Nakayuko ako nang pumasok kami sa dine hall—takot na makilala ako nina Manang Josie, Ate Tess, at Ate Miray.
“This is Katherine Reiss, my fiancée. From now on, she will live here with us.”
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano sa ginawa niyang pagpapakilala sa akin. Hindi naman kasi niya ipinakilala si Anaconda sa amin no’ng dalhin niya ito rito. Naiilang akong tumingin sa tatlong nakatingin lang din sa akin. Kinakabahan ako na baka makilala nila ako pero wala naman akong nakitang kakaiba sa emosyon nila. Magalang silang nag-bow sa harapan ko bilang pagrespeto at pagbati sa taong magiging asawa ng boss nila.
“Mukhang mabait siya, ’no?”
“Better naman siya kaysa kay Francine.”
“Saka mas mukha siyang may class at mayaman. Ang ganda, Beh! Wala pang makeup ’yan. OMG!”
Gusto ko silang yakapin sa narinig pero tumikhim lang ako at naupo na. They started to serve our dinner and we ate silently. Umalis na rin naman sila nang matapos kami ni Damon. I somehow missed my role here. Na-miss ko na magluto, maghugas ng pinagkainan ni Damon, maglaba, at magsilbi rito kasama sina Ate, imbes na pagsilbihan ako.
Nakasunod lang ako kay Damon hanggang sa makarating kami sa second floor. Hindi ko alam ang sunod na hakbang na dapat gawin. Where should I stay?
“Come on.”
Nilingon ko nang magsalita siya. Magkasalubong ang kilay nitong nakatingin sa akin, waiting for me to catch up. Nang makita kong binuksan niya ang pinto ng kuwarto niya, alam ko nang doon ako tutuloy. Tahimik akong pumasok. Parang kailan lang no’ng bihira akong makapasok dito para kunin ang labahan niya. Now, I entered it but not for the same reason anymore.
“You can change your clothes and sleep afterwards.”
Napansin kong dumeretso siya sa kaniyang table dito sa kuwarto niya. He took his laptop out. Hindi na ako nagdalawang-isip na sundin siya dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.
Pagkatapos magbihis ay kaagad na akong humiga at tuluyang nakatulog.
***
Nagising ako kinabukasan na tila napakagaan ng pakiramdam. I squeezed my eyes, bago ko iyon binuksan ulit at nilibot ang tingin. Hindi ko nakita si Damon—kahit ang anino niya ay wala sa loob ng kuwarto niya. That’s when I remembered what he said yesterday, dahilan upang tumambol ang dibdib ko. Oo nga pala. May sinabi siya na pag-uusapan namin. Muntik ko na makalimutan. Dahil naalala ko ito, bigla na naman akong nilamon ng kaba.
Hinawi ko ang kurtina sa kuwarto ni Damon at dinama ang sinag ng araw habang umuunat. I then approached Damon's closet barefoot and grabbed one of his sleeves. Kumuha rin ako ng underwear sa bag na dala namin kahapon. Mas gusto ko nang suotin ang damit niya at sana lang ay hindi siya magalit.
Pagkatapos mag-shower ay nagpatuyo lang ako ng buhok hanggang sa bumalik na naman ang natural nitong pagkakaalon. I didn’t put anything on my face and decided to leave the room so I could have my breakfast, ngunit muntik na akong mapatalon nang maabutan si Kuya Rommel sa labas ng kuwarto. Nakatayo ito sa gilid ng pintuan, magka-cross ang dalawang kamay sa kaniyang likuran at nakatayo nang tuwid, tila hinihintay akong lumabas. I didn’t know how I should address him so I chose to stay silent and wait for him to speak.
“Gising na po pala kayo, Miss Katherine. Hinihintay na po kayo ni Master sa private room niya.”
Kumunot ang noo ko. Private room? Hindi sa opisina niya?
“Where is it located?”
Bakit hindi ko nalamang may private room pala si Damon dito sa mansion niya?
“Ihahatid ko po kayo, Miss Katherine.”
Tahimik akong sumunod kay Kuya Rommel hanggang sa marating namin ang isang room malapit sa pool area. Bubog na pader ang mayroon no’n kaya tanaw na tanaw mula sa loob ang pool area. It was heavily tinted kaya hindi makikita ang nasa loob mula sa labas. Ganoon pa man, sa gabi ay kitang-kita na ang loob nito kung walang makapal at mahabang kurtina.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Kuya Rommel ngunit hindi siya pumasok. He just motioned me to enter at siya na rin ang nagsara no’n. Kabado akong pumasok at nilibot ang paningin hanggang sa makita ko si Damon na nakapamulsang nakatayo at nakaharap sa pool area. He’s wearing plain blue green long sleeve and black flat front short. I could only see his back. Kahit nakatalikod siya sa direksiyon ko, naiisip ko pa rin ang walang emosyon niyang mukha.
