi ito ang inaasahan ko nang dalhin niya ako rito. “You okay?” tanong niya. Bakas ang pag-aalala sa boses niya kahit wala akong mabakas na emosyon sa bughaw niyang mga mata. “Yeah, better than earlier,” sagot ko. Pinasadahan ko ang inihain niya at kagat-labing umupo para magsimula nang kumain. Ang akala ko ay sasabayan niya ako, ngunit nadismaya ako nang makitang aalis siya ng kusina. “Hindi mo ba ako sasabayan?” tanong ko bago pa siya tuluyang nakalabas. Nilingon niya ako saglit. “I have to call one of my people.” Tumango naman ako habang pinapanood siya na tuluyang lumabas sa kusina. Is it about his other business? Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon. Kumain ako nang masama ang loob. Hindi ko alam kung bakit bigla akong naging sensitive. Dati naman ay halos isumpa ko siya habang pinagsisilbihan ko siya. Speaking of . . . Nahinto ako sa pagsubo at naibaba ang kutsara nang maaalalang pumasok nga pala ako sa mansion ni Damon bilang cook at isa sa kaniyang mga katulong. How will I admit it to him? How will I explain? Magagalit kaya siya? Tinapos ko ang pagkain at ako na ang naghugas ng mga ’yon. Nahanap ko si Damon sa sala pero abala pa rin ito sa pakikipag-usap sa kaniyang cell phone. Umakyat ako sa kuwarto niya dahil pakiramdam ko ay roon ko gusto mamahinga. I lay down on his bed and sniffed his bedsheet and pillow. It smelled like him. Ang bango! Kontento na sana ako roon nang biglang nadako ang mga mata ko sa side table. May nakita akong isang itim na envelope. Bumangon ako at sumulyap sa pinto para tingnan kung papasok ba si Damon pero mukhang abala pa ito sa pakikipag-usap. Inabot ko ang itim na envelope at marahang binuksan iyon. Kumunot ang noo ko nang makita ang mga larawan ng isang hindi pamilyar na babae. May mga larawan ito sa bawat anggulo at bawat lugar na napuntahan niya. Mabilis ang ginawa kong pagbubuklat sa stolen pictures nito. Biglang umasim ang pakiramdam ko. Who the f**k is this woman? Bakit pinakuhanan siya ng ganito karaming pictures ni Damon? Muntik ko na iyong punitin kung hindi ko lang narinig ang mga yapak ni Damon palapit sa kuwarto niya. Kaagad kong binalik ang pictures sa envelope at sa kung saan ko ito kinuha. Mabilis akong humiga sa kama. Nagngingitngit ako sa galit. Ayoko siyang kausapin. I just don’t want to. Not now. “Are you still sleepy?” he asked, and I didn’t give him a response. Hindi na siya nagsalita pa. Narinig ko siyang pumasok sa kaniyang bathroom. I shut my eyes firmly. Naiinis ako. Parang pinipilipit ang bagay na nasa dibdib ko. Ayoko mang aminin pero napakaganda ng babaeng nasa larawan—para siyang isang modelo. I couldn’t help but feel insecure. Buong buhay ko, hindi ako kailanman na-insecure. I had enough confidence, until I saw the woman on the pictures. What the heck is with her and Damon? Who is she? Naramdaman kong lumabas na si Damon sa bathroom, dahilan para imulat ko ang aking mga mata. Nasagap kong lumapit ito sa may edge ng kama at isinuot ang T-shirt habang nakatingin sa akin. “We will go home the day after tomorrow,” wika niya. “Really?” Napatingin ako sa kaniya. Wala akong mabakas na emosyon sa mukha niya habang mataman itong nakatingin sa akin. “I have lots of things to do and to finish. Another thing, one of my maids has gone missing.” Kumalabog ang dibdib ko sa sinabi niya. “Missing?” He stared at me meaningfully. I couldn’t name it. Nawala rin naman kaagad iyon. “Rommel told me that my cook never came back after she took her day off. They are worried. I wonder where she is right now. I made him look for her and her father but he found no trace.” Mas lalong dumoble ang kaba na nararamdaman ko. “Malay mo naman kung nagkaroon ng emergency.” “Well, that’s why we’re going back. I will see it for myself.” “Babalik din ’yon.” He never answered back and took out his phone when it rang. Kaagad siyang lumabas sa balcony para doon ituloy ang pakikipag-usap samantalang nanatili ang aking kaba. *** Kinabukasan, I badly wanted to tell him the truth, pero marami rin akong iniisip at may kung anong pumipigil sa akin. And then, I remembered Anaconda. Right! May ahas pa nga palang naninirahan sa mansion ni Damon. This squid’s face. Nagluluto ako ng tanghalian nang makarinig ako ng kalampog. Kumunot ang noo ko. Ano na namang ginagawa ni Damon? Tinapos ko muna ang niluluto bago lumabas ng kusina to see what’s happening; however, I found nothing. “Damon?” I called him, but I never heard a response. Umakyat ako sa ikalawang palapag to look for him, but I found him missing. Tumungo ako sa kuwarto ko only to see a man, wearing a bonnet, and a full black body suit looking for something. I didn’t know what to do. I panicked. “Damon! Damon! There’s a man! Damon!” sigaw ko. Tumakbo ako paalis para hanapin si Damon ngunit napahiyaw ako nang may biglang sumabunot sa buhok ko. “Masyado kang maingay!” sambit ng lalaki. “Argh!” I groaned when he punched my stomach. Napaiyak pa ako sa sakit at pakiramdam ko ay masusuka ako ng dugo. D-Damon! I wanted to scream but I couldn’t. I curled my body on the floor after that punch and cried. “Buwisit! Mukhang hindi ko mahahanap ang kailangan ko!” sigaw pa nito. Tiningnan ko ang lalaki at naghanap ng tiyempo na makalapit sa vase para makuha ito. I slowly stood up and walked silently until I reached the vase. Dala ng samot-saring pakiramdam, wala na akong ibang nasa isip kung hindi ang makaligtas at matalo ang lalaking ito. I took the vase. Mahigpit ko ’yong hinawakan habang tahimik na naglakad palapit sa kaniya. Dala ng takot na makagawa ng ingay, bago pa man ito makaharap sa akin ay mabilis ko na itong hinampas ng vase. Tumalsik ang dugo niya sa mukha ko nang ilang beses ko siyang hampasin. Nang matauhan ay nanginig ang kamay ko at kaagad na nabitiwan ang basag na vase. Nasugatan pa ako nito ngunit wala na akong pakialam. I felt like my mind went blank. Confusion crept on me. Nangatal ang labi ko at sunod-sunod na pumatak ang aking luha. My hands and face were bloody. Pati na rin ang damit ko ay natalsikan ng dugo. I cried and screamed in fear. “Katherine? What the hell is happening?” I heard Damon’s voice downstairs. Humahangos itong tumakbo paakyat at dinaluhan ako. Wearing a black leather jacket with a black shirt underneath and a black pants and his brown combat boots. “What’s happe—What the f**k?” Nanginginig ang kamay kong yumakap sa kaniya. Binaon ko ang aking mukha sa dibdib niya. I cried hard in fear of what I had done. “D-Damon . . . I killed him . . . I killed him!” I panicked. Mahigpit ang yakap ko sa kaniya. “Shhhh. Hush now. You didn’t mean that.” “N-no! No! I killed him. Look at me. I am bloody. I killed him! I killed someone!” He cupped my face to get me to look at him. Umiiyak kong tinitigan ang bughaw niyang mga mata sa kalagitnaan ng takot na nararamdaman at pagkataranta ko. He pressed his lips against mine, giving me a calming and soft kiss. Nanghina ako sa ginawa niya at unti-unti akong kumalma. When I was finally tamed, he let go of my lips. Sapo pa rin niya ang mukha ko. Muli ko siyang niyakap. “You just defend yourself. You just protected yourself. I will handle what happened. I will clean this,” sabi niya. I let my tears fall until I had the strength to wash myself. Nakatulala ako sa kama ni Damon pagkatapos linisin ang sarili. I couldn’t believe what happened. Masakit ang ulo at tiyan ko dahil sa ginawa no’ng lalaki sa akin kanina. “Are you okay now? I’ll just fix things and we will leave,” sambit niya. Marahan ko naman siyang nilingon. Aalis na kami? Hindi na kami magpapaabot ng bukas? Maybe, that’s better. After he packed some things, he walked towards me. He held my hand to pull me up. “Are you hungry?” he asked, and I just shook my head. I had no courage and enough energy to talk. Nasa kalagitnaan kami ng biyahe when he held my hand and caressed it habang ang isang kamay niya ay nanatili sa manibela. He was glancing at me from time to time. “Forget it. You’re going to be my wife. You will know my secret. You will know my world.” “We’re different, D-Damon. I am not like you.” Tila napapasong nabitiwan niya ang kamay ko. Nang sumulyap ako sa mga ’yon ay nakita kong mahigpit na iyong nakahawak sa manibela. I sighed. That was the first time I did something horrible. My conscience was eating me alive. “The man you killed was one of my enemies’ people. He killed several people,” wika niya. Nilingon ko siya. Nanatiling seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa unahan. Nanatili naman akong tahimik. Hindi ko na halos namalayan na nakarating kami sa mansion niya. My heart throbbed when I realized that. f**k! He brought me to his mansion! “Let’s go. I’m hungry. I already told Manang Josie to prepare us dinner while we’re on our way.” Ipinagbukas niya ako ng pinto at mahina akong hinila palabas ng kotse. Sumalubong sa amin si Kuya Rommel na napatingin sa akin. Napaiwas ako ng tingin nang sandaling matitigan niya ang mukha ko at kumunot ang noo nito. Sana lang ay hindi niya ako nakilala. “Manang Josie! What’s for dinner?” Mas lalong sumama ang timpla ko nang marinig ang malandi at matinis na boses ng babae ni Damon. Dahil sa narinig ay kaagad kong binawi ang kamay mula kay Damon at pinanlisikan ito ng mga mata. “Dame? Omg! Babe!” Pakiramdam ko, nag-aapoy sa galit ang katawan ko nang biglang dinamba ni Anaconda si Damon at niyakap nang mahigpit. She‘s only wearing a black mini short at violet na tube, showing off too much skin. I shoot her daggers of stares and was ready to walk out when Damon pushed her away—na para bang wala itong kakuwenta-kuwentang bagay na dumikit sa kaniya. Gusto kong matawa. “Ouch! What was that for, Babe? Hindi mo ba ako na-miss?” “Shut up, Francine! Pack your things and leave my house. Your job is done. I don’t want to f*****g see you here again.” “What? What are you saying?” She nervously laughed before looking at me. Nanlaki ang mga mata nitong napaturo sa akin. “Wait! You’re the blonde in the boutique. What are you doing here?” Lalapitan na sana ako nito at akmang aatakihin when Damon caught her arms. Marahas siyang naitulak ni Damon palayo sa akin kaya humalukipkip lang ako. Napangisi ako kay Anaconda tulad ng ginawa niya no’ng nandito ako bilang si Rene. “Touch her and I will kill you. Francine, you know I am not bluffing,” banta ni Damon. Nakita ko ang pagbalatay ng takot sa mga mata ni Anaconda. “But, wala pa naman ang fiancée mo, ’di ba? You want me to play as your woman para pagselosin ang fiancée mo at mapapayag mo na ikasal sa ’yo.” “And that’s a freaking bullshit plan because she won’t get jealous. To correct what you said, my fiancée is here with me, that’s why you need to leave now. Your role is already done. I’ll send the last payment on your account as soon as possible. Go pack your things and leave before I make you . . . You know what I can do.” Matalim akong tiningnan ni Anaconda bago ito mangiyak-ngiyak na lumabas ng mansion. Nilingon ako ni Damon kaya mabilis kong inalis ang ngisi sa labi ko at inosente siyang tiningnan. “Come on, let’s eat dinner and then rest afterwards. Tomorrow, we have something to talk about.” Hinila na niya ako papasok sa kusina. Sa kabila no’n, kakaibang kaba ang naramdaman ko tungkol sa sinabi niya. May pag-uusapan kami bukas? Tungkol saan naman kaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD