Buong magdamag akong hindi tumingin kay Damon, lalo na noong bumaba siya para kumain. Ramdam ko ang tumutusok niyang tingin sa akin ngunit hindi ako nagpatinag. Pansin kong naghihinala na si Manang Josie sa kung ano bang nangyayari, dahil pasimple siyang nagpapalit palit ng tingin sa amin ni Damon, ngunit nagpanggap lang akong walang pakialam. Hindi rin naman siya nagtanong nang kami na lang ang nasa dine hall at kusina. Halos hindi ako nakatulog ng maayos ng gabing 'yon. Isama pa na nadala ko ang isang condom niya. My goodness gracious! Ew!
Kinabukasan ay pinili kong umalis muna, dahil hindi ko talaga makayanan ang mga nangyayari sa akin doon. Nagpaalam ako na dadalaw sa tatay ko, where in fact, ay sa bahay ni Bonie ang distinasyon ko. Dumaan ako sa mall para magpalit ng damit. Binura ko rin ang ginamit kong pampaitim ng balat at hinubad ang wig pati na rin ang contacts. I put on light make-up and fixed my hair before I left to visit Bonie. Nang dumating ako sa bahay nito ay hindi ko siya naabutan kaya naiinis akong pinuntahan ang pag-aari nitong boutique, kung saan natitiyak kong naroroon siya.
"Baks!" she exclaimed the moment she saw me enter her boutique.
"Galing ako sa bahay mo," I frowned.
"Awe, I forgot to tell you. Kinailangan ko kasi pumunta rito, nag-leave ang isa kong staff," Tumango naman ako.
"Oh ano namang masamang hangin ang nagpapunta sa 'yo rito? Pinalayas ka na agad? You even told me na mag m-message ka, halos isang Linggo akong naghintay baks!" I massaged my temples.
"Right! I forgot, sorry baks," she eyed me suspiciously.
"You forgot? Bakit super busy mo ba sa bahay na 'yon?" I nodded.
"Masyado siyang magaling magtago ng sekreto niya, can't still find or maybe it was just too early for me to know?" she shook her head and shrugged her shoulders.
"Kahit clue ba wala kang nakuha?" Naupo siya sa harapan ko. Siya ang nakaupo sa visitor's chair, imbes na ako. I leaned my body closer to the desk and think.
"May konti, pero masyadong malabo pa rin. I wasn't even sure if it's literal or if he just uses it as an idiomatic expression or what?" nilapit niya rin ang mukha niya at tila mas naintriga sa tinutukoy ko.
"What is it baks?"
"Yesterday, while I was serving for him. May kausap siya sa phone and ilang beses niyang inutusan 'yong kausap niya to kill a certain person and it creeps me out!" Namilog ang mga mata ni Bonie sa sinabi ko.
"My God, seryoso?! Naku baks! Baka sa susunod ikaw na isunod niya!" Mabilis ko siyang sinapak sa braso dahil sa sinabi niya. Siraulong 'to!
"Seryoso nga kasi baks! Come to think of it, siguro may dirty business siyang ginagawa 'no? Hindi kaya sindikato s'ya? Or doing something illegal?!" I gasped as I pointed her out.
"Baks! Sa tingin mo isa siya doon sa nangongolekta ng nga babae para i-trade sa ibang bansa? Kaya siya yumaman?" I exaggerate. Pero malay mo, that's what he's really doing?
"Baks, kumalma ka nga? He's a businessman. Usually some of them are, lalo na 'yong tulad niyang competitive. Maybe he uses that term to, you know, burn down someone's business," I calmed down. Yeah, may point naman siya. But is it still quite suspicious? He said that bluntly! Hindi man lang nagsugar coat.
"Hay naku! Huwag ka muna mag overthink okay? Just continue observing and searching for the right answer, hindi naman tama na basta ka na lang mag conclude, isipin mo unfair pa rin for him ang ginagawa mo. You ditched him," I sighed. Nahinto kami sa pag-uusap ng dumating ang isang staff niya na inutusan niyang bumili ng milk tea sa milk tea shop sa tabi nitong boutique. I shake it a little first before I put the straw in and sip on it. I gulped, the liquid and chewed the pearl before I put it down first and bit my lip a little.
"He seems calmer than I imagined," napalakas kong sabi kaya napatingin sa akin si Bonie, na mukhang naabala ko sa malalim niya ring iniisip.
"What do you mean?" she asked.
"Nothing, I just find him calm based on his reactions. Akala ko, mahihirapan ako na pakisamahan siya, pero hindi naman. Minsan nakakatakot siya, mahirap kasing basahin, but I can feel na hindi naman siya gano'n kasama? I don't know. Or was he just a mischievous person whom I have to be careful from?" She pointed this out while chewing the pear soundly.
"Right! The latter one, hindi mo pa siya gano'n kakilala, hindi mo pa alam kung totoo ba nakikita mo sa kaniya, you should be careful when he is around," Tumango ako. Maybe that's really the best thing to do. We were interrupted when we heard the sound of Bonie's chime. Tanda na may pumasok.
Sakto naman na malapit lang ang pinto rito sa personal desk ni Bonie kaya kaagad na bumaling ang tingin namin doon to see kung sino ang pumasok at halos mahigit naming pareho ang hininga ng pumasok ang isang pamilyar na babae kasunod ang isang pamilyar na lalaki. s**t! I badly want to get out of here, pero hindi na ako makakilos! Magtataka naman siya kapag bigla na lang akong tumayo at magmadaling umalis! Bumaling ang attention nila sa direksyon namin, at hindi ako nakaligtas sa paningin ni Damon. His eyes narrowed on me and I pretended to be calm and as if I didn't know him.
Hindi naman niya ako mamumukhaan 'di ba? s**t! What if he knew me? What if, nakita na niya si Katherine Reiss noon! I am doomed! Calm down, Kath. Calm the f**k down and pretend. Ano ba kasing gagawin ni Anaconda rito!?
"I want a long dress, 'yong sosyal na sosyal talaga ang dating huh, ipanglalakad ko sa red carpet," narinig kong mataray na sabi nito kay Bonie the moment that Bonie assist them and f**k! I can feel Damon's eyes! He's staring at me! Simula pa kanina! Sa kaba ay binaling ko ang tingin sa labas ng boutique at pasimpleng humigop sa milktea ko. Deep down on me, I can feel my nervous and fear. Fear that he might recognize me, and it was too early for that! I still need to prove to my family that this man is just good for nothing. That he doesn't deserve me!
"Babe, how about you? Mayroon din sila rito for men, gusto ko pair tayo," narinig ko pang sabi ni Anaconda at kulang na lang ay masuka ako sa landi ng boses nito, I didn't hear Damon's voice though. Busy si Bonie sa paghahanap ng design for anaconda, when her phone starts ringing.
"Bonie your phone!" pagkuha ko sa attention niya ngunit iba yata ang attention na nakuha ko. Damn! Gusto ko na lang lumubog sa upuan ko.
"Sagutin mo muna for me baks please!" I heard her voice, so I allegedly took her phone and answered it without looking at who the caller was.
"Hello?"
"Hey lil sis, uuwi na ako next week." Agad na nanlaki ang mata ko sa narinig. Napatayo ako sa gulat at napansin ko ang mga mata ni Anaconda na ngayon ay nakaupo sa couch, na napatingin sa direksyon ko. I could see from the side of my eyes how she looked at me from head to toe. Mas mataas ako sa kaniya kahit nakaheels pa siya. She's a petite woman who's trying to be tall by wearing high heels. I walked besides her, where I can see the outside clearly and folded one of my arms on my chest. May isa pang tingin na tumutusok sa akin but I remained calm and pretending they are not here.
"Chrome," pagtawag ko sa pangalan nito at narinig ko pang tila may bagay siyang nahulog kasunod ng sunod-sunod niyang pagmumura.
"Kath? Is that you?" he nervously asked.
"Yeah. Ano'ng narinig ko kanina? Uuwi ka na? Hindi mo sa akin sinabi 'yan? How dare you!" pagmamaktol ko. Naiinis ako sa kaniya.
"K-Kath, ano kasi...surprise sana e."
"Seriously? I was really surprised! Shuta ka! Ilang buwan kang hindi nagparamdam sa akin, tapos uuwi ka na pala?!"
"Sorry na, I just really want to surprise you."
"Who is it baks?"
"A damn parasite!" I answered after I hung up. 'Di ko namalayan na nakatingin pa rin pala sa akin si Damon at Anaconda na nakaupo pa rin doon habang naglalakad naman si Bonie palapit sa dalawa ng nakatingin sa akin.
"Parasite? Hulaan ko si Kuya 'no?"
"Your damn brother is a freaking liar, Bonie! I swear, hihiwalayan ko talaga siya!" she chuckled. Inabot niya ang damit kay Anaconda na mataray naman nitong tinanggap bago tumungo sa fitting room, but what makes me uncomfortable is Damon's glare. Wait—he's glaring at me? Lumipat ang tingin ko sa kaniya at matapang na sinalubong ang mga mata niya and that's when I confirmed that he was really glaring at me for I don't know what the f*****g reason?!
"What?!" naiiritang tanong ko kay Damon, na kinasinghap ni Bonie. I almost forgot na dapat hindi ko na ito pinansin.
"Naku Sir pasensya na p-po sa kaibigan ko, stress lang po sa love life." Hindi siya pinansin ni Damon at nanatili itong nakatingin sa akin.
"You're familiar," bigla akong kinabahan ng magsalita si Damon. Pakiramdam ko maiihi ako sa kaba at hindi na mapakali sa upuan.
"Lahat ng nakakasalamuha ko, sinasabi 'yan," I answered back. Magsasalita pa sana siya ng lumabas na si Anaconda at rumampa sa harap ni Damon na kinaikot ng mga mata ko. Damn! She really has high confidence. Siguro no'ng nagpasabog ng confidence sinalo niya lahat, naguumapaw na eh.
"That's enough. I still have things to do," Damon took out his wallet at inabot ang isang gold card kay Bonie to pay for it. Wow, grabeng galante. Si Anaconda naman, halos magningning ang mata. I get it. Kumakapit siya kay Damon. Now I'm interested. Who the hell is she?! Is she rich? Or nag f-feeling lang. Ganito ba tipo ni Damon? My God.
"Thank you, babe! I am so lucky!" I can't help but roll my eyes once again. Nang makaalis sila ay saka lang ako nakahinga nang maluwag.
"That f*****g Damon with his social climber and gold digger b***h!"
"Kalma, si kuya muna unahin mo," natatawang sabi niya kaya mas lalo akong nainis. We're not really in a serious relationship. I just need to be his girlfriend para makapunta siya sa Cambodia. Since their parents wouldn't let him if it wasn't for me, and since I'm bored, I just let it happen. Hindi ko naman alam na tatagal kami ng almost 6 years sa gano'ng set-up. We don't love each other. That's the truth. Mas malinaw pa na magkaibigan ang turingan naming dalawa inside our relationship, and that's very convenient for me. Hindi ko rin alam kung bakit walang nakikipaghiwalay sa aming dalawa gayo'ng wala naman kaming balak na mahalin ang isa't-isa. Likewise, he doesn't like me as his lover.
"Hayaan mo nga 'yon, once talaga na magkita kami makikipaghiwalay na ako," natawa siya lalo.
"As if, baks! Nag aanim na taon na kayo, hindi man lang kayo na-develop?"
"Goodness! Parehong ayaw namin sa isa't-isa. Magkaibigan lang kami."
"Oy dyan nagsimula nanay at tatay namin 'no?"
"Argh! Stop with your teasing game," I hissed.
"What bothers me right now is what that squid face told me!" I scoffed.
"Squid face?"
"Damon," She burst into laughter.
"Grabe ka! Ang g-gwapo-gwapo no'n, tinatawag mo lang na mukhang pusit?!"
"What?! He really is a squid face for me! That's better than shrimp though, ano ba dapat? Jelly fish?"
"Stop! My God! You really are a savage! " Umiling ako at kinuha na ang purse ko.
"I better go baks, may pupuntahan pa ako," Pagpapaalam ko sa kaniya, hinatid naman niya ako sa labas hanggang sa makasakay ako ng cab. Nagpaderetso ako sa bahay ng isang kakilala at nang bumukas ang pinto nito ay bumungad sa akin ang mukha na matagal ko nang hindi nakikita.
"Kathy?" I gave him a wide grin before I immediately went in. "Kailan ka pa bumalik?" he asked after he followed me.
"Last week," Matapos ilibot ang paningin ay humarap ako sa kaniya.
"May gusto akong ipagawa sa 'yo, Fern," Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. He's a detective. It's a good thing I have someone like him on my side. Alam kong maaasahan siya.
"Wait alam ba nila tita na umuwi ka na?" Umiling ako na mas lalo niyang kinagulat.
"Damn, I am sure damay nanaman ako sa kung ano mang kalokohan mo ngayon," napakamot 'to sa ulo niya. Habang ako ay kampante na tinapon sa couch ang purse at naupo. I even crossed my legs.
"Don't tell them, ayoko maikasal 'no?"
"Kasal? Ipapakasal ka nila?"
"Yes! Kaya ng ako nagtatago at may kinalaman do'n ang gusto kong ipagawa sa 'yo." Napatango naman siya tila naiintindihan na ang sitwasyon ko. Nakapamewang siyang humarap sa akin.
"Ano bang gusto mong ipagawa?"
"I want you to investigate Damon Dankworth and gather all the crucial information about him. It is not wrong to know my fiancee deeper, right?" noong una ay wala pa siyang reaksyon, ngunit mayamaya lang ay bigla na lang siyang nanigas sa kinatatayuan at nanlalaki ang matang napatitig sa akin.
"No way Kathy, ipagawa mo na sa akin lahat 'wag lang 'yon," coward!
"Why? Anong sense nang trabaho at lisensya mo?
"You don't understand, bukod sa masyadong limitado ang maaari kong malaman tungkol sa kaniya, ay ang katotohanan na mahal ko pa buhay ko," duwag nga!
"Akala ko naman ay matutulungan mo ako, naduduwag ka lang pala!" I grabbed my purse and was ready to leave when he chased after me.
"Kathy, hindi naman kasi sa gano'n pero—" Marahas ko siyang nilingon.
"Pero ano?!"
"Siya kasi 'yong tipo ng taong mas gugustuhin mo na lang huwag pansinin kaysa subukang pakialaman," bumakas ang takot sa mga mata niya kaya mas lalong lumakas ang kutob kong hindi nga basta isang sikat na mayamang tao lamang si Damon. "Kathy, be careful. He's the kind of man you shouldn't mess with. That man is dangerous; he's heartless."
"What do you know about him?"
"I can't tell you the exact word, but I can just let you know that he is... not good." Nanatili ang mga sinabi sa akin ni Fern hanggang sa makabalik ako sa mansion ni Damon, and the moment I stepped in...naramdaman ko agad natila may mga matang nakamasid sa akin at naghihintay sa akin pagdating. Nang tumingala ako ay nakita ko ang pares ng dalawang bughaw na mga mata na nakatitig sa akin.
. . .