“Damon,” pag-agaw ko sa attention niya.
He glanced at me before he finally turned around. “You slept longer than I thought. Have you gained enough energy?”
Kumunot ang noo ko. Napatitig ako sa mukha niya, ngunit wala akong mabakas na emosyon doon.
“Energy? Bakit, maglalaro ba tayo ng sports? Hiking?” I asked.
“Nevermind. Sit down and we’ll talk.” Tinuro niya ang sofa kaya kaagad naman akong sumunod. Kunot-noo niya akong tiningnan bago naupo sa single na sofa.
“Ano bang pag-uusapan natin? I am freaking nervous,” wika ko.
Mariin niya akong tinitigan bago tumingin sa isang direksiyon na sinundan ko naman ng tingin. I saw a black box—kasinglaki ng box ng sapatos.
“Aren’t you going to confess to me?” tanong niya, dahilan upang manlaki ang mga mata ko.
Shit! Naramdaman kaya niyang may gusto na ako sa kaniya? Dahil ba sa hindi na ako nagmamatigas at kusa na akong dumidikit sa kaniya?
“C-confess? A-ano naman ang aaminin ko sa ’yo? Ayaw nga kitang pakasalan, ’di ba? On the second thought, gusto ko rin naman na . . . na . . . makilala ka pa. I want us to work this out.”
Lalong nagusot ang noo niya sa sinabi ko.
“That’s not what I am talking about. I guess we’re not on the same page. But because I am being impatient now, here.” Kinuha niya ang box at inabot sa akin. “Open this and explain.”
Bigla akong kinabahan. Ano bang mayroon sa loob nito?
“What is this, Damon?” seryoso kong tanong.
“See it for yourself.”
Sumandal siya sa sofa at pinanood ako. Naghihintay siyang buksan ko ’yon at makita kung ano ang laman gamit ang sarili kong mga mata. Hindi maganda ang kutob ko pero kahit nanginginig ang kamay ay sinubukan ko iyong buksan.
Kahit malamig sa loob ay nagsimula akong pagpawisan nang makita ang nilalaman ng box. Laman nito ang mga ginamit ko para sa pagpapanggap bilang Rene. My chest tightened. My mind throbbed. I just wanted to dissolve right here. I just wanted to disappear in front of him. My plans—everything I planned—had come to an end.
“W-what’s this?”
“Should I answer you?”
“Y-you know?”
“What do you think?”
Malalim akong bumuntonghininga. Hindi pa rin makatingin sa kaniya.
“Kailan pa?” tanong ko.
“The first time you saw me.”
I bit my lower lip. Nangilid ang mga luha ko at nanginginig na binalik sa lamesita ang box. My hands fisted on my legs. Nanatiling nakayuko ang ulo ko.
“G-galit ka ba?” nanginginig ang boses na tanong ko.
I didn’t receive an answer from him. Nilakasan ko ang loob ko at tumingin sa kaniya. Kaagad na nagsalubong ang mga mata naming dalawa. He stood up and walked towards me. Tumayo siya sa harapan ko. Wala akong mabakas na kahit anong emosyon sa mukha niya.
“Why? Why did you do that? Why did you ditch me? Why did you pretend to be her? What’s your game, Katherine?”
Nanginginig man ay humugot pa rin ako ng lakas ng loob para sagutin ang tanong niya. “It’s because I don’t want to marry you.” That’s the simplest answer to all of his questions.
Hindi siya nagsalita kaya nakagat ko ang pang-ibabang labi bago nag-angat ulit ng tingin sa kaniya. Marahan kong inabot ang kamay niya para hawakan ito. “I-I’m sorry. Hindi ko lang kasi kayang tanggapin na ikakasal ako sa hindi ko kilala, so I planned to disguise myself. Gusto kong kilalanin ka. Gusto kong malaman lahat ng tungkol sa ’yo.” Hinigpitan ko ang kapit sa kaniya—takot na baka magalit siya at palayasin ako o kaya naman ay hindi na niya ituloy ang kasal namin. The tables had been turned, and I was now the one who wanted it to happen.
“Do you still want to call off our wedding until now?” tanong niya.
Napatitig ako sa mukha niya. My heart throbbed painfully. Hindi ko gusto ang idea na sinabi niya so . . . I shook my head.
“Tell me you want to marry me then.”
“H-huh?”
“Say it. Say that you want me . . . to be your husband. Say that you want to marry me.”
Mabilis na kumalabog ang dibdib ko. “I . . . I want you to be my husband. I want to marry you.”
His eyes went darker and the next thing I knew, he pushed me off the sofa and pressed his lips against mine.
“And I want you to be my wife. You’re all mine . . . Katherine,” sabi niya sa pagitan ng mga labi namin. Muli niya ’yong sinakop at mapusok akong hinalikan na malugod kong tinugon